CHAPTER 3

37 3 2
                                    

“Bwiset!” Naiinis na wika ni Hazel matapos na ihagis ang kabibili lang nitong cellphone. Tumama ang screen nito sa sementong pader bago bumagsak sa marmol na sahig dahilan ng pagkabasag nito.

“W-What happened?” ani Jayzel na kararating lang at nakakunot ang noo matapos makita ang paghagis ni Hazel sa kaniyang cellphone.

Napasabunot si Hazel sa kaniyang buhok bago naupo sa sofa. Agad naman siyang nilapitan ni Jayzel na naguguluhan parin kung bakit umagang-umaga ay bad trip ang kaibigan.

“Naiinis ako kay Lyxe!” Nagtatangis ang bagang na saad ni Hazel.

“Bakit? Pinuntahan ka ba niya dito?” Kunot-noo na tanong ni Jayzel sa kaibigan bago naupo sa single sofa.

“Hindi ka ba nagbubukas ng social media?” sarkastikong tanong ni Hazel sa kaibigan.

“Oh! are you jealous? Akala ko ba wala kang paki sa nominasiyon mo sa Sparking Gem, eh bakit ngayon nanggagalaiti ka dahil nakagawa ng history si Lyxe,” sarkastikong wika ni Jayzel at saka humalukipkip.

“No I'm not! Kung tutuusin nga ay mas matagal na akong artista kaysa sa kaniya, at hindi ang gaya ni Lyxe ang makakapagpabagsak sa'kin,” giit ni Hazel.

“Iyon na nga eh, mas matagal ka ng apat na taon sa Showbiz kaysa kay Lyxe. Pero na----”

“Kaibigan ba talaga kita?” Pagputol ni Hazel sa sinasabi ni Jayzel.“Alam mo Jayzel, kung wala ka naman magandang sasabihin puwede bang itikom mo nalang 'yang bibig mo? Dahil baka hindi ako makapagtimpi, sa'yo ko ibuntong ang inis ko.” Pagngi-ngitngit ni Hazel.

“Chill ka lang kasi, sabi ko naman sa'yo diba? Darating ang araw na---”

“Jayzel naman, apat na taon mo ng sinasabi sa akin 'yan. Mag upgrade ka naman,” sarkastikong wika ni Hazel. Sa pagkatataon na iyon ay hindi na nakipagtalo pa si Jayzel, wala naman din naman magandang patutunguhan kung makikipagtalalo siya sa kaibigan dahil hindi rin ito tumatanggap ng opinyon.

Samantala, nagkakasayahan naman sa isang High-End Bar sina Lyxe, Zandra at Rain upang i-celebrate ang bagong tagumpay ng kaibigan. Sina Zandra at Rain lang ang halos nakakaubos ng mamahaling alak na inorder nila, dahil masiyadong abala si Lyxe sa pag i-scroll sa kaniyang cellphone.

“Lyxe ano ba? Hindi mo man lang ba titikman 'yang Tequila na inorder mo? Nakaka-ilang shot na kami ni Rain, tapos ikaw nakatutok ka lang d'yan sa cellphone mo.” Puna ni Zandra bago sumimsim ng Margarita.

“Nag-enjoy pa kasi akong basahin 'yung iba't ibang articles tungkol sa'kin,” nakangising saad ni Lyxe.“Rain give back my phone!” ani Lyxe matapos na hablutin ni Rain ang cellphone niya at itago sa bulsa ng suot nitong itim na jacket na may hood.

“No cellphones allowed. Nandito tayo upang mag-celebrate, hindi para tumutok ka ng tumutok sa cellphone mo. Wala naman magbabago d'yan, kahit hanggang bukas usap-usapan parin ang pagkapanalo mo,” ani Rain bago sumimsim ng Whisky.

Humalukipkip si Lyxe bago sinandal ang kaniyang likod sa upuan at inabot ang inorder niyang Tequila. Sumimsim ito at halos mapangiwi dahil sa lasa, hindi talaga siya sanay na uminom ng kahit anong uri ng alak. Sadyang hindi lang niya talaga matanggihan ang dalawang kaibigan. Kunti palang ang naiinum ni Lyxe at halos hindi pa nga nauubos ang laman ng shot glass pero pakiramdam nito ay umiikot na ang paningin. Mariin siyang pumikit at pilit na pinaglabanan ang hilong nararamdaman.

“Sayaw tayo!” Anyaya ni Zandra sabay hila sa braso ng nahihilong si Lyxe.

“Ayaw ko!” Pagmamatigas nito.“Kung gusto mo ikaw nalang,” patuloy pa ni Lyxe.

“KJ mo naman, parang sasayaw lang eh.” Nakabusangot na saad ni Zandro na bumalik sa upuan at humalukipkip habang naka-nguso.

“Nahihilo kana ba? Gusto, hatid na kita?” ani Rain.

TALE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon