"Wala akong hihilingin sa'yo Rome. Pero meron lang akong gustong sabihin," ani Astrid kasunod nang pagpatak ng butil-butil na luha sa kaniyang pisngi."I love you. Mahal kita Rome." Patuloy pa ni Astrid.
"Cut!" sigaw ng Direktor mula sa hindi kalayuan."10 minutes break muna tayo." Agad naman na nagsipaglapitan sa gawi nina Lyxe at Tristan ang kani-kanilang mga Personal Assistant upang bigyan ang dalawa ng mineral water.
"Wala ka pa rin talagang kupas, napakahusay mo pa rin talaga sa pag arte." Pagbati ni Zandra sa kaibigan nito.
"Thank you sissy," ani Lyxe habang nakatutok sa kaniya ang mini-fan na hawak ng P.A niyang si Vilma."Wala pa rin ba si Rain?" anito habang nililibot ang tingin sa paligid.
"Wala pa. Pero don't be sad, I'm here naman eh." Nakangiting saad ni Zandra."You too Tristan, ang galing mo rin. Sobrang intense ng scene niyo kanina." Baling naman nito kay Tristan na nire-retouch ng kaniyang make-up artist.
"Magaling kasi 'yung partner ko, kaya hindi p'wedeng hindi ko galingan. Nakakahiya." Natatawang wika nito habang nakatitig kay Lyxe na hindi man lang ngumingiti.
"Maiwan ko muna kayo saglit, magpapahangin lang ako." Matamlay na paalam ni Lyxe bago naglakad palayo. Nagkibit-balikat na lamang sina Tristan at Zandra habang minamasdan ang papalayong si Lyxe.
May ilang minuto pa naman bago matapos ang binigay sa kanilang 10 minutes break kaya minabuti ni Lyxe na magpahangin muna habang inaaral ang hawak nitong script para sa susunod nilang eksena.
"Hindi ka marunong magpasintabi man lang? Bigla ka na lang sumusulpot. May lahi ka bang kabote?" sarkastikong wika ni Lyxe nang bigla na lamang sumulpot sa gilid niya si Zhai.
"Bakit, kailangan ko pa ba magpaalam sa'yo?" Matabang na tugon ni Zhai na mas lalong nagpainit sa ulo ni Lyxe. Kahit kailan talaga ay lagi siyang bini-bwiset ng lalakeng ito.
"Pasalamat ka nagkalat ang staff at fans ko sa paligid nitong filming site, pero kung hindi baka nasapak na kita kanina pa. You gettting to my nerves." Panggigigil ni Lyxe habang salubong ang kilay nito at ang mga mata ay matalim na nakatingin sa mga mata ni Zhai.
Nakapamulsang humarap naman si Zhai sa dalaga at sinalubong ang masamang titig nito bago nagsalita,"Mahusay ang ginawa mong pag-arte kanina. Hindi nga nagkamali si Direc Jacob na piliin ka bilang female lead," ani Zhai dahilan upang unti-unting mawala ang pangigigil sa loob ni Lyxe."Masiyadong mahangin dito sa labas, baka sipunin ka. Bumalik kana sa loob." Patuloy pa nito bago hinubad ang kaniyang coat ipinatanong sa balikat ni Lyxe bago tuluyan naglakad palayo.
Halos hindi naman nakapagsalita si Lyxe dahil sa ginawa ng binata. Nakatulala lamang siya rito habang unti-unting nawawala sa kaniyang paningin ang likuran ni Zhai na ngayon ay patungo na sa parking lot. Nakita na niya kung paano umarte si Lyxe sapat na 'yon upang ibigay niya ang buong suporta para sa biggest web drama ng taon.
"Ang layo ng tingin natin ah, sino hinihintay mo? Ako ba?" ani Rain na kararating lang ngunit nananatiling nakatulala si Lyxe sa direksiyon ni Zhai na ngayon ay wala na sa kaniyang paningin."Sorry kung now lang ako nakarating, may dinaanan pa kasi ako. How's the film going?" Patuloy pa ni Rain na pumunta sa harapan ni Lyxe upang mapansin siya nito.
"K-Kanina ka pa ba?" ani Lyxe na nagulat pa nang makita si Rain sa harapan niya.
"May dalawang minuto pa lang. Hindi mo ba talaga nakita pagdating ko o sinadya mo? Pasensiya na hindi ako nakarating ng maaga. Dumaan pa kasi ako sa favorite restaurant mo. Nagpa-reserved ako ng dinner for two," ani Rain.
"That's ok ang importante nakarating ka pa rin. W-Wait, nag pa-reserve ka ng dinner for two? Bakit for two lang?" ani Lyxe.
"Oo parang friendly date na rin. Bakit? Ayaw mo ba?" ani Rain.
"H-Hindi naman sa gano'n. But how about Zandra? Hindi ba natin siya isasama? You said it's a friendly date, kaibigan din naman natin si Zandra ah." Giit ni Lyxe.
"Bawi na lang next time si Zandra. For the mean time, ikaw muna ang iti-treat ko." Nakangiting wika ni Rain bago pinisil ng mahina ang pisngi ni Lyxe na medyo pinkish dahil sa light make up nito.
"Ms. Lyxe, back to set na raw po," ani Bella na asistant ni Direc Jacob.
"Sige, sunod na ako salamat," tugon ni Lyxe."Mag-usap na lang ulit tayo mamaya. Puntahan mo na lang muna si Zandra." Baling ni Lyxe kay Rain agad naman tumango ang binata pagkatapos ay naglakad na palayo si Lyxe kasama si Bella na sumundo sa kaniya.
"Ms. Lyxe, 'wag ka po sana magagalit sa tanong ko." Panimula ni Bella na kanina pa nakatingin sa coat na nakapatong sa balikat ni Lyxe."Iyong coat po na nakapatong sa balikat mo, parang pamilyar po kasi. Parang 'yan po 'yung suot na coat ni Sir Zhai kanina nang dumating siya rito sa set. Pero hindi niya na suot nang umalis siya. May something po ba sainyo ni----" Hindi na naituloy ni Bella ang dapat na sasabihin nang tumigil sa paghakbang si Lyxe at takpan ang bibig ng dalaga ngunit agad din naman niyang inalis."S-Sorry po Ms. Lyxe." Nakayuko nitong saad.
"Ano ba talagang trabaho mo Bella? Showbiz insider ka ba? Masiyado kang ma-issue. Hindi sa'yo bagay 'yung pangalang Bella, mas bagay sa'yo Marites," sarkastiko at mataray na wika ni Lyxe bago naunang maglakad. Napakamot na lang ng ulo si Bella at saka nagmamadaling sinundan ang dalaga.
Samantalang agad na rin inalis ni Lyxe ang coat na nakapatong sa balikat niya saka hinagis sa kaniyang P.A na si Vilma nang masalubong niya 'to. Maging siya ay hindi batid kung bakit nag concern sa kaniya si Zhai kanina.
——
"Camera Rolling...and Action!" sigaw ng Direktor.
Kakalabitin na sana ni Rome ang gatilyo ng hawak niyang baril ngunit hindi nagawa dahil sa sinabi ng dalagang si Astrid. Hindi niya kayang wakasan ang buhay ng nag-iisang babaeng sumugal na mahalin siya sa kabila ng kaniyang tunay na pagkatao. Ngunit ang ibigin sa Astrid ay maling-mali dahil maaari iyong ikapahamak ng dalaga.
"Shoot me now Rome. Patayin mo na 'ko kung 'yan ang makakapagpasaya sa'yo. Ngunit uulitin ko, mali ang ibinibintang mo sa akin. Kailanman ay hindi ko magagawang traydurin ka," sinserong wika ni Astrid habang tuloy ang pag agos ng kaniyang luha.
Mariing ipinikit ni Rome ang kaniyang mga mata habang nakatutok pa rin ang nguso ng kaniyang hawak na baril sa noo ng dalaga.
"Kill her now Rome. Kill the woman who betrayed you!" Rinig na boses ni Rome mula sa kaniyang suot na wireless bluetooth earphone. Ang tinig ay nanggaling kay Luna, partner niya sa mga illegal transaction.
Sa muling pagdilat ng mata ni Rome, muling nagtama mata nilang dalawa ni Astrid. Sa pagkakataong iyon ay isang desisyon ang nabuo sa kaniyang isipan. Desisyon na alam niyang mali, ngunit kinakailangan. Mabilis na tinanggal ni Rome ang nakasalpak sa tenga niya at inihagis ito sa malayo. Kasunod nito ay pagkalabit ni Rome sa gatilyo ng hawak niyang baril. Mabilis na umalingawngaw ang ingay na nanggaling mula putok ng baril sa buong paligid ng abandonadong gusali.
Halos bumilis ang tibok ng puso ni Astrid nang mapagtanto na hindi siya pinaputukan ni Rome. Agad na nag angat ng ulo si Astrid at gulong-gulo ang isipan na napatitig sa mga mata ni Rome na walang emosiyon na nakatingin sa kaniya.
"R-Rome..." ani Astrid na halos nangangatal na ang labi.
"Umalis kana." Matabang na wika ni Rome sa dalaga nang muli niyang isukbit sa kaniyang tagiliran ang 45 Calibre niyang baril.
"P-Pero----"
"Ang sabi ko umalis ka na. Dahil baka sa susunod na magpaputok ako ng baril, sa ulo mo na talaga tumama." Kalmado ngunit seryosong tinig ni Rome.
Agad naman na nagmamadaling nilisan ni Astrid ang lugar ngunit hindi pa 'to nakakalayo nang magsalita si Rome, "Mahal din kita, Astrid."
BINABASA MO ANG
TALE OF HEART
General FictionLyxe Frianna Austria, ang babaeng 'love life is not my cup of tea'. Walang panahon sa pag-ibig dahil mas priority ang career bilang isang artista. Ngunit tila magbabago ang lahat buhat ng makilala niya ang binatang si Zhai Kristoff Cinco-isang multi...