Chapter 30

14K 606 1.8K
                                    

082222 Chapter 30 #HatemateWP

"Alam mo, Billie . . ." Napatingin ako kay Mark nang magsalita siya. Inabot ko sa kaniya ang bottled water na di ko mabuksan. Pinihit niya ang takip n'un pabukas bago iabot sa 'kin at ituloy ang sinasabi niya, "Ang dami mo nang utang sa 'kin."

Kumunot ang noo ko. Pinagsasasabi nito? "Paano naman ako nagkautang sa 'yo?"

Nasa labas kami ng canteen. Hinihintay namin si Deion na nagpaalam kaninang magsi-CR muna bago kami umakyat ulit. Katatapos lang naming mag-lunch—kaming apat sa usual. Nasanay na rin si Je na kasama namin 'yung dalawang lalaki every time.

"E kasi, no'ng di pa kayo ni Deion—"

"Hindi pa naman kami," sabi ko.

Sabay na napalingon sa 'kin sina Mark at Je. Pinanlakihan ko sila ng mga mata. Tingin nila sa 'kin?! Ilang weeks pa lang mula no'ng umamin si Deion. Ilan nga ba? Apat? Aba, tingin nila bibigay ako sa loob ng four weeks?

Gawin naman nilang five.

"Basta ang dami mo nang utang!" pagpupumilit ni Mark.

Nakita na namin si Deion. Imbes na hayaan na kaming dalawa ang magsabay sa paglalakad, pinag-link ni Mark ang braso namin kaya siya ang kasabay ko. Pasimpleng nilingon ko sina Je at Deion na nagso-small talk sa likod namin. Pusta ko ay about sa finals ang pinag-uusapan nila kasi, duh, wala naman silang ibang puwedeng pag-usapan.

"Paano nga ako nagkautang sa 'yo?" tanong ko kay Mark. Kay Deion nga wala akong utang! Di ko na siya pinagbabayad ng anything, 'no. Kay Mark pa kaya?

"No'ng di pa kayo—"

"Hindi nga kami!"

"'Wag ka nang kumontra! Basta!" Umiling-iling siya. "Libre kaya ako ng rent at transpo; di ako pinagbabayad nina Tita. Pero no'ng hinahatid ka na ni Deion, wala na akong libreng ride!"

Natawa ako. Hinampas ko ang kamay niyang nakakapit sa 'kin. "Kasalanan ko 'yon? E di sumabay ka sa 'min!" Hindi naman 'yon problema sa 'kin. Hindi naman ako ang gumagastos sa gas, saka nakakaawa nga rin naman si Mark.

"E ayaw nga akong pasabayin ni Deion," mahina pero mariin niyang sabi. Lalo lang lumakas ang tawa ko nang ma-realize kung saan papunta ang usapan. "Sabay niyo ako mamaya, sabihin mo. Pagod na 'kong mag-commute."

"E di sumabay ka nga, di naman kita pipigilan," sabi ko. Binitiwan lang ako ni Mark pagdating namin sa room. Nilapitan ako ni Deion pagkatapos.

"Ano'ng sinabi sa 'yo n'un?" tanong niya bago umupo sa chair sa harap ko.

"Wala, sabay daw siya pauwi," sagot ko. "Isabay na natin, baka magtampo."

Iiling-iling si Deion na umalis sa tapat ko. Pinanood ko ang likuran niya habang naglalakad siya pabalik sa seat niya.

Minsan, at random times, sinasapak-sapak ko ang sarili kasi feeling ko nananaginip pa ako. Madalas 'pag nagme-message siya, kailangan ko pang i-make sure na gising talaga ako at hindi ako nag-i-imagine. Sobrang liit na bagay ng greetings at random chats niya 'pag weekend—gaya ng ulam nila, kung nag-aaway ba 'yung dalawa niyang ate, or kung ano'ng ginagawa niya—pero na-appreciate ko pa rin.

Di naman siguro bawal na kiligin sa mga maliliit na bagay gaya n'un. Di niya naman need na pigilan ang ulan at pagalawin ang mga bundok para kiligin ako. Saka minsan na nga lang ako kiligin, papadikta pa ba ako kung saan ako kikiligin?

After class, magkakasama ulit kaming apat. Na-convince ko si Je na sumabay na rin dahil naisip kong baka nagtatampo rin siya na halos lagi na siyang araw-araw mag-isang umuuwi, e dati laging kami ang magkasama.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon