"What do you need?" seryosong tanong ni Zhai habang nakaharap sa babasaging sliding window sa kaniyang opisina hawak ang baso na naglalaman ng alak.
"I'm Hazel Al---"
"Hindi mo na kailangan ipakilala ang sarili mo, kilala na kita," seryosong saad ni Zhai, bahagya naman na nagtaka at nagulat si Hazel sa sinabi ng binata."Anong kailangan mo sa akin?" Patuloy pa nito habang unti-unting hinaharap ang dalaga.
"I-Ikaw? Ikaw 'yung lalake kanina doon sa Paradise Ent. tama ba?" Halos hindi makapaniwalang usal ni Hazel nang humarap na sa kaniya si Zhai. Walang emosiyon ang mga mata nitong nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Masiyado akong busy na tao. Bawat segundo, minuto at oras sa akin ay mahalaga. Kaya kung ano man 'yung kailangan mo sa akin sabihin mo na," ani nito na hindi man lang ngumingiti.
"Gusto ko 'yung tipo mo. Masiyadong seryoso, pero nakakatakot." Pangisi-ngising saad ni Hazel bago naupo sa sofa. "Pero sige, I'll straight to the point. Nagpunta nga ako dito dahil may kailangan ako sa'yo. Jayzel told me about you, shareholder ka pala ng Paradise Ent. So, I'm here to ask you a favor." Patuloy pa ni Hazel.
"Favor?" Kunot-noong tanong ni Zhai, saka nilagok ang natitirang alak sa baso bago nilapag sa office table.
"Yes, a favor. At alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin," ani Hazel nang maalala ang sinabi ng kaniyang Manager."Gusto kong alisin mo si Lyxe as a lead role." Patuloy ni Hazel.
"Hindi ako ang pumili kay Lyxe sa role na 'yon, kaya wala rin akong karapatan para tanggalin siya," seryosong saad ni Zhai saka naupo sa kanto ng kaniyang office table.
"No!" Pagtutol ni Hazel na napatayo pa mula sa sofa na kinauupuan kanina."You're the shareholder, and not just a shareholder but you're also the one who sponsor a lot of web dramas in Paradise Ent. ang pera mo ang ginaamit ng Paradise Ent. para makapag produce ng magagandang shows. So you have a power to kick someone who is not your cup of tea," ani Hazel.
Bahagya naman na tumaas ang sulok ng labi ni Zhai bago pinaikot-ikot sa daliri niya ang mamahaling ballpen. Sa bilis nito ay napatanga na lamang si Hazel sa kamay ng binata habang pinapaikot ang ballpen sa magandang hubog ng daliri nito.
"Yes, I'm a shareholder of your entertainment company but it doesn't mean na may kakayahan na akong magtanggal ng kung sino lang. Remember that you're just an actress and I'm a boss, so you shouldn't talk to me that way," sarkastikong wika ni Zhai na tumigil na sa pagpapaikot ng ballpen sa kaniyang daliri.
"I'll pay you. Just kick her out. If there is someone who is deserving for that role, ako 'yon at hindi si Lyxe." Desperadang saad ni Hazel.
"You look desperate," sarkastikong wika ni Zhai.
"I'm not." Depensa ni Hazel sa sarili.
"You just wasting my time Ms. Hazel, may iba pa akong gagawin. You may go," seryosong saad ni Zhai na tinungo pa ang pintuan ng kaniyang opisina upang buksan ito.
BINABASA MO ANG
TALE OF HEART
General FictionLyxe Frianna Austria, ang babaeng 'love life is not my cup of tea'. Walang panahon sa pag-ibig dahil mas priority ang career bilang isang artista. Ngunit tila magbabago ang lahat buhat ng makilala niya ang binatang si Zhai Kristoff Cinco-isang multi...