CHAPTER 4

23 2 1
                                    


"Ang tagal mo, akala ko ako na ang magbabayad ng lahat nang inorder mong drinks," bulalas ni Ivan bago sumimsim ng alak. Nananatili naman ang mata ni Zhai sa direksyon ni Lyxe kung saan tahimik itong nakaupo habang sina Zandra at Rain ay nag-aasaran. Sandali niya itong nilingon kanina nang hindi na ito nakatingin sa kaniya kaya nalaman niya kung saan ito patutungo."Sino bang tinitignan mo?" Kunot-noong tanong ni Ivan nang mapansin na tila may minamasdan ang kaibigan. Sinundan din niya ng tingin ang direksyon kung saan ito nakatingin. Awtomatiko naman gumuhit sa kaniyang labi ang isang matamis na ngiti matapos mapagtanto kung sino ang minamasdan ng kaibigan."She's Lyxe, known as Asia's Goddess sa Showbiz industry," aniya, at mabilis naman niyang napukaw ang atensiyon ni Zhai ngunit hindi nagpahalata ang binata.


"I'm not interested," matabang na saad ni Zhai bago kinuha ang baso sa ibabaw ng mesa at ininum ang natitirang laman.


"Not interested daw pero halos matunaw na si Lyxe sa mga titig mo," kantyaw ni Ivan sa kaibigan."Sa tagal na panahon nating magkaibigan, kilala na kita Bro. Hindi ka tititig sa isang babae ng higit sa sampong segundo kung hindi ka intresado sa kaniya." Pangisi-ngising patuloy ni Ivan bago sinandal ang likod sa upuan at sumimsim ng alak.


Ibinaling na lamang ni Zhai ang kaniyang atensyon sa mga nagsasayaw sa dance floor sa saliw ng nakaka-indak na tugtugin.


"Lyxe Frianna Austria, 21year old award-winning actress and model under Paradise Entertainment," ani Ivan dahilan upang sulyapan siya ng tingin ni Zhai. Nangunot ang noo ng binata nang marinig ang pangalan ng entertainment company kung saan isa siya sa shareholder."Yes, Bro. Artist si Lyxe sa entertainment company kung isa ka sa mga shareholder," patuloy pa ni Ivan.


"So?"


"Bro. naman, trenta anyos kana. Wala ka ba talagang balak na mag-asawa't bumuo ng masayang pamilya? Sayang naman ang kagwapuhan natin kung hindi tayo mamamahagi ng lahi sa iba diba?" ani Ivan.


"And what do you want me to do?" sarkastikong tanong ni Zhai, kaagad naman na nagniningning ang mata ni Ivan na animo'y may hindi magandang pinaplano.


"Ipapakilala kita kay Lyxe," ani Ivan.


"Ayaw ko,"


"C'mon Bro. masiyado ka na kasi laging seryoso sa buhay. Puro kana lang opisina, bahay and vice versa. Kung hindi pa nga kita pinilit na magpunta dito sa Bar eh hindi karin sasama," katwiran ni Ivan."Dahil parin ba 'to kay Mandy? Hindi ka parin maka---"


"Enough," pagputol ni Zhai sa dapat sana ay sasabihin ng kaibigan. Hanggat maaari ay ayaw ng marinig ni Zhai ang pangalan ng babaeng dating minahal.


Si Mandy Angeles ang first love ni Zhai noong College, hindi man naging sila ngunit labis na dinamdam ng binata ang nabalitan na meron ng nobyo ang dalaga.


"Ok, hindi ko na babanggitin ang pangalan ni Man---" Hindi na nagawang ituloy ni Ivan ang sasabihin nang samaan siya ng tingin ni Zhai."Sabi ko nga, hindi na talaga babanggitin ang pangalan niya," patuloy ni Ivan.


Pasado alas-onse na ng gabi nang maihatid ni Rain ang kaibigan sa Condo nito. Hindi na nagawa ni Zandra na ihatid si Lyxe dahil mas nauna 'tong malasing sa dalawa, kaya naman tinawagan nalang ni Rain ang pinsan ni Zandra upang sunduin ang dalaga.

TALE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon