*JOEY'S POV*
I shifted a bit. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.
Nasaan ba ko? The last thing I remember ay yung lalaking manyak, sapakan, tapos...
Oongapala.
We kissed.
It was...
Magical?
Anobayan ha ang baduy ko.
Ano ba tong mga ginagawa sakin ni Montenegro.
I shifted a bit. I turned around to see Xander.
He was sleeping, snoring slightly. Kinurot ko yung ilong niya.
"Montenegro. Uy."
Pinisil pisil ko lang yung ilong niya. Ayaw pa rin.
"Ayoko pa. Mrrm." sagot niya.
Ahh, ayaw mo ahh.
Lumapit ako sa tenga niya at bumulong..
"Sige Xander ha. Mauna na ko, magsiswimming lang kami ni Gerald."
Mas mabilis pa sa alas-kwatro siya bumalikwas.
"HOY ANONG SWIMMING HA?!"
Napatayo siya agad, nakatingin sa may dagat.
"Pft-HAHAHAHA."
Hindi ko na napigilan. Nakakatawa kasi talaga yung mukha niya ehh.
Akala mo sinabihan ng "may sunog".
"Bakit ka ba nanloloko ng ganun ha? Di magandang biro yun ahh."
Hinawakan ko yung braso niya at niyugyog siyang konti.
"Joke lang naman ehh. Ayaw mo pa kasi bumangon. Haha."
"Teka, anong oras na ba?" lumingon siya sakin.
"SHOOT. Patay tayo kay Mommy!" sagot ko.
Naku, inumaga na pala kami dito sa may beach.
Sinong sasabunin ng nanay niya?
Ako.
**************************************************************************
"ANO KA BA NAMAN MARYJO MARASIGAN HA?! ALAM MO BANG SOBRANG NAG-ALALA AKO SA IYO?!"
"Ma, teka lang naman p-"
"MALAY KO BA KONG NAKAIN KA NA NG PATING O DI KAYA NALAMON NG ALON.."
"Ma, kas-"
"O DI KAYA NAMAN NAIWAN SA KUWEBA O DI KAYA KINIDNAP NG SHOKOY O DI KAYA.."
"Ma! Ayos lang po ako ohh. Buong-buo. Ni galos nga wala ako ehh."
"Eh saan naman ba kasi kayo nagpunta ni Xander aber?"
Biglang sumulpot si Allenne. "Mama, baka naman po kasi nag-ano sila.."
Lumingon si mama kay Allenne at nanlalaki ang mata. "NAG-ANO HA?!"
"Baka nagswimming Ma. Ikaw naman masyadong high blood ehh. Kalma." sagot niya.
Bumuntong-hininga si Mama. "Siyanga, Joey. Ikwento mo nga sakin kung saan kayo nagsususuot nito ni Xander."
Lumingon ako kay Xander. Napakamot lang siya ng ulo.
Naupo kami ni Mama sa labas ng villa na tinutuluyan namin. Ikwinento ko sa kanya mula dun sa pagdating ni Manong holdaper look-a-like hanggang sa pagkatulog namin ni Xander sa buhanginan.
BINABASA MO ANG
Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)
Fanfiction"Ano bang nirereklamo mo? Diba eto naman ang gusto mo? mangyari na finally sa atin na ang last laugh. Pero bakit ka nagkakaganyan ha? Nagpapanggap lang tayo!" "Oo na, oo na! Wag mo na paulit-ulit ipamukha sakin na pagpapanggap ang lahat! Wag kang ma...