PROLOGUE

77 9 2
                                    

“Perfect!” Nakangising wika ni Zandra hawak ang kaniyang camera. Kasalukuyan nitong kinukuhaan ng litrato ang award-winning actress na si Lyxe.

“Matagal pa ba 'yan? Nangangawit na 'ko,” reklamo ni Lyxe na todo rin naman ang pag-pose habang nakatingin sa lente ng camera ni Zandra. Napili na naman kasi siya bilang cover ng isang sikat na Magazine.

“Sandali na lang 'to, 'wag ka nga maraming reklamo d'yan,” ani Zandra.“Isa pa, kasalanan mo rin naman 'to kaya 'wag kana magreklamo pwede?” dugtong pa niya.

Sandaling napatigil si Lyxe at pinagtaasan ng kilay ang kaibigang si Zandra na ngayon nga ay isang ng Professional Photographer.

“So kasalanan ko bang sikat akong artista?” sarkastikong wika ni Lyxe.“Kasalanan ko bang na sa akin ang spotlight?” patuloy pa ng dalaga bago mahinang natawa.

Napailing nalang si Zandra bago naglakad palapit sa kaibigan at mahina itong binatukan. Maging ang nasa loob ng studio ay natigilan sa ginawa ng dalaga.

“Para saan naman 'yun?” ani Lyxe na na nakakunot ang noo at aminadong nabigla sa pangbabatok sa kaniya ng kaibigan. Sanay na rin naman siya sa ugali nito dahil sa tagal na nilang magkaibigan. Bago pa man pasukin ni Lyxe ang mundo ng showbiz at maging isang bituin ay magkaibigan na sila ni Zandra na itinuturing narin niyang kapatid.

“Ang drama mo masiyado, tapusin na natin 'to. Naghihintay na sa'yo 'yung P.A mo sa labas ng studio, a-attend ka pa ng event mamaya,” ani Zandra bago bumalik sa kaninang pwesto nito.

“Hayaan mo lang si Vilma, sanay naman maghintay ang babaeng 'yun.” Natatawang wika ni Lyxe bago nakangiting tumitig sa lente ng camera ni Zandra.

Hindi lamang ang angking husay sa pag-arte ang hinahangaan kay Lyxe ngunit maging ang kaniyang naiibang alindog. Kakaiba ang kaniyang kagandagan na maihahalintulad sa isang diyosa. Ang kaniyang maliit at matangos na ilong, kissable lips, almond shape eyes, brown eyes, makinis at maputing kutis, magandang hubog na pangangatawan at mahabang kulay tsokolateng buhok ang panlabas na anyong madalas na napapansin sa kaniya.

Ngunit sa kabila ng kaniyang natatanging ganda, wala pang bumibihag sa pusong pihikan ng dalaga. Hindi pa nito nakilala ang masuwerteng binatang tutunaw sa kaniyang nagye-yelong puso.

TALE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon