121021 Chapter 08 #HatemateWP
Pinatay nang basta-basta ni Deion 'yong bago kong pag-asa. Hindi naman sa ina-assume kong type ako ni Kuya Yael pero what if may ibang pogi na nakarinig nung sinabi niya?! Kahit naman wala, alam na nitong mga kasama ko na 'kami'. Wala nang chance sa ibang members dahil malalaman at malalamang 'taken' ako!
Buong meeting tuloy, naka-focus lang ako kay Deion. Hinihintay kong makaramdam siyang masama ang tingin ko sa kaniya pero hindi niya naman ako pinapansin. Mapapatingin lang siya sa 'kin saglit 'tapos iiwas din na parang walang pakialam.
Natapos kami nang wala akong naintindihan sa pinagsasasabi nina Ate Maggie at Kuya Yael. Alam ko lang na may pinasagutan sa 'min, 'tapos d-in-ismiss kami.
"Ano'ng pinag-usapan ninyo?" tanong ko kay Je habang palabas kami ng hall. Maaasahan naman siya sa recaps. Sinasabi pa lang niya 'yong mga tasks na gagawin pero nandilim na naman ang paningin ko nang makita si Deion na palabas din kasama si Mark.
"Saglit lang," paalam ko kay Je dahil baka magtampo siya kapag iniwan ko siya nang basta habang nagpapaliwanag siya. Dali-dali kong pinuntahan si Deion dahil baka hindi ko pa siya maabutan. Nag-iinit talaga ang ulo ko sa kaniya e. Hindi na tumatalab na armor 'yang mukha niya sa 'kin sa sobrang irita ko.
Napatigil sila ni Mark sa paglalakad nang hagipin ko ang backpack niya. "'Uy, Billie."
Hindi ko pinansin si Mark. Deretso ang mata ko kay Deion na blangko lang ang tingin sa 'kin. "Halika nga ditong lalaki ka."
Hindi ko pinansin si Mark na nagtanong kung sa'n ko dadalhin si Deion. Dahil mahirap na hilahin si Deion sa bag niya, hinagip ko ang braso niya. Nagmamadali ko siyang hinila papunta sa kabilang gilid ng hall. At ramdam ko 'yong bigat niya dahil parang sinasadya niya pang bagalan ang paglalakad! Namumuro na siya sa 'kin, ha?
Wala siyang violent reaction nang tumigil kami sa gilid; dapat lang. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakakapit sa kaniya kaya binitiwan ko siya kaagad.
"Anong LQ tayo, ha?"
Galing sa braso niya, lumipat ang tingin niya sa 'kin. Akala ko may isasagot siya pero bumukas ang bibig niya at sumara nang wala man lang akong narinig na kahit isang word na lumabas.
"Paano tayo mag-e-LQ, ha, Deion?" pagdidiin ko. Hindi na naman siya nakapagsalita pero this time, iniwas na niya ang tingin niya. Kumbinsido na talaga akong may de-pihit siya sa likod or hinuhulugan siya ng barya para magsalita.
"Paano mag-e-LQ? LQ nga e! L, saka Q. Ang nag-e-LQ lang e 'yung may L saka Q."
Bumalik ang tingin niya sa 'kin. "Okay." Tumango siya. 'Yun na 'yon? 'Okay'?! "E di walang L, Q lang. Q tayo?"
Hindi ko alam kung namimilosopo siya o ano, pero may point naman. "Oo, Q lang. 'Kainis ka."
Natahimik kami. Parang umuusok pa ang ulo ko pagkatapos maglabas ng init.
"So galit ka nga sa 'kin?"
Napatingala ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Hindi ko pa alam kung dederetsahin ko siya ng 'oo'. Kapag um-oo ako, bakit ako galit? Kasi hindi niya ako ni-reply-an? Kasi sinira niya 'yong chance kong makahanap ng bagong crush sa mga mems?
Inirapan ko siya. "Ang dami mo kasing alam. May pa-LQ-LQ ka pa d'yan, iisipin tuloy ng mga 'yon, may something tayo."
"Hm." Lumala lang ang gigil ko. 'Hm'?! Ano'ng response 'yon? Nakailang kurap siya sa akin nang nagtagal sa kaniya ang sama ng tingin ko. "Bakit . . . ? Break na ba tayo?"
Luluwa yata ang mata ko sa sinabi niya. Nahila ko tuloy siya papasok pa sa gilid dahil baka may makarinig sa kaniya. 'Di nga sya masyadong nagsasalita pero 'pag umimik naman, kung ano-ano'ng salita ang lumalabas sa bibig.
BINABASA MO ANG
Hatemate Part Two (Lovestruck Series)
RomanceAfter two years of not hearing anything from each other, Billie and Deion unexpectedly meet at a college orientation. Not ending up on good terms in high school, both of them knew that they are never going to be friends again-not when they could onl...