CHAPTER 11

19 1 7
                                    


"Anong ginagawa ng lalakeng 'yan dito?" Kunot-noo na tanong ni Lyxe sa kaniyang sarili nang mamataan si Zhai na kababa lang ng kotse.


Ngayon ang first day ng kanilang filming para sa new web drama niya na pinamagatang 'Tale of Heart'. Muntik pa itong hindi matuloy matapos na magkaroon ng issue si Lyxe nakaraang linggo ngunit mabilis na naayos ng kaniyang talent agency matapos na mapatunayang fake news iyon.


"H'wag mo masiyadong pakatitigan, baka matunaw." Bulong Tristan sa tenga ni Lyxe dahilan upang mapaindag sa gulat ang dalaga.


"Tristan!" Bulyaw ni Lyxe na ngayon ay salubong ang mga kilay habang ang kaniyang mga mata ay diretsong nakatingin sa binata.


"Nagulat ba kita? I'm sorry. Ikaw naman kasi eh, masiyado kang titig na titig kay Zhai." Nakapamulsang pangangantiyaw ni Tristan.


"Excuse me? Hindi ko siya tinititigan 'no," sarkastikong saad ni Lyxe at akmang tatalikuran na ang binata ngunit mabilis siya nitong pinigilan."Why?" Salubong ang kilay na saad nito.


"Saan ka pupunta? Ito naman, binibiro ka lang eh. Pero alam mo, ang ganda mo pa rin kahit nagsusungit ka." Nakangiting saad ni Tristan.


"I know, hindi mo na kailangan ipaalala sa akin 'yan. Asia's Goddess yata 'to." Pagmamalaki ni Lyxe kasabay ng pag flip hair.


"So bakit mo tinititigan si Zhai kanina? Type mo siya?" Hirit ni Tristan kasabay ng mahinang pagtawa.


"Eww! Ako? magkakagusto sa lalakeng 'yan? Tsk! over my dead sexy body." Pagtataray ni Lyxe dahilan upang mas lalong matawa sa kaniya ang binata."Alam mo umagang-umaga, bini-bwiset mo 'ko. D'yan kana nga!" ani Lyxe at tuluyan na ngang tinalikuran si Tristan na natatawa pa rin dahil sa ginawang pang iinis sa dalaga.


"Miss Lyxe, start na daw kayo in 20mins sabi ni Direk," ani Vilma na siyang personal assistant ni Lyxe.


"Ok." Tipid na sagot ng dalaga bago pumasok sa kaniyang tent kung saan nadatnan niya doon ang matalik niyang kaibigan na si Zandra.


"Surprise!" Masayang sambit ni Zandra na yumakap pa sa kaibigan na napatulala.


"A-Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba na sa Laguna ka dahil may kukuhaan kang prenup shoot," saad ni Lyxe nang kumawala ito mula sa pagkakayakap sa kaibigan.


"Wala talaga akong schedule ngayong araw, sinabi ko lang 'yon dahil gusto kita supresahin. Ano, did I surprise you? effective ba?" Nakangising wika ni Zandra.


"Nakakainis ka." Paghihimutok ni Lyxe bago naupo.


"Ako? Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito ako to support you?" Kunot-noo na saad ni Zandra na naupo sa monobloc na upuan.


"Akala ko kasi hindi ka talaga makakapunta ngayon. Akala ko palalagpasin mo 'yung araw na 'to." Paghihimutok ni Lyxe.


TALE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon