Chapter 15

12.4K 648 1.5K
                                    

022222 #HatemateWP Chapter 15

Napatigil ako saglit sa paglalakad nang makita 'yung nakaabang na someone sa may gate. 'Yung someone ay nakaitim na pullover hoodie, at parehas kaming naka-light blue na jeans. Sukbit niya sa kanang balikat 'yung familiar na black backpack niya.

Napatuwid siya ng tayo nang makita ako. Umangat ang dalawang kilay niya nang lumipat ang tingin niya kay Je na ngayon lang ulit makakapasok.

Na-stuck ulit ang sneakers ko sa daan nang ngumiti siya nang tipid at tinulak 'yung salamin niya pabalik sa nose bridge niya.

Wooh. Hingang malalim.

My gosh. My gosh, my gosh. MY GOSH. Ano'ng ginagawa nito dito? Madalas sa likod dumadaan 'yung mga may sasakyan dahil nando'n ang parking for students. 'Yung sa front gate ay halos puro spots for faculty at ibang staff.

So si Deion 'yung nag-text kanina? May nag-text sa 'kin pagkagising ko na hihintayin ako, pero hindi ko 'yon na-gets kaya in-ignore ko na lang. Hindi rin pamilyar ang number at sure akong hindi kay Deion kaya inakala kong wrong send lang. Nagpalit nga siya ng SIM?

"Billie?"

"Hm? Okay lang ako," sabi ko kay Je. Napalingon ako sa kaniya dhail mahina siyang tumawa.

"Puwede na tayong pumasok? May hinihintay ka ba rito?"

"Ha? Wala a. Puwedeng-puwede," sagot ko at marahan na siyang hinigit sa braso para tumuloy kami sa paglalakad. Hindi ko binitiwan si Je. Feeling ko kapag wala akong kasabay maglakad, tutunganga ako roon for a long, long moment.

Narinig kong tumawa ulit si Je. Baka naging masiyahin siya after niyang lagnatin.

Sinalubong kami ni Deion at muntik na naman akong mapatigil sa paglalakad. Tinanguan niya si Je—pagbati siguro—bago ako lingunin. Inilipat ko ang tingin ko sa daan dahil baka madapa ako. Dapat hindi kung saan-saan tumitingin kapag naglalakad. Deretso lang.

"Good morning," bulong ni Deion habang naglalakad kami. Muntik na naman akong mapatigil sa paglalakad para i-process 'yon dahil hindi ako sanay. Pinilit kong buhatin ang mabibigat kong paa para humakbang dahil baka magtaka 'tong dalawa kong kasama kapag bigla akong tumigil sa gitna ng hallways.

Tumango ako nang ilang ulit kay Deion. Mabilis ko lang siyang nilingon at nginitian bago ibalik ang tingin sa harap ko.

So ito na nga. May adjustment period ba 'to? Akala ko ang gagawin ko ay magsisinungaling lang nang paulit-ulit sa mga taong close at nakakakita sa 'min. Hindi ako prepared na magko-contribute 'tong mokong na hinila ko na lang nang basta sa trip ko.

Napalunok ako.

Good morning . . . ? Good morning! Morning. Paano ba 'yon sabihin pabalik?

Buwisit. Bakit ba ako nag-o-overthink sa simpleng good morning?!

Kasisimula pa lang ng araw ko, inuubos na ni Deion 'yung brain power ko.

"Magsi-CR kami ni Je," sabi ko imbes na good morning. Lintik. Nilingon ko si Je na nakatingin lang sa 'kin.

"Magsi-CR kami," ulit ko na hindi ko alam kung para saan.

"Okay," tumatangong sabi ni Deion.

Umiling ako. "Una ka na."

Nagtagal ang tingin niya sa 'kin. Tumango-tango ako at pinilit siyang ngitian dahil baka isipin niyang galit ako. "Una ka na," ulit ko.

"Okay. Wala kang ipapabitbit?"

Napakurap-kurap ako. Jusko, anudaw?! "Wala. Bitbitin mo na lang ang sarili mo paakyat," sagot ko. Surprisingly, kalmado akong pakinggan na parang walang nagwawalang something sa loob ko.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon