Pasado alas-diyes na ng umaga nang magising si Zandra, sapo-sapo nito ang kaniyang ulo nang siya'y bumangon at isandal ang likod sa headboard ng kaniyang kama.
"Oh ano, alak pa!" ani Mandy, kanina pa nito hinihintay na magising ang kaniyang pinsan.
"Anong ginagawa mo dito? Kanina pa ba?" ani Zandra na iniinda parin ang kirot ng kaniyang ulo.
Hindi nagsalita si Mandy at naglakad na lamang sa direksiyon ng pinsan at naupo sa gilid ng kama nito.
"Hindi ako lasing naka--Aray! bakit ka namimitik ng noo?!" singhal ni Zandra sa pinsan nito, mahina naman na natawa si Mandy sa naging reaksiyon ni Zandra.
"Hindi lasing pero grabe 'yung pagsusuka mo kagabi?" ani Mandy saka mahinang natawa."Kanina pa ako dito, sabi ng kasambahay mo tulog ka pa daw kaya nakialam nalang ako sa kusina mo. Nagluto ako ng almusal, kaya bumangon kana d'yan dahil malilipasan kana ng gutom," patuloy pa ni Mandy.
"Mamaya na ako kakain, masakit pa 'yung ulo ko," ani Zandra at muli sanang babalutin ng kumot ang kaniyang sarili ngunit naunahan siya ng kapatid na hablutin ang kumot.
"Bukod sa may hang-over ka, sobra narin sa 8 hours 'yung tulog mo kaya sumasakit ang ulo mo," mahinahong sermon ni Mandy sa kaniyang pinsan.
Nakabusangot naman si Zandra na tumingin ng diretso sa mga mata ng kaniyang pinsan bago nagsalita,"Sino pala naghatid sa'kin dito sa bahay kagabi? Si Rain ba?"
"Ako ang naghatid sa'yo, tinawagan ako ni Rain," ani Mandy.
Ngumisi lamang si Zandra ngunit hindi kayang itago ng matamis niyang ngiti sa labi ang lungkot sa kaniyang mata. Matagal na itong may lihim na pagtingin sa binata, mula ng maatasan siyang na siya ang kumuha ng litrato ng binata para sa pictorial nito. Ngunit hanggang ngayon, lihim parin niya itong minamahal dahil hindi man aminin sa kaniya ng binata, sa kilos palang nito. Alam na niyang iba ang napupusuan nito.
"Si Lyxe, sinundo ba siya ni Vilma?" ani Zandra kahit alam na niya ang sagot—Hindi si Zandra ang naghatid o sumundo kay Lyxe.
"Si Rain ang naghatid kay Lyxe," ani Mandy. Hindi na siya nabigla sa sinagot ng pinsan, expected niya na 'yon. Pero hindi parin niya maiwasan na masaktan."Does it hurt?" usisa ni Mandy.
"Ano 'yung niluto mong almusal? Sabayan mo 'kong kuma---"
"Ang pinsan ko, biktima ng one-sided love." Napapailing na saad ni Mandy. Hahaplusin sana nito ang ulo ni Zandra ngunit agad na umiwas ang kaniyang pinsan."Dapat kasi noong una palang umamin kana kay Rain, lagi ka nabibigyan ng pagkakataon na makasama siya pero bakit ayaw mo umamin? Hanggang kailan mo ililihim kay Rain na may gusto ka sa kaniya?" patuloy ni Mandy.
"Hanggat kaya ko." Mabilis na tugon ni Zandra."Bakit? Kapag ba umamin ako sa kaniya na gusto siya, may assurance ba ako na magugustuhan niya rin ako? Wala naman 'di ba? Isa pa, paano ko aaminin ang nararamdaman ko sa isang taong may iba naman gusto? Lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko," patuloy pa nito.
BINABASA MO ANG
TALE OF HEART
General FictionLyxe Frianna Austria, ang babaeng 'love life is not my cup of tea'. Walang panahon sa pag-ibig dahil mas priority ang career bilang isang artista. Ngunit tila magbabago ang lahat buhat ng makilala niya ang binatang si Zhai Kristoff Cinco-isang multi...