CHAPTER 9

15 1 0
                                    


"Bakit ka nakipagkita? Anong meron?" ani Jayzel nang dumating ito sa Coffee Shop na sinabi ni Hazel.


"Have a seat," alok ni Hazel bago sumimsim ng cappuccino.


"Tungkol ba saan 'yung pag uusapan natin? Alam mo bang may meet up dapat kami ni Ivan ngayon? Pero dahil kaibigan kita, mas inuna kita. Pero kapag 'yang sasabihin mo wala naman kakwenta-kwenta iiwan talaga kita ora mismo," ani Jayzel nang makaupo na ito sa katapat na upuan ni Hazel. Nakahanda na rin sa mesa ang inorder na cappucino ni Hazel para sa kaibigan nito.


"Kakagaling ko lang sa Paradise Ent. and guess what? Nakuha na ni Lyxe 'yung dream project ko. At ang worst pa nito, I played the role of antagonist," inis na saad ni Hazel bago sinandal ang likod sa upuan at pinagkrus ang mga braso.


"So, naisahan kana naman pala ni Lyxe." Pang aasar ni Hazel bago sumimsim ng cappucino.


"Tingin mo papayag ako? I need to do something. At hindi ko 'yon magagawa without your help!" ani Hazel nang ipatong nito ang kaniyang dalawang braso sa ibabaw ng mesa at diretsong tinitigan si Jayzel sa mga mata nito.


"Parang hindi ko gusto ang nasa isip mo Hazel." Naiiling na saad ni Jayzel nang ilapag nito sa saucer ang tasa.


"You told me before na kaibigan ni Ivan 'yung isa sa shareholder ng Paradise Ent. is that true?" Intresadong tanong ni Hazel sa kaibigan.


"Bakit bigla ka yata nagka-interest kay Zhai?" sarkastikong wika ni Jayzel bago muling sumimsim ng cappuccino.


"Zhai?" Pag uulit ni Hazel.


Umayos ng upo si Jayzel bago ito nagsalita, "Zhai Kristoffer Cinco. A 31year old Multi-Billionaire. Owner of resorts in Iloilo, Batangas and Palawan, luxurious hotel and casino's in Manila, Korea and Italy and most of all, the shareholder of Paradise Ent. Hindi lang basta shareholder si Zhai dahil madalas na siya rin ang nag i-sponsor sa mga big projects na ginagawa ng Paradise Ent." ani Jayzel. Halos malaglag naman ang panga ni Hazel sa mga narinig niya.


"Where can I find him? I need to talk to him." Desperadang saad ni Hazel.


"And why are you so interested with him?" Nakataas ang isang kilay na saad ni Jayzel.


"Siya lang ang alam kong makakatulong sa akin upang bawiin kay Lyxe ang lead role sa new project niya. Hindi ako papayag na maging kontrabida lang 'no," ani Hazel.


"Bakit? Hindi ka pa kontrabida sa lagay na 'yan? Aagawan mo ng spotlight si Lyxe?" sarkastikong saad ni Jayzel.


"Kaibigan ba talaga kita Jayzel?" Inis na wika ni Hazel dahil tila tutol ang kaibigan sa kaniyang plano."Kung ayaw mo 'kong tulungan, ok lang. Pero baka nakakalimutan mo, marami akong alas sa'yo na p'wedeng maging dahilan upan---" Hindi na nagawang tapusin ni Hazel ang sasabihin nito nang takpan ni Jayzel ang kaniyang bibig gamit ang kamay nito. Pinipigilan siya nitong bigkasin ang matagal na nilang lihim.

TALE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon