CHAPTER 10

443 32 2
                                    

“Okay...good job everyone,” Our trainor said after we performed our dance.

“Break muna tayo ng fifteen minutes tapos punta na tayo doon sa gym. Doon na natin aayusin ang blocking niyo since doon naman kayo magpeperform.”

“Yes Sir!” We all said in chorus.

I sighed. Pumunta ako sa gilid ng bleachers kung saan nakalagay ang bag ko.

“Canteen na muna tayo Angiela,” Rona said as he put her bag on her shoulder.

I nod my head and followed her as she walks out. I took my phone out from my bag. Nangunot ang noo ko ng makitang nagtext si Brent sa akin. He wants me to go to the gym at our break.

“Gym tayo after natin sa canteen,” sabi ko kay Rona.

Nakangisi naman siyang tumango sa akin. Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway dahil oras ng klase ngayon. Nang makarating sa canteen ay may iilang tao doon. Karamihan ay mga manlalaro.

Bumili lang kami ng pagkain ni Rona pagkatapos ay lumabas din agad at tinungo ang gym dahil nagtext na naman si Brent sa akin.

Nang makarating doon ay naroon na din 'yong ibang mga dance club members. Break time rin siguro ng mga athlete ngayon.

Naglakad ako papasok at saka hinahanap si Brent. Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking 'yon?

I pursed my lips when I saw him standing near the ring holding a ball on his hand. Niyaya ako ni Rona na maupo muna doon sa bleachers kaya naman sumunod ako.

Nang lingunin ko ulit si Brent ay nakatingin na siya sa akin. Sinenyasan niya akong bumaba dahilan para mapasimangot ako. Tinaasan niya ako ng kilay kaya naman wala na akong nagawa kundi ang bumaba na lang.

Habang naglalakad pababa ay pasimpleng hinanap ng mata ko sina Angela at Zach. Nangunot ang noo ko ng hindi ko sila makita dito. Bakit pa ako pinapunta dito ni Brent kung wala naman pala si Angela dito?

“Bakit ba?” Kunot ang noo na tanong ko ng makalapit sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot dahil nag dribble lang siya ng bola at saka 'yon tinira. Pasok sa ring. Naitikom ko ang labi ng nakangisi niya akong lingunin.

“Nag snack ka na?” Tanong niya habang hawak pa rin ang bola.

“Oo na, bago ako pumunta dito. Bakit?”

“Ako hindi pa,” he said.

Nangunot ang noo ko.
“Oh ngayon?”

Saglit niya akong tinitigan bago natatawang umiling.

“Kunin mo nga 'yong pagkain sa bag ko,” naguutos na sabi niya.

Nakaamang ko siyang tiningnan. Ang kapal ng lalaking 'to.

“Ayoko nga,” kunot ang noo na sabi ko.

Bakit ba lagi na lang siyang ganiyan?

“You're my girlfriend,” he stated. “You're supposed to-”

“Girlfriend mo ako...hindi utusan,” mataray na sabi ko at saka siya inirapan.

He pursed his lips then sighed. Padarag niyang binitawan ang bola at saka naglakad papunta sa tabi kung saan nakalagay ang bag niya. Nakangisi ko siyang pinanood.

Akala niya matatakot niya ako.

Kinuha ko ang bola na hawak niya kanina at saka sinubukang mag dribble. Napanguso ako ng dalawang beses lang na umuntol ang bola sa sahig.

Inulit ko muli pero ganoon pa rin ang nangyari. Kainis naman. Bakit kanina noong ginagawa niya ay parang madali lang naman?

“Brent!” Naiinis na sigaw ko ng kuhanin niya sa akin ang bola.

Just Fall (Fall Doulogy #1)Where stories live. Discover now