CHAPTER 24 LPP

2.1K 30 12
                                    

*SOMEONE'S POV*

I picked up my phone and dialled his number. binuksan ko na rin ang tv para maaliw aliw naman ako.

Pero itong pinaplano ko, it's even better than television.

Nakakatawa, nakakaenjoy.

"Hello?"

"Hello, buti naman naisipan mong sagutin. Akala ko kailangan ko nang ilabas ang lahat ng sikreto niyo ehh, isang ring na lang sana...

You will all be exposed."

nararamdaman kong nanginginig ang boses sa kabilang linya.

"Y-you can't do this!"

"Oh, Manny. But I can, and I will kung hindi niyo susundin ang lahat ng pinag-uutos ko. Kayo naman kasi ehh, hindi kayo malinis magtrabaho, magtatago na lang kayo ng sikretong yayanig sa industriya, hindi niyo pa ginalingan ang pagtatago."   natatawa kong sabi.

"I can't believe you. Napakasama mo!."

"Ako pa ngayon? I'm already doing you a good deed sa pagsabi sa inyo. Isang pindot ko lang sa cellphone ko ay lalabas na lahat ng baho niyo. Susunod ba kayo o hindi?"

Bumuntong-hininga siya.   "O-OO NA. OO NA."

Stupid, helpless creatures.

"Good. And Manny, there's one last thing that I want."

"At ano naman yun?"

"I want...

ALEXANDER RICHMOND MONTENEGRO."

"Tek-"  *toot*   *toot*   *toot*

Bago pa makapagsalita ang Manny na yun, binabaan ko na siya ng telepono.

Pinulot ko ang litratong nakapatong sa table. It's a picture of them. Smiling.

"Humanda na kayo Joey at Xander, you wanna play?....

LET'S PLAY. BUT I SURELY WON'T PLAY FAIR."

Pinunit ko ang litrato at tinapon sa basurahan.

"Dyan kayo bagay."

and I strutted out.

*JOEY'S POV*

"Hay salamat nairaos din ang party na yun. Ang sakit ng balakang ko kakasayaw."  sabi sakin ni Mama.

"Sige na Ma. Magpahinga ka na sa taas. Ako na bahala dito."

"Sigurado ka ba Joey, anak?"

tumango ako sa kanya. Lumingon naman ako kay Alenne.

"A-ate ako rin parang marami yata akong assignment ehh, sige ah baboo!"

paakyat na siya ng pigilan ko siya at hinawakan ang damit niya. Kala mo ahh, iwanan mo pa ko dito.

"Anong assignment ha? Eh hindi ka nga nag-aaral ehh palusot ka pa. Tsaka Alenne Sabado po kaya bukas."

"Mas maganda na maaga diba Ate?"   nakangiti niyang sabi.

"Anong maaga maaga? Wag ka nang lumusot. Sige, kumuha ka ng trash bag sa kusina para maumpisahan na natin to."

Kakamot kamot ulo siya. "Ehh. Ate naman ehh. Ikaw na. Sige na nandyan naman jowa mo ehh, patulong ka na lang sa kanya."  tinuro niya si Xander na natutulog na pala sa sofa.

*toink*

"ATE NAMAN MASAKIT YUN AHH! NAKAKADALAWA KA NA!"  kakamot ulo niyang sabi.

"Ehh ikaw naman kasi ang ingay ingay mo kita mong natutulog yung tao ehh. Shh. Dun ka sa garden maglinis, dalian mo pati bubong iskobahin mo bahala ka."

Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon