It's just been two weeks before the intramurals. We will be holding two consecutive event. After the intrams, we have the sports fest. That's why the student who belong in the sport, dance, and journalism club is now excuse for their classes.
“Ang boring sa klase promise,” nakangusong sabi ni Sharmaine habang kumakain kami ngayon sa canteen.
“Bakit?” Tanong ko at saka sumubo ng fries. “Halos lahat nga ng subject vacant kayo 'di ba?”
“Oo nga, pero wala naman kayong dalawa doon. Wala akong kaharutan.”
Nagkatinginan kami ni Rona at saka parehong natawa. Dalawang araw na kaming hindi nakakapasok sa mga klase dahil sa practice namin. Mag peperform kasi kami sa opening ng intramurals, sa gaganaping pageant, tapos sa sport fest. Bali apat na klase ng choreography ang kailangan naming aralin.
“Angiela magpapasa ka pa ba ng mga namiss nating activity?” Tanong ni Rona.
I pouted my lips.
“Kung puwede pa, oo. Ikaw?”“Depende,” natatawang sabi niya.
“Depende?”
“Depende sa mood ko,” sabi niya na ikinatawa ko.
“Kung ako sayo gumawa ka, puwede pa naman eh,” sabi naman ni Sharmaine. “Tsaka madali lang naman 'yong mga pinapagawang activity ngayon eh. Busy rin kasi 'yong mga teachers.”
“Madami ba?” Tanong muli ni Rona.
“Sa Earth and Life Science lang ang maraming activity,” sagot naman ni Sharmaine.
Natigil kami sa paguusap tungkol sa academic at sabay sabay na napatingin doon sa isang estudyante na nagtatatakbo papunta sa gawi namin habang sinisigaw ang pangalan ko.
“Ate Angiela...si Kuya Brent po at saka si Kuya Zach nag aaway sa may gym.”
Saglit pa akong natigilan at saka nanlaki ang mata. Nang lingunin ko sina Sharmaine ay tumango sila sa akin kaya naman ay tumayo ako agad at saka tumakbo papunta sa gym.
Hindi ko alam kung dahil lang ba sa ginagawa kong pagtakbo kaya mabilis ang tibok ng puso ko o sadyang kinakabahan lang talaga ako.
Malayo pa man ay marami nang kumpulan ng tao sa labas ng gym. Ang iba naman ay sa bintana na nakasilip. Naitikom ko ang labi at saka nagpumilit na makapasok. Malakas na ang bulong-bulungan nila.
“Excuse me!” Sigaw ko dahilan para magsitabi 'yong ibang mga nakaharang sa pinto.
Iyong iba naman ay sadya nang nagsitabi ng makita ako. Nang tuluyang makapasok ay agad na umagaw sa atensyon ko ang sigaw ni Angela.
“Tama na please!” Umiiyak na sabi niya habang nakahawak sa braso ni Zach.
Iyong mga ibang kasamahan naman nila sa basketball ay hawak si Brent, ang iba naman ay nakay Zach. Pereho silang pinipigilan dahil gusto nilang makalapit sa isa't isa.
“Hindi mo siya dapat sinisigawan!” Sigaw ni Zach at saka umamba na susuntokin si Brent pero nahawakan siya ng mga kasamahan nila.
Si Angela naman ay iyak na ng iyak habang nakahawak sa braso niya.
“Bakit ba ang hilig mong makisawsaw?” Nakangising at nanguuyam na sabi ni Brent. “Hobby mo ba talaga 'yan ha?”
Gaya ng karamihan ay napatili ako ng makawala si Zach sa hawak ng mga kasamahan niya at saka sinuntok si Brent. Nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo papalapit ng makitang tumayo si Brent mula sa pagkakaupo dahil sa sapak ni Zach.
“Brent!” Sigaw ko ng makitang itaas niya ang kamay at akmang susuntokin pabalik si Zach.
Nakita kong napatingin sa akin ang karamihan. Si Brent naman ay natigilan pero nanatiling nakataas ang kamay. Nakagat ko ang labi at saka tinakbo ang distansya naming dalawa.
YOU ARE READING
Just Fall (Fall Doulogy #1)
Teen Fiction"Fall for me...just fall for me and I'll fall for you even harder." Angiela Jane × Brent Maxwell FALL DOULOGY #1