Nakakunot ang noo ni Zhai na napatingin sa direksiyon ni Lyxe. Hindi naman nagpatinag ang dalaga at tinapunan naman niya ito ng masamang tingin.
Matapos ang meeting at makapag-signed ng contract para sa gagawing Web Drama ay nilisan na ni Lyxe ang conference room. Paglabas pa lang ng pintuan ay nag-ring na ang cellphone ni Lyxe kaya agad niya 'tong kinuha sa sling bag niya.
Incoming call....Zandra
"Good Day!" Masiglang bati ni Zandra mula sa kabilang linya habang nakaharap sa hapagkainan.
"Kagigising mo lang?" ani Lyxe habang naglalakad sa pasilyo.
"Oo, ang sakit pa nga ng ulo ko eh. Hang-over yata 'to," ani Zandra habang sapo-sapo ang kaniyang ulo gamit ang kaliwang kamay niya, habang nakatuon ang kaniyang siko sa lamesa.
"Madami ka bang nainom kagabi? Bakit kasi naglasing ka hindi mo naman pala kaya," mahinahong pane-nermon ni Lyxe nang malapit na siya makarating sa elevator.
"Sisihin pa ako nito," sarkastikong saad ni Zandra."Nasaan ka pala ngayon? Meet up later, same place," patuloy ni Zandra.
"I'm kinda busy, re-review-hin ko kasi 'yung script na binigay sa akin kanina para sa new web drama ko," ani Lyxe nang mapatapat sa pintuan ng nakasarang elevator. Agad niyang pinindot ang botton upang mag-bukas ito.
"Web drama? Wow congrats! How about 'yung Internarional Movie mo?" ani Zandra na biglang nabuhayan dahil sa ibinalita ng kaibigan.
"Matagal pa naman 'yon, kaya sa Local Web Drama muna ako magpo-focus," ani Lyxe. Nang magbukas ang pintuan ng elevator ay kaagad na siyang pumasok.
"Alam na ba 'to ni Rain? Sinabi mo na sa kaniya?" ani Zandra.
Sasagutin pa sana ni Lyxe ang tanong ng kaibigan ng ma-lowbat ang cellphone ng dalaga. Samantalang kunot-noo naman na napatingin si Zandra sa screen ng kaniyang cellphone matapos na maputol ang kanilang pag-uusap.
Pagdating sa unang palapag ay kaagad na rin lumabas ng elevator si Lyxe, bawat masasalubong niya ay binabati siya ng mga ito. Tanging ngiti lamang ang nagiging tugon ng dalaga.
Naglalakad na siya sa lobby ng gusali nang makasalubong ang greatest rival sa showbiz industry na si Hazel, malayo pa lang ay pansin na ang pagtaas ng isang kilay nito.
Nagpatuloy sa paglalakad si Lyxe na animo'y hindi nakita si Hazel, sinalubong niya ang mga mataray na tingin nito.
"Hey Lyxe," ani Hazel na puno ng kaplastikan. Hindi sumagot si Lyxe at akmang lalagpasan na lamang si Hazel nang hawakan siya nito sa braso."I am talking to you, 'wag ka naman sanang bastos," pagtataray nj Hazel bago binitawan ang braso ng dalaga.
She rolled her eyes bago pinagtaasan ng kilay si Hazel."Anong kailangan mo?" sarkastikong tanong ni Lyxe.
"Wala naman, nagpunta lang ako dito kasi pag-uusapan namin ng manager ko ang tungkol sa new project ko," ani Hazel bago pinag-krus ang mga braso.
"Really? Edi, congrats," ani Lyxe saka pekeng nginitian ang dalaga.
"Thank you kahit alam kong naiingit ka sa akin," ani Hazel saka mahinang natawa.
"Why would I?" sarkastikong tanong ni Lyxe nang pagtaasan niya ito ng isang kilay.
"Come on Lyxe, alam ko naman na may halo kang inggit sa akin. Kaya nga lahat, gusto mo agawin eh," sarkastikong saad ni Hazel saka muling mahinang natawa.
"Coming from you na wala man kahit isang international awards, ni wala rin appearance sa mga internarional film kahit supporting role man lang," sarkastikong saad ni Lyxe dahilan upang umakyat ang dugo sa ulo ni Hazel.
BINABASA MO ANG
TALE OF HEART
General FictionLyxe Frianna Austria, ang babaeng 'love life is not my cup of tea'. Walang panahon sa pag-ibig dahil mas priority ang career bilang isang artista. Ngunit tila magbabago ang lahat buhat ng makilala niya ang binatang si Zhai Kristoff Cinco-isang multi...