Hindi na matiis ni Zhai na makasama ang dalaga sa loob ng elevator kaya nagdesisyon itong bumaba na agad sa 3rd floor kahit sa ground floor pa talaga ang kaniyang baba. May plano pa naman siya bumili ng isang unit sa luxurious condominium building na ito ngunit tila nagbago na ang kaniyang isip. Hindi niya makakayang palaging makasabay sa elevator ang dalaga.
Tinamad na itong sumakay sa isa pang elevator kaya minabuti na lang nitong maghagdan. Habang naglalakad pababa ng hagdan ay nag ring ang cellphone nito na nasa bulsa ng kaniyang suot na men suit.
“Anong balit-----”
“Ihanda mo na 'yung kotse.” Pagputol nito sa nagsasalitang si Ivan.“Pababa na 'ko.” Patuloy pa nito.
“Wow! mukha ba akong driver mo?” sarkastikong wika ni Ivan na nasa Lobby. Naka-suot ito ng itim na jacket na may hood, naka-shades at facemask upang hindi siya makilala ng kung sino man ang makakakita sa kaniya. Tumakas lang ito sa taping upang masamahan ang kaibigan na magtungo sa Spring Home Condominium.
“Ivan.” Matigas na bigkas ni Zhai sa pangalan ng kaibigan dahilan upang magmadali ang binata na umalis sa Lobby at magtungo sa parking lot.
“Yes Boss, ito na nga eh naglalakad na po ako papunta sa parking lot,” anito na napapakamot pa sa kaniyang ulo. Hindi niya talaga kayang tiisin ang kaibigan, bukod sa marami ng naitulong si Zhai sa kaniyang pamilya, parang kapatid narin ang turing niya rito.
Ilang saglit lang naghintay si Zhai sa sa tapat ng gusali at dumating na ang artistang kaibigan nito sakay ng kotseng pagmamay-ari niya. Pagpasok sa kotse, ang nakabusangot na mukha ni Ivan ang bumungad sa kaniya. Tinanggal na nito ang kaniyang suot na facemask at shades.
“Bakit ang bilis mo? Kamusta pag-uusap niyo ni Mrs. Apolinar? Kailan mo balak lumipat dito?” Magkakasunod na tanong ni Ivan sa kaibigan na kasalukuyan inaayos ang seatbelt.
“Nagbago na ang isip ko. Hindi ako kukuha ng unit dito,” anito na hindi man lang tumitingin sa kaibigan.
“P-Pero bakit? Akala ko ba gustong-gusto mo kumuha ng unit dito dahil bukod sa maganda, malapit din ito sa opisina mo.” Kunot-noong wika ni Ivan ng sinimulan nang paandarin ang kotse ni Zhai.
“Kailangan ba talaga may dahilan ako kung bakit ayaw ko?” sarkastikong tanong ni Zhai.
“Curious lang nam---”
“Wala ka bang taping ngayon?” Pagputol ni Zhai sa sinasabi ni Ivan.
“Buti naman alam mo Zhai Kristoffer Cinco. Kaya kapag nasermonan ako ng Manager ko, ikaw ang magpapaliwanag at hindi ako.” May pagbabanta sa tono ng boses ni Ivan.
“Nakakalimutan mo na yatang share-holder ako ng Paradise Entertaiment,” pangisi-ngising saad ni Zhai.
Aangal pa sana si Ivan nang marinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng men suit niya. Kinapa niya 'to at nang makuha ay kinonekta niya sa kaniyang wireless bluetooth earphone.
“Yes, sweetie napatawag ka?” Biglang naging malambing ang boses nito nang sagutin ang tawag ni Jayzel na isa sa pinopormahan nito. Si Jayzel Jane Trinidad ay isang sikat na modelo at artista sa Paradise Entertainment. Ang Paradise Ent. ay tinagurian Biggest Entertaiment Company at tahanan ng ilan sa mga sikat na personalidad tulad ni Asia's Star Giselle Fuentes, late Asia's Cold Prince Kian Samonte, Box Office Queen Coleen Ferrer, Nation's Hearthrob Rain Buenaventura at Asia's Goddess Lyxe Frianna Austria.
“Where are you? Bakit wala ka dito sa set?” Mataray na wika ni Jayzel na naka-upo sa isang folding chair at pinapay-payan ng kaniyang P.A.
Sandali naman napatintin si Ivan sa kaibigan bago niya binalik ang kaniyang tingin sa kalsada.
BINABASA MO ANG
TALE OF HEART
Narrativa generaleLyxe Frianna Austria, ang babaeng 'love life is not my cup of tea'. Walang panahon sa pag-ibig dahil mas priority ang career bilang isang artista. Ngunit tila magbabago ang lahat buhat ng makilala niya ang binatang si Zhai Kristoff Cinco-isang multi...