CHAPTER 3

585 34 5
                                    

Mabagal lang akong naglalakad sa hallway papunta ng classroom namin since maaga pa naman. The truth is I am a morning person. Maaga talaga akong nagigising at naging habit ko na din na maagang pumupunta ng school everyday.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang bukas na ang classroom. At least I don't have to wait outside again. Though I don't think Sharmaine is also here. Baka mamaya pa siya.

Naglakad ako papasok ng classroom at saka inilagay ang bag sa upuan ko. Tumayo ako doon at saka sinimulang ipunin ang buhok ko para itali iyon.

Natigilan ako sa ginagawa at saka dahan dahang napalingon sa may likod na bahagi ng classroom ng may maramdaman akong mga mata na nakatingin sa akin.

Naitikom ko ang labi ng makita si Angela, Zach, at Brent na nakatayo doon sa isang gilid at nakatingin sa akin.

Oh my gosh...

I bit my lip then look away. This is so awkward.

“Good morning,”

Napalingon ako pabalik ng marinig kong may nagsalita. Nakita kong nakangiti iyong Zach habang nakatingin sa akin.

Nakagat ko ang labi at wala sa sariling nilingon si Brent na nakatayo rin doon sa isang gilid. Tumaas ang kilay niya ng makitang nakatingin ako.

“Uh...good morning,” I answered hesitantly.

After that I decided to went out of the room first. I feel so weirded out in there. Baka may pinaguusapan or pinagtatalunan silang tatlo doon kanina tapos bigla bigla na lang akong pumasok.

My gosh, bakit ba hindi man lang muna ako tumingin kung may tao ba o ano?

I sat down on one of the empty seats in the canteen. Napanguso ako ng mapagtanto na hindi ko nga pala nadala iyong wallet ko dahil nagmamadali ako sa pag labas ng room kanina.

Napalingon ako sa entrance ng canteen ng bumukas iyon at pumasok sa loob si Brent. Nang makita ako ay ngumisi siya at saka naglakad papalapit. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano na namang kailangan ng lalaking ito?

“What?” Mataray na tanong ko.

“What?” Balik tanong niya.

Naitikom ko ang labi at saka pairap na inalis ang tingin sa kaniya.

“What's your name again?” He asked.

I looked at him then raise my brows.
“Why are you asking?”

“Because I don't know your name,” nakangising sabi niya.

“You don't need to know my name,” I said.

Bumaba ang tingin niya sa I.D. ko at saka tumaas ang kilay. It was too late for me to grab my I.D. because he already took it. Nangunot ang noo ko atsaka iyon pilit kinuha sa kaniya pero iniwas niya lang.

“Give it back!” I shouted, getting so annoyed.

Lumayo siya sa akin at saka nagbaba ng tingin sa I.D. ko na hawak niya ngayon.

“Angiela,” he said.

Bahagya pa siyang natigilan pagkatapos banggitin ang pangalan ko. Naitikom ko ang labi. I glared at him.

“Angiela Jane Villaroz,” he repeated as he walks towards me.

“Give it to me,” I said while glaring at him.

He smirk then put in on my hand. Inirapan ko siya.

“I would've call you Angel,” he said making me look at him.

Just Fall (Fall Doulogy #1)Where stories live. Discover now