Nagsusulat ako ng speech ko para sa 21st century subject namin ngayon dito sa room. I was suppose to do this last night but I got too carried away by talking to Shiela over the Skype. I didn't even realize that I already fell asleep. But it's fine. The theme of the speech isn't that hard at all for me. Tingin ko naman ay matatapos ko 'to ngayon.
Natigilan ako sa pagsusulat at nakakunot ang noo na nag angat ng tingin. I looked at Rona and Sharmaine with pure curiosity. They are panting and looks like they came from a marathon.
“What's wrong?” I asked, curiously.
“H-halika,” hinihingal na sabi ni Rona at saka hinatak ang braso ko.
Nangunot ang noo ko at naguguluhan na tumayo.
“Ha? Bakit?”
“Pinapapunta ka ni Brent sa gym!” Sigaw ni Sharmaine at saka ako hinila na palabas ng classroom.
“Hey wait,” I said and tried to pull my hand back. “Wait, 'yong speech ko.”
“Mamaya na 'yong speech na 'yan!” Sigaw ni Rona na tumatakbo na rin sa likuran namin ni Sharmaine.
“What?” Naguguluhan na tanong ko habang tumatakbo rin dahil hila-hila pa rin ni Sharmaine ang braso ko.
Nangunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaki na 'yon? He didn't even fetch me in the house this morning.
“Mas importante 'to 'te,” sabi ni Sharmaine habang tumatakbo kami.
Iyong mga estudyante na nakatayo sa hallway ay nasisitabihan na dahil nagmamadali kaming tumatakbo doon. Habang papalapit kami sa may gym ay mas lalong nangunot ang noo ko ng makitang maraming mga nakaipon na estudyante sa may labas ng gym. All of them were peeking at the gym's window and looks like they are watching something inside.
What could it be?
I forcefully pull my hands out of Sharmaine's grip making her and Rona stop running.
“Ano ba talagang meron?” Naguguluhan na tanong ko sa kanilang dalawa.
“Hindi mo malalaman kung hindi tayo pupunta do'n,” sabi ni Rona at saka itinuro ang gym.
They were suppose to took my arms again but I pulled my it away.
“Bakit nga muna?”
“Ah basta,” sabi ni Rona. “Tara na!”
Hindi na ako nakaiwas pa ng hatakin na nilang pareho ang kamay ko at patakbong hinila papunta na sa gym. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanila.
Brent is so annoying. What could it be this time? Kapag hindi ko natapos 'yong speech ko, sasamain siya sa akin.
“Excuse me, excuse me,” sabi ni Sharmaine habang nakikipagsiksikan kami papasok sa loob ng gym.
“Padaanin niyo kami,” sabi naman ni Rona. “Dadaan ang reyna.”
Naiiling na lang ako sa pinagsasasabi nilang dalawa. Nang makadaan na kami sa nagsisiksikan na tao ay hinila ko na ang kamay ko sa kanila.
“Now what?” Nagtatakang tanong ko sa kanila.
Instead of answering me, Rona shouted something.
“Brent, nandito na siya!”
Nangunot ang noo ko at saka nilingon ang gitnang bahagi ng gym. My lips parted a bit when I saw the reason why the other students are making a fuss outside.
Wala sa sarili akong napahakbang ng itulak ako ni Sharmaine papalapit do'n. There, I saw Brent. He is looking at me intently. My gaze travel to the two girls kneeling right in front of him, crying. My brows furrowed.
YOU ARE READING
Just Fall (Fall Doulogy #1)
Teen Fiction"Fall for me...just fall for me and I'll fall for you even harder." Angiela Jane × Brent Maxwell FALL DOULOGY #1