EPILOGUE

774 31 5
                                    

I was walking like a zombie towards the door of my condo unit. It's been only three days since that day...the day that I choose what I think is the best thing to do.

The day when I gave him away.

I wipe the tear that fell from my eye. Tatlong araw pa lang at parang hindi ko na agad kaya na wala siya. It's been only three days and I already felt like taking him back but I know I shouldn't do that.

Ayaw kong maging madamot... Yes, I don't want to share him but she needs him...more than I do so I'm letting go and taking a step back.

Natigilan ako ng makita siya sa harap ng pinto ng condo unit ko at mukhang naghihintay doon. Naitikom ko ang labi at saka dali-daling pinunasan ang mga luha sa mukha.

Just for how long will he keep doing this? Mas lalo niya lang pinapahirap ang lahat.

“What are you doing here?” Tanong ko dahilan para lumingon siya sa akin.

Bahagyang umawang ang labi ko ng makita ang kabuuan ng mukha niya. He look so stress out. Magulo ang buhok at nangingitim ang ilalim ng mga mata.

My god Brent, ano bang ginagawa mo sa buhay mo?

I hold myself back from running towards him and hugging him so tight. Pinigilan ko ang sarili na sabihin sa kaniya na binabawi ko na lahat ng sinabi ko noong isang araw...na hindi ko kayang makipaghiwalay sa kaniya.

“Baby...”

Iyon pa lang ang sinasabi niya ay hindi ko na agad napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

He sounded so hurt and almost begging.

I averted my gaze and with shaking knees I walk towards him. Hinarap ko ang pinto ng condo at saka 'yon binuksan.

“Mag-usap muna tayo, please,” he said, pleading.

“Umuwi ka na Brent,” I said.

Gusto kong palakpakan ang sarili dahil sa sobrang galing kong umarte. I don't know how I manage to be this cold towards him eh wala naman akong ibang gusto ngayon kundi ang mayakap siya.

Muli akong nag iwas ng tingin ng makita ang mga nangingilid na luha sa mata niya. Namumula na ito at mukhang babagsak na rin.

My heart broke at the sight of him.

Binuksan ko ang pinto at akmang papasok na ng pigilan ako ng mga braso niya. Niyakap niya ako mula sa likuran at maya-maya ay narinig ko na ang pag-iyak niya. Yumuyogyog ang mga balikat niya kasabay ng kaniyang mahinang pag-iyak.

“P-please Angel...” he said
His voice is already shaking. “W-wag namang ganito. H-hindi ko kaya... A-ayokong wala ka, Angiela.”

Mariin kong naipikit ang mata at natakluban ang bibig para pigilan ang pagkawala ng mga hikbi.

“B-baby...”

Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng hikbi ng marinig na nabasag ang boses niya.

Gosh Brent...

“Hindi mo na ba ako mahal?”

Nakagat ko ang labi at saka siya nilingon. Yumuko siya at saka pinunas ang mga luha sa mukha. When our eyes met it only makes me cry harder. I saw how hurt and tired he is.

I'm sorry Brent...

“Angel...” he said then held my hand.

I sighed. “Y-you know why I'm doing this right?”

Saglit siyang tumitig sa akin bago nag iwas ng tingin. Mariin kong nakagat ang labi bago muling nagsalita.

“H-hindi rin 'to madali para sa akin,” I said my voice quivering. “Pero kailangan nating 'tong gawin.”

Just Fall (Fall Doulogy #1)Where stories live. Discover now