CHAPTER 5

21 1 1
                                    


"Nagkita kayo ni Mandy kagabi?!" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Ivan mula sa kabilang linya, kasalukuyan itong nagmamaneho patungong Paradise Ent.


"Oo," tipid na tugon ni Zhai habang nakaupo sa kaniyang swivel chair.


"K-Kumusta daw siya? Saan kayo nagkita?" Intresadong tanong ni Ivan.


"Hindi kami masiyado nakapag usap ng maayos dahil nagpaalam din siya agad na uuwi na. Aksidente lang na nag-krus ang landas namin sa Seaside last night nang papauwi na rin ako galing Bar," ani Zhai.


"Sayang naman kung gano'n. Eh ang puso natin? Kumusta naman?" pangis-ngising saad ni Ivan.


"Mag-usap nalang tayo mamaya, marami pa akong gagawin dito sa opisina." Pag-iiba ni Zhai ng usapan.


"Ok Boss. By the way, pupunta ka ba sa Paradise Ent. ngayon?" ani Ivan."Nakausap ko kasi 'yung maganda at sexy mong sekretarya kanina dahil hindi kita ma-contact, and she said na may appointment meeting ka daw with the Paradise Ent. newest CEO," patuloy pa ni Ivan.


"Yeah," tanging tugon ni Zhai bago putulin ang kanilang pag-uusap.


Inilapat ni Zhai ang kaniyang likod sa swivel chair habang pinapaikot-ikot ang ballpen sa kaniyang kamay. Sandali siyang napatingin sa kaniyang wristwatch, passed eight in the morning palang at alas-diyes pa naman ang oras ng meeting niya with Paradise Ent. newest CEO.


Samantala, malapad ang ngiti ni Lyxe nang bumaba siya sa kaniyang kotse. Sobrang ganda ng kaniyang gising dahil sunod-sunod na papuri ang nakatanggap niya mula pa kagabi hanggang ngayong umaga.


"Ms. Lyxe, puwede po pa-picture?" sigaw ng dalagita na nakatayo sa hindi kalayuan at kumakaway sa kaniya. Hindi ito basta-basta makalapit dahil sa mga guards na nakabantay kay Lyxe.


"Sure," magiliw na tugon ni Lyxe."Hold this." Baling ni Lyxe sa kaniyang P.A na si Vilma nang iabot niya ang hawak niyang Starbucks coffee.


Naglakad na si Lyxe patungo sa direksyon ng kaniyang mga fans at halos maghiyawan ang mga ito. Hindi ito magkamayaw sa pagkuha sa kaniya ng litrato. Sanay na si Lyxe sa ganitong klaseng eksena, sa tuwing darating siya sa Paradise Ent. building ay talagang inaabangan siya ng kaniyang mga fans.


"Ms. Lyxe, congrats po," saad ng lalakeng binatilyo na may kulay pink na headband sa ulo, sabay abot kay Lyxe ng paper bag na may logo pa ng Blanc&Eclare at isang bouquet of flowers."Galing po 'yan sa Lyxe Fan Nation at Flyxe Union," patuloy pa nito.

"Wow! so sweet, thank you so much," nakangising saad ni Lyxe nang tanggapin ang mga ito na agad naman niyang pinahawak kay Vilma na hindi makapagreklamo kahit marami nang hawak, dahil lahat ng binibigay kay Lyxe na regalo mula sa kaniyang mga fans ay kay Vilma niya pinapahawak.


"Ms. Lyxe, picture po tayo," ani dalagita na na siyang tumawag kay Lyxe kanina. Naka-open na ang front cam nito at hinihintay lang na lumingon si Lyxe.


Nakangiting lumingon si Lyxe saka inakbayan ang binatilyong may headband na kulay pink bago nag peace sign, kasunod nito ang pag-click ng dalaga sa capture button.

TALE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon