062222 #HatemateWP Chapter 25
Imbes na magsakay pauwi ay na-trip-an kong maglakad. Mas nakakalma ako kapag naglalakad, at at least kapag masyadong maraming tao sa paligid, nahihiyang bumagsak nang slight ang mga luha ko.
Tumigil ako sa may pedestrian lane para mag-text kay Jerica. Maya na ako uwi.
Sure? Anong oras? Dito sina Jo. Pizza.
Napangiti naman ako roon. Well, di ako puwedeng umuwi nang ganito ang hitsura ko. Mukha akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Saka baka pag-uwi ko, umiyak lang ako kay Jo.
Wag niyo ko ubusan ha. Pagabi ako slight.
Ok ingat. Text ka pag pasundo.
Tinabi ko ang phone sa bulsa ng pantalon ko. Pinanood kong mag-change from stop to go ang traffic sign, pero hindi ako tumawid. Pagbalik ng ilaw sa stop ay saka ako tumalikod para i-retrace ang mga steps ko.
Tumigil ako sa tapat ng convenience store na nadaanan ko kanina. Meron namang mas malapit sa apartment at isang tricycle away lang 'yon kapag tinatamad, walking distance kapag masipag. Kung do'n ako tatambay, mas madaling tawagan si Je para magpasundo. Or kahit hindi na nga e, kasi kaya ko na namang umuwi sa apartment from there, kaya di ko alam bakit ako bumalik dito. Siguro kasi ito ang mas mas malapit sa 'kin ngayon?
Nagkatinginan kami ng cashier habang nasa labas pa ako. Tumabi tuloy ako sa gilid at tinigilan ang pagsilip sa mga beverage fridge na nakasandal sa pader ng opposite wall. Baka mapagkamalan pa akong nagpaplano ng masama dahil sa hitsura ko ngayon.
Dinukot ko ang phone mula sa bulsa nang mag-vibrate 'yon nang tuloy-tuloy. Di ako nagsayang ng segundo at in-off agad 'yon nang makitang si Deion ang tumatawag. I-o-on ko na lang ulit ang phone ko mamaya kapag uuwi na ako para sabihan si Je.
Hay, shet naman talaga. Bitbit ko pa 'yung cake na bigay sa 'kin. Iisipin ko na lang na compensation 'to sa pagpapasakit ng ulo ko lagi para makain ko na ngayon.
Pumasok ako sa convenience store at dumeretso sa hilera ng mga beverage fridge. Okay, isang bote lang, promise. Pampamanhid lang, tapos uuwi na ako dahil baka ubusan ako ni Jo ng pizza.
Pinigilan ko ang pag-irap ko nang hingian pa ako ng ID ng cashier. Baka ma-badtrip pa kasi sa 'kin 'tong cashier kapag nasungitan ko, e uneasy na nga ang tingin niya sa 'kin. Iisipin ko na lang na baby-faced ako kaya hiningian niya ako ng ID. Ite-take ko na lang din 'yon as compliment.
Kahit ayaw ko dahil malapit sa tukso, pumuwesto ako malapit sa mga fridge. Ayaw ko rin kasing sa tabi ng glass door umupo dahil baka magdrama na naman ako at mapanood pa ng mga dumadaan-daan.
Inangat ko ang cover ng cake box. Napailing at buntonghininga na lang ako bago tanggalin ang kandilang pumlakda sa surface ng cake, na gawa siguro ng biglaan kong pagsara sa box kanina. Di naman mukhang sobrang nabugbog ang cake sa ginawa kong pagtakbo-takbo kanina, pero sira na ang dedication icing.
Di ko alam kung dapat bang mas happy ako na gano'n. At least walang kirot dahil hindi ko na mababasa ulit 'yung greeting ni Deion at hindi na ako puputaktehin ng confusion.
Pero shit, sayang. Di ko man lang na-picture-an. Kung ginawa niya 'to n'ung high school, baka may isang album na sa phone ko na puro pictures lang ng cake. Iwo-wallpaper ko 'yon at lockscreen unless mabigyan ako ng mas magandang picture.
Kaso hindi e. Hindi na gano'n.
Kaya di ko alam kung bakit kinuha ko pa ang phone ko, binuhay, at kinuhaan ng picture 'yung cake kahit wala nang mabasa sa dedication icing bukod sa Ha ng Happy birthday, at B galing sa pangalan ko. Sa inis sa sarili ko ay nahampas ko pa ang phone ko sa table pagkatapos kumuha ng pictures. Agad-agad na pinatay ko ulit 'yon bago pa may pumasok na tawag na ayaw kong matanggap.
BINABASA MO ANG
Hatemate Part Two (Lovestruck Series)
RomanceAfter two years of not hearing anything from each other, Billie and Deion unexpectedly meet at a college orientation. Not ending up on good terms in high school, both of them knew that they are never going to be friends again-not when they could onl...