Chapter 27

15.5K 671 2.8K
                                    

071222 #HatemateWP Chapter 27

Kahit katawan ko, hindi kumampi sa 'kin.

Nagising akong may lagnat pa, so naturally hindi ako pinayagan ni Je na pumasok. Na-stuck ulit ako sa apartment, mabigat at mainit ang katawan pero keri naman nang mag-aral kahit papaano. Or baka nag-refuse na lang din ang utak kong mag-remain idle dahil natatakot talaga akong mag-repeat. Pangit kasi talaga ng timing! Kung kailan ako may bagong laptop saka ako made-delay? Nakakahiya kina Mommy.

Katatapos ko lang magbihis after maligo para sana bumili ng pagkain sa baba nang may kumatok sa pinto. Inayos ko ang pagkakabalot ng tuwalya sa ulo ko bago silipin mula sa bintana kung sino ang kumakatok.

Napabuntonghininga na lang ako nang makitang si Deion 'yon. Seeing na dala ulit niya 'yung lunch bag na dala niya kahapon, hula ko ay may dala ulit siyang pagkain. Masama ang tumanggi sa grasya—'yung pagkain, hindi 'yung nagdala—kaya pinagbuksan ko siya.

Nakailang kurap ako sa kaniya. Mukha pa naman siyang decent, sure, pero may something na . . . magulo sa kaniya. 'Yung buhok niya, yes, pero parang overall . . . hindi siya organized? Nakaangat pa ang kanang part ng kuwelyo ng suot niya. Tinuro ko na lang 'yon imbes na ako mismo ang mag-ayos dahil . . . wala lang, ayaw ko lang na ako ang mag-ayos.

Inayos niya ang tinuro kong gusot. Nang ibalik niya ang tingin sa 'kin ay nakangiti na siya. Nanliit ang mga mata ko sa eyebags niya. Tinatablan din pala ng college 'to.

Hinila ko lalo pabukas ang pinto. "Bakit pumunta ka pa? Pagaling na naman ako," sabi ko. Pinanood ko siyang itabi sa isang gilid ang loafers niya bago pumasok.

"Sabi ni Jerica baka raw kalimutan mong uminom ng gamot."

"Puwede namang mag-text, mag-chat . . ." Nilingon niya ako kaya naitikom ko ang bibig ko for a moment. Binawi ko ang sarili dahil, pucha, lingon lang naman affected na?!

"Break na tayo, a?" pagre-remind ko sa kaniya dahil baka nalimutan niya. Kung hindi niya kailangan ng moving on period dahil gaya nga ng sabi niya no'ng una kaming nagkita ulit, wala naman daw siyang pagmu-move on-an, pwes ako meron! At mahaba-haba ang healing period ko 'no. Minimum of two years.

"Oo nga," sagot niya kaya naitikom ko ulit ang bibig. Nilapag niya ang lunch bag sa table at binuksan ang dalawang food containers na dala niya.

Ako na ang kumuha ng kutsara't tindor sa kusina. I wonder kung siya 'yung tipo ng magse-send ng pera after makipag-break. Bayad-danyos, kumbaga.

"Mataas pa lagnat mo?" tanong niya bago umupo roon sa pinupuwestuhan ni Je kapag dinner. Umupo ako sa tapat niya. Gaya kahapon, sandwich lang ulit ang hawak niya.

Umiling ako. "Di na masyado. Ikaw ba naghatid sa 'kin last time?"

Malaki ang kagat niya sa sandwich bago tumango. Tinitigan ko siya at naghintay ng supporting details pero binagalan niya ang pagnguya. Bumalik ako sa kinakain nang mapansin kong hinihigit na niya 'yung kuwelyo niya pataas para takluban ang leeg niya bago iiwas ang tingin. Umeepekto rin naman pala sa kaniya ang hiya kapag tinititigan.

"Kami ni Yael."

Kumunot ang noo ko bago ibalik ang tingin sa kaniya. "Ano?"

"Kaming dalawa. Tinawagan niya lang ako kasi di niya alam kung paano ka iuuwi."

"Bakit wala sa log ng phone ko?"

Nagkibit-balikat siya. "Baka inalis niya. Di namin pinakialaman ang gamit mo. Inuwi ka lang namin."

Napatigil ako sa pagkain. My gosh. Gaano ako kalango sa alak to the point na di ko maalala si Kuya Yael? Na-try ko naman nang malasing no'ng debut ko sa bahay, at akala ko todo na 'yon dahil kasama ko si Daddy pero di naman ako parang nagka-amnesia after. Since then, kada may magtatanong sa 'kin kung gusto ko ng alcohol, lagi ko na lang sinasabi na di ako umiinom dahil tanda kong ang pangit ng pakiramdam the next day. Dinalâ talaga ako ni Daddy para matakot na akong uminom. Di ko alam na break-up lang, na di pa nga totoong break-up, ang makapagpapa-ignore sa 'kin ng memory na 'yon.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon