CHAPTER 13

36 3 3
                                    


"Saan ka pupunta Zhai? Uuwi kana?" Kunot-noong tanong ni Ivan sa kaibigan nang makita niya itong pasakay na ng kotse.

"Marami pa akong kailangan asikasuhin sa opisina. Pinagbigyan ko lang naman si Direc Jacob sa gusto niya," tugon ni Zhai.

"Okay. How's the filming going?" ani Ivan.

"So far so good naman. Ano nga palang ginagawa mo rito sa set? Kasama ka ba sa Cast?" Pagtataka ni Zhai. Mataas na ang sikat ng araw ngunit hindi naman 'to alintana ng binata.

"Si Hazel 'yung pinunta ko rito. Did you see her ba?" ani Ivan.

"Kanina pa ako rito sa set but I didn't see her. Parang kanina pa nga yata siya hinanahap ni Direc Jacob," tugon ni Zhai.

"Gano'n ba. Sige, baka naabala na kita. Magkita na lang ulit tayo sa Bar mamaya. Una na ako sa'yo, hanapin ko lang ang Hazel na 'yon," ani Ivan at tinapik pa ang braso ni Zhai. Tinanguan lamang ni Zhai ang kaibigan bago nagpasiyang umalis na rin.

Agad na tinungo ni Ivan ang filming set kung saan kasalukuyan kinukuhaan ng eksena sina Tristan at Lyxe sa abandoned building. Nilibot ni Ivan ang kaniyang mata sa napakaraming taong nanonood ng shooting kabilang na ang ilan sa mga fans ni Lyxe at Tristan na full support sa tambalang TriXe (Triks).

"Trina, nakita mo ba si Hazel?" Mahinahong tanong ni Tristan sa new assigned stylist ni Lyxe dahil naka-day off ang stylist nito.

"Hindi po Sir Ivan, hindi naman po nagpunta rito si Ms. Hazel. Sa katunayan nga po kanina pa po siya hinahanap at tinatawa----"

"Oh! Nandito ka pala Ivan, nasaan ang girlfriend mong si Hazel?" Biglang sabat ni Hiro na siyang producer ng ginagawang new web drama nila Lyxe. Payat na medyo may katangkaran ito, maputi at tila isang modelo ngunit may pusong babae.

"She's not my girlf---"

"She's not your girlfriend pero maraming nakakakita sa inyo na lagi kayong magkasama. Anyway, where she is?" ani Hiro na nakataas pa ang isang kilay.

"To be honest kaya ako nagpunta rito dahil akala ko nandito siya only to find out na wala rito ang hinahanap ko," ani Ivan.

"Sobrang perwisyo na ang ginagawa ng babaeng 'yan. Akala ba niya natutuwa kami sa kaniya, bayad na siya sa role niyang 'to kaya na----"

"Sorry I'm late." Halos sabay na napalingon sina Ivan at Hiro matapos na marinig ang pamilyar na boses ng isang babae—si Hazel na kararating lang. Nakasuot pa 'to ng branded na shades nang dumating ito sa set."Masiyado kasi akong napuyat kaka-review sa script last night kaya late na ako nagising kanina. Siyempre kahit antagonist ang role ko rito ay dapat pagbutihan ko pa rin, I am right Hiro?" sarkastiko at mataray na wika ni Hazel ngunit ngumiti rin naman kalaunan.

"You're not new sa industriyang ito Hazel, so be professional naman. Hindi kami ang mag a-adjust sa'yo." Mataray na wika ni Hiro.

"And Cut! That's a good take. 10 minutes break muna!" ani Direk Jacob nang pansamantalang putulin ang eksena nina Tristan at Lyxe.

"Mag ayos ka na, lalabas kana sa next scene." Utos ni Hiro kay Hazel bago umalis.

"Hindi ako naniniwalang na-late ka ng gising kaya ngayon ka lang dumating. Tinawagan ako ni Jayzel kanina, she told me na ayaw mong magpunta rito sa set dahil naiinis ka pa rin na nakuha ni Lyxe ang lead role. Pero hindi ako naniwala kaya nagpunta ako rito at hinahanap ka," ani Ivan ng dalawa na lang sila ni Hazel na naiwan."C'mon Hazel, be matured naman. Hindi mo laging kailangan kainisan si Lyxe, she just doing her job as an actress and----"

"Don't tell me na pinagtatanggol mo ang Lyxe na 'yon sa akin? Since when pa kayo naging close? Wait, may gusto ka ba sa kaniya?" Pagputol ni Hazel sa sinasabi ni Ivan.

"Hazel..."

"Lahat na lang inaagaw ng babaeng 'yon, pati ikaw ba naman? Hindi na ako magtataka kung isang araw malalaman ko na lang na kayo na bagong love team," ani Hazel.

"Are you jealous?" Ngingisi-ngising wika ni Ivan.

"And why would I?" sarkastikong wika ni Hazel, umiling lamang si Ivan at walang kahit anong salita ang lumabas mula sa labi nito."I got to go." Paalam ni Hazel nang masulyapan niya si Direk Jacob.

"See you around, I'm always here to support you." Nakangiting wika ni Ivan ngunit tinarayan lamang siya ni Hazel.

——

"Kahit kailan, pa-importante talaga ang Hazel na 'yan." Bulong-bulungan ng ilan sa mga staff sa dressing room na itinayo sa set, isang malaking air-conditioned tent ito kung saan dito nakalagay ang mga susuoting damit ng mga artista na kasama sa cast.

"Well gano'n talaga kapag hindi matanggap 'yung role niya." Sabat ni Zandra agad naman siyang pinisil sa tagiliran ni Lyxe at pinandilatan ng mata."Why?"

"Watch your mouth," ani Lyxe na nakaharap sa malaking salamin.

"Totoo naman 'yung sinasabi ko. Akala niya siguro hindi natin alam na siya ang rason kung bakit muntikan ng hindi matuloy ang big break mong ito," ani Zandra.

"But we don't have enough evidence kaya hindi natin p'wede ibentang 'yon kay Hazel," ani Lyxe.

"Yes we don't have. But think of it Lyxe, si Hazel lang naman ang may matinding galit sa'yo eh. Siya lang naman ang may ayaw na mapunta sa'yo ang role mong ito." Giit ni Hazel.

"Hey ladies." Sabay na napalingon sina Lyxe at Zandra matapos na marinig ang pamilyar na boses ng lalake—ang kaibigan nilang si Rain na may dalawang two cups of Coffee.

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa namin 'to hinihintay, matatapos na lang 'yung 10 minutes break ni Lyxe," ani Zandra.

"Sorry, medyo na-traffic ako d'yan sa labas eh. May mga fans kasi na pinagkaguluhan ako. Alam niyo na, gwapo eh." Ngingisi-ngising wika ni Rain nang iabot kina Zandra at Lyxe ang kape. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TALE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon