Chapter 02

12.5K 527 778
                                    

102521 Chapter 02 #HatemateWP

Hindi pa ako tapos paulanan ng malas ng mundo. Umagang-umaga, may nangatok sa 'min ni Je. Gising na naman kami dahil parehas kaming mabagal maligo, pero parehas pa kaming disoriented dahil half-tulog pa kami.

Mukhang walang balak si Je na iwanan yong kape niya kaya ako na ang nag-check kung sino yong nasa labas.

Sa bintana lang ako sumilip.

Patay na.

"Kapatid mo," sabi ko kay Je.

Napatigil siya saglit sa paghalo sa kape niya. Mukhang wala pa rin siya sa wisyo dahil nakailang kurap siya sa 'kin bago magsalita, "Seryoso?"

"Maaga pa. Wala pa akong powers mag-joke." At wala rin akong gana mag-joke kasi sigurado akong may damuho sa classroom mamaya.

Hindi pa naman bulakbol 'yon si Deion kaya sigurado akong araw-araw 'yon papasok. Hindi naman puwedeng ako 'yung mag-skip nang mag-skip dahil lang sa kaniya. Ano siya, importante? Hassle din magpalipat lalo na't walang valid reason.

"Sino'ng hanap?"

Ayun ang tanong.

Hindi pa nga nagsisimula ang araw ko, namomroblema na agad ako.

Mabait si Je, super. Totoo 'yun. Tahimik lang siya pero marunong namang makisama. Pero 'yung kakambal niya, ibang usapan na. Nice din naman siya sa 'kin nung una, pero ayun, naging too nice. Hanggang sa naging clingy na siya sa 'min ni Je. Akala ko nga clingy lang siya kay Je dahil kambal sila. 'Yun pala, sa 'kin na kumi-cling. Two months pa lang niya yata akong kilala, crush na daw niya ako. Ang naisip ko nung time na 'yon, ang creepy niya.

'Tapos, naalala kong first month pa lang nung first year, crush ko na agad si Deion. So parang wala naman akong karapatang i-judge si Joseph kasi naging ganoon din naman ako. Saka sabi ko, baka happy crush lang. Baka mawawala din.

Pero hindi 'yon nawala. Okay lang naman sa' kin; hindi naman ako suplada. Pero minsan, parang hindi na alam ni Joseph 'yung boundaries niya.

Kagaya ngayon, agang-aga, nandito siya. Pero bakit ba ako mag-a-assume na e kasama ko sa apartment 'yung kambal niya? Baka si Jerica naman 'yung pinunta.

Ang hirap ding ma-annoy kay Joseph kasi iniisip na parehas lang kami. Kung annoying man ako kay Deion noon, bilib na ako sa galing niyang magtimpi. Pero sabagay, mukha namang walang pakialam 'yon sa mga tao sa paligid niya, kaya siguro ganu'n. Ang tagal nga niya akong hindi pinansin e.

"Sige na nga, ako na," sabi ni Je, nahalata sigurong ayaw kong makita 'yong kapatid niya. Ilang beses ko na 'yong ni-reject—pasimple o deretsahan; hindi naman tumatalab sa kaniya. "Maligo ka na para 'di ka makita nu'n."

"Thanks."

Kinuha ko agad 'yong tuwalya at damit ko bago nagmamadaling ni-lock ang sarili sa banyo. Rinig kong pinagbuksan ng pinto ni Je 'yong kakambal niya, at ako agad ang unang tinanong kung saan. See?

Wala naman akong problema talaga kay Joseph. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Mabait din naman siya sa 'kin for the last two years. Pero medyo nakakairita na 'yong kahit ilang beses siyang i-reject, hindi siya tumitigil.

Nagtanong siya kung puwede pa ba kaming maging friends after ma-reject, um-oo ako. Pero 'yun, laging parang may inaabangan siya. Bukod sa hindi ako komportableng super close kami hangga't may feelings siya sa 'kin, ayaw ko namang mabansagang paasa.

Narinig ko pa silang nag-away dahil pinaaalis siya ni Je dahil maaga pa nga. Si Joseph lang yata ang kayang magpataas ng boses ni Je. Narinig kong kumalabog 'yung pinto namin pagkatapos, kaya siguro pinagsarhan na ni Je 'yong kakambal niya. Makakalabas ako ng banyo na walang iniisip na naghihintay sa' kin.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon