092622 Chapter 33 #HatemateWP
Lumipas ang holidays nang gano'n-gano'n na lang. Parang isang iglap na dumaan ang Pasko at New Year, at sa sunod na gising ko, deadlines na naman ang bumungad sa 'kin.
Dalawang beses lang kaming nagkita ni Deion no'ng wala pang pasok. After no'ng December 23, ang sumunod na ay before mag-New Year dahil umalis sila ng family niya bago matapos ang taon. Nauwi kami sa pagtulong niya sa 'kin sa grocery dahil ginawa akong utusan ni Mommy. Sunod na kita namin ay no'ng bumalik kami ni Je sa apartment at sila ni Mark sa condo. Nag-lunch lang kami at nag-stay siya sa apartment hanggang 6 p.m.. Tapos, 'yon, balik-school na ulit so tapos na ang palaging pagka-miss.
Ang next na event na kailangan kong paghandaan, bukod sa deadline sa Friday, ay ang birthday ng mahal na prinsipe in less than two weeks. Ano ba'ng puwedeng iregalo sa kaniya?
"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko kay Deion. Papunta kami ng parking, pero hindi naman siya 'yung type para mag-cut ng class, so di ko alam ano'ng gagawin namin do'n. Hindi niya sinagot ang tanong ko at patuloy lang na naglakad, hawak-hawak ako sa wrist.
Tumigil kami sa tapat ng sasakyan niya. Kumunot ang noo ko nang huminga siya nang malalim pagkahawak sa handle ng pinto ng backseat. Bumaling siya sa 'kin. "Ano 'yon?" tanong ko. Di siya nakapagsalita agad kaya lalo lang akong naguluhan. "Magpo-propose ka na ba? Huy 'wag muna."
Anoman 'yung tension na nasa katawan niya, nawala after ko 'yung sabihin. Natawa siya bago iiling-iling na buksan ang pinto ng backseat. "Di pa 'ko ready," dagdag ko.
"Di pa ako magpo-propose. Next week na," pagsakay niya sa biro ko kaya natawa rin ako. 'Tong isang 'to, natututo na kadidikit sa 'kin! Or maybe ganito na nga talaga siya, di lang halata.
May kinuha siya sa backseat na kulay brown na paper bag bago isara ulit ang pinto at i-lock ang kotse. Pagkain ba 'yan? Katatapos lang naming dalawang mag-lunch sa canteen.
Napakurap-kurap ako nang may ilabas siyang box. Not too small so sure naman akong di talaga singsing 'yon. Inabot niya sa 'kin ang kulay blue na box na may puting ribbon sa lid. Kinalog ko 'yon nang mahina at may narinig na kalatok sa gilid. Ano 'to?
"Christmas at New Year gift," aniya. "Buksan mo na."
"E di nga kita naregaluhan!" Pero sa birthday niya, balak ko talagang mag-gift. Wala rin akong maisip na ireregalo no'ng Pasko at di ko rin alam kung sa'n ko itatago sa bahay if ever may binili ako.
Nagkibit-balikat siya. "Buksan mo na."
"Ano ba 'to?"
"Buksan mo na kasi."
Pinanliitan ko siya ng mga mata pero nginitian lang niya ako. Hinigit ko ang puting ribbon at dahan-dahang inangat ang lid. Sinilip ko muna 'yon pero dahil itim ang interior ng box at mukhang kahon din ang nasa loob, di ko agad nalaman ang laman. Nang buksan ko 'yon nang tuluyan ay saka ko lang na-recognize ang mas maliit na puting box at ang brand na embossed sa lid n'un.
A, shit. Pa'no ko 'to tatanggapin? Hanggang ngayon nga nahihirapan akong dalhin 'yung bag na bigay niya. Nasa apartment lang at nakatago sa drawer ko dahil ayaw kong masira or what.
"Magkano 'to?" tanong ko, di sinisilip kung ano ang laman ng puting box.
Umiling lang si Deion. "Ako naman ang bumili niyan; di si Mama, si Papa, o sina Ate. 'Wag mong isipin 'yon."
"E mahal 'to e," sabi ko kahit di ko pa nakikita ang laman sa loob. Puwera na lang kung front lang 'tong box at ang brand nito. What if iba naman ang laman? Sana nga iba.
"Ayaw mo ba?"
Umangat ang tingin ko sa kaniya. Di naman siya mukhang galit. Di rin siya mukhang malungkot. Mukha siyang . . . normal. Nagtatanong lang naman siya pero . . . ayaw ko namang sumagot ng oo. Kasi . . . di naman sa ayaw ko . . . parang, ewan, di ko lang alam kung dapat ko bang tanggapin or dapat bang binibigyan niya ako ng gan'to. Nakakahiya e. Ang mahal.
![](https://img.wattpad.com/cover/287841916-288-k525399.jpg)
BINABASA MO ANG
Hatemate Part Two (Lovestruck Series)
RomanceAfter two years of not hearing anything from each other, Billie and Deion unexpectedly meet at a college orientation. Not ending up on good terms in high school, both of them knew that they are never going to be friends again-not when they could onl...