CHAPTER 8

15 1 1
                                    

"You know what? I'm so proud of you. Eh paano pala 'yung international project mo?" ani Zandra bago sumimsin ng Iced Tea.


"Matagal pa naman 'yon, kaya ito na muna ang pagtutuunan ko ng pansin," ani Lyxe habang maingat na nililipat ang bawat pahina ng script.


"Lyxe,"


"Oh?"


"Nanliligaw ba sa'yo si Rain?" Dahil sa tanong na iyon ni Zandra ay napaangat ng ulo si Lyxe saka nagtatakang tinignan ang kaibigan.


"Anong klaseng tanong 'yan?" Pagtataka ni Lyxe saka nilapag sa coffee table ang folder. Umayos ito ng pagkakaupo sa sofa saka pinagkros ang dalawang braso.


"Pasensya kana sa tanong ko, curious lang naman," ani Zandra saka ngumisi.


"Magkaibigan lang kami ni Rain." Mahinahon ngunit seryosong saad ni Lyxe."'Yung totoo Zandra, nagda-drugs ka ba?" Patuloy pa nito.


"Hoy hindi ah!" Depensa ng dalaga sabay bato ng throw pillow kay Lyxe na mabilisan naman nitong nailagan."Natanong ko lang naman. Masiyado kasi kayong close ni Rain, so hindi na nakakapagtaka kung makaisip siyang ligawan ka," ani Zandra.


"My god Zandra, seryoso ka ba d'yan sa mga tanong mo?" ani Lyxe na hindi alam kung anong magiging reaksiyon sa tanong ng kaibigan."Kaibigan lang ang tingin ko kay Rain ok? We're only friends." Patuloy ni Lyxe.


"Eh siya? Kaibigan din kaya ang tingin niya sa'yo?" Malumanay ngunit seryosong tanong ni Zandra dahilan upang panandalian silang mabalot ng katahimikan.


"You crazy." Pagputol ni Lyxe sa katahimikan."Masiyado ka bang nalasing kagabi kaya hanggang ngayon iba ang takbo ng utak mo?" Patuloy pa nito.


Sumimsim si Zandra ng Iced Tea bago ito muling nagsalita, "I'm crazy?" aniya sabay duro sa sarili. Tipid itong natawa bago nagpatuloy."Ikaw naman, tagal na natin magkaibigan ngayon mo lang nalaman? C'mon Lyxe, I'm just asking you lang naman. So don't get angry ok?" aniya.


"Eh sino ba naman hindi tataas ang dugo sa tanong mo? Ginagawan mo ng issue 'yung tao. Hindi porket close kaming dalawa ni Rain ay nililigawan niya na 'ko. Isang nakatatandang kapatid lang ang turing ko sa kaniya at hindi magbabago 'yon. At kung sakali man na may plano siyang manligaw sa akin? Wala rin akong planong payagan siya dahil alam kong may masasaktan," ani Lyxe habang diretsong nakatingin sa mga mata ng kaibigan.


Hindi manhid si Lyxe para hindi maramdam ang espesiyal na pagtingin ng matagal ng kaibigan na si Zandra sa kaibigan nilang kaibigan na si Rain. Gwapo, mabait, supportive na kaibigan, maalalahanin, gentleman at mayaman. Ilan lamang sa katangian ni Rain na kinagigiliwan ng mga kababaihan maliban sa kaniya. Kailan man ay hindi niya iibigin si Rain na higit pa sa isang kapatid o kaibigan. Dahil ayaw niyang makapanalit ng damdamin ng iba. Ayaw niyang masaktan si Zandra.


Hindi kumibo si Zandra dahil sa sinabi ng kaibigan, sa halip ay tumayo ito naglakad patungo sa katapat na sofa kung saan nakaupo si Lyxe.

TALE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon