“Lyxe, ang ganda-ganda mo talaga,”
Pangisi-ngising wika ni Lyxe habang kausap ang sarili sa salamin na nasa kaniyang harapan, habang abala ang kaniyang stylist sa pag a-ayos ng kaniyang hair and make-up. A-attend ngayong gabi si Lyxe sa isang Drama Award kung saan nominado siya sa tatlong kategorya—Excellent Actress Award, Rising Star Awards and Actress of the Year Awards.
“As always, Ms. Lyxe. Ikaw yata ang tinaguriang Asia's Goddess.” Papuri ni Anna sa dalaga. Nasa edad trenta na si Anna at isa itong single mom. Matagal na rin itong stylist ni Lyxe, maayos magpasweldo si Lyxe kaya kahit madalas siyang sungitan nito ay hindi niya iniiwan ang dalaga. Dahil naiintindihan naman niya kung saan nanggagaling ang nararamdamang puot ng dalaga.
Light make-up lang ang nilagay ni Amna sa mukha ni Lyxe dahil natural na ang ganda ng dalaga kaya hindi na kailangan pa itodo ang effort para lang pagandahin ito. Suot ang kaniyang color white cut out dress, white T-strap high heels, diamond chandelier earings at hawak ang kaniyang white Givenchy white sling-bag ay lumabas na siya sa ng kaniyang condo. Nakasunod naman sa kaniya ang Personal Assistant (P.A) niyang si Vilma Mejia at ang stylist niyang si Anna Cruz.
“H'wag ka ng tumangaga sa'kin Vilma, pindutin mo na 'yung button,” pagtataray ni Lyxe sa kaniyang P.A nang mapansin na titig na titig sa kaniya si Vilma. Nasa tapat sila ngayon ng elevator.
“S-Sorry po, Ms. Lyxe,” tarantang wika ni Vilma at agad na pinindot ang button.
Ilang saglit pa ay bumukas na ito, may sakay itong isang lalake na nakasuot ng color grey two-button men suit, black slocks at black Hancock shoes. Kulay dark coffee ang mata nito, gayundin ang kaniyang buhok naka fringe up cut, pinkish ang kulay ng labi nito at animo'y laging nang aakit na hagkan, mapungay ang almond shape nitong mata, matangos ang ilong, nasa 6'2 ang taas at hindi maipagkakaila ang matikas nitong pangangatawan na tila araw-araw nasa gym.
“Excuse us,” pagtataray ni Lyxe dahil tila ayaw manlang umusog ng binata upang makapasok silang tatlo.
“Sa ibang elevator na lang kayo sumakay,” seryosong wika nito.“I don't share,” patuloy pa nito.
“W-What did you say?!” Tumaas ang tono ng boses ni Lyxe dahil sa hindi makapaniwalang inasta ng lalakeng nasa kanilang harapan.
“Bingi ka ba? Kailangan ko pa ba---”
“Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman si Lyxe Frianna Austria, isang sikat na aktres.” May diin ang bawat salitang binibitawan ni Lyxe.
Tumaas ang sulok ng labi ng binata bago ito nagsalita at tahasan tumingin sa mata ng dalaga, ang bawat titig nito at sadyang nakakatunaw.
“Really? Hindi kasi kita kilala,” sarkastikong wika ni Zhai. Magsasara na sana ang pintuan ng elevator nang pigilan ito ni Lyxe.
“Ms. Lyxe, sa isang elevator----”
“Hindi.” Pagputol ni Lyxe sa sinasabi ni Vilma habang matalim na tingin sa binata.“Sa elevator na 'to gusto kong sumakay.” Pagmamatigas ni Lyxe saka walang pakundangan na tinabig ang ang binata.
Napalunok nalang sina Vilma at Anna na nakayukong sumakay sa elevator. Pinindot ni Anna ang down button bago tuluyan nagsara ang pintuan ng elevator at katahimikan ang namayani sa apat na sulok nito.
“Siguro taga ibang planeta ka, hindi mo kasi kilala ang nag-iisang Asia's Goddess,” sarkastikong wika ni Lyxe na siyang bumasag sa katahimikan.
“I think so? At hindi rin naman ako intresado sa'yo kahit ikaw pa ang anak ng presidente ng bansang ito,” seryosong wika ni Zhai na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Lyxe na kanina pa naiinis. Hindi nito matanggap ang kayabangan taglay ng lalakeng kasama niya ngayon sa loob ng elevator.
BINABASA MO ANG
TALE OF HEART
General FictionLyxe Frianna Austria, ang babaeng 'love life is not my cup of tea'. Walang panahon sa pag-ibig dahil mas priority ang career bilang isang artista. Ngunit tila magbabago ang lahat buhat ng makilala niya ang binatang si Zhai Kristoff Cinco-isang multi...