103121 Chapter 04 #HatemateWP
Biyernes na. Surprisingly, na-survive ko—namin ni Deion—'yong three days na nagdaan. Hindi naman naging masyadong mahirap dahil inaabangan na ni Jerica si Joseph tuwing lunch at sila-sila pa rin nina Mark ang magkakasabay. Maghihintay lang kami ni Deion na umalis sila. 'Tapos siya, hihintayin lang na dumating 'yung Mags bago aalis para mag-lunch.
Ibig sabihin din nu'n, tatlong araw na 'kong 'di nakakakain ng lunch on time dahil ayaw kong lumabas mag-isa. Ayaw ko namang magpakita sa canteen nang mag-isa dahil nando'n sina Jo. Ayaw ko namang lumayo dahil sayang sa pamasahe at ayaw kong ma-late sa Graphics class.
Kaya, after class, deretso dinner na agad ako kasama si Je. Which is okay din dahil hindi kami naaabangan ni Jo kung saan.
Kapag may energy pa kami ni Je, gagamit kami ng lab para makatapos ng assignments. Kaya pagbalik namin sa apartment, sure na akong wala si Jo sakali mang na-trip-an niyang hintayin kami. Wala kaming curfew pero hanggang 8 lang ang lalaki sa apartment, kaya paaalisin 'yun nung lola na nakatira sa baba. Ang iintindihin ko na lang pag-uwi ay pagtulog.
Pero ngayon, hindi ko alam kung kaya kong i-ignore 'yong gutom ko. Baka itulog ko na lang muna dahil alas-tres na ako nakatulog kaa-absorb ng info dump sa History. Pero gutom na talaga ako. Parang kaya kong umubos ng limang kanin.
Naglalabasan na ang mga tao sa room pagka-dismiss dahil nag-overtime pa ng five minutes 'yung last class. Napatingin ako kay Deion at naabutan ko siyang nakatingin sa 'kin. Nilipat niya ang tingin sa pintuan at gumaya ako. Ayun na nga si Joseph na agad na sinalubong ni Jerica. Pagkatapos, sumunod sa kanila si Mark.
Napakamot na lang ako sa kilay. Mukhang i-imagine-in ko na naman 'yung lunch ko for today. Mabuti na lang masarap matulog sa room lalo na kapag walang tao dahil bukod sa tahimik, mas malamig.
Gaya ng nangyari for the past few days, kami ni Deion ang natira sa room. Hihintayin niya 'yung Mags, sure ako. Hindi ko nga alam kung kaano-ano niya 'yon.
Hindi ko ma-stalk si Deion dahil naka-block na ulit siya sa 'kin. Hindi ko naman matanong si Mark dahil katakot-takot na pang-aasar ang aabutin ko bago niya ako bigyan ng sagot. Hindi ko rin madalas makita 'yung Mags at random times of the day. Kapag lunch lang talaga siya sumusulpot dito.
Sabi ni Deion wala namang magagalit sa set-up namin, so hindi ako bothered kung kaano-ano niya man si Mags. Curious lang talaga ako.
"Billie."
Hindi ko namalayang nasa harap ko na si Deion. Gutom at inaantok na talaga ako. "Ano?"
Imbes na magsalita, tinuro lang niya 'yong nilapag niya sa armchair ko. Plastic container. 'Di ko alam kung nag-iimagine ako o kanin at hotdog 'yung nasa loob.
"Ano'ng gagawin ko?" tanong ko. "Hindi mo ba mabuksan?" For someone na malaki ang braso, 'di ko in-expect na 'di siya marunong magbukas ng Tupperware.
Umiling siya. Naghintay ako ng explanation pero walang dumating. Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Pag-iisipin pa 'ko e kulang na nga ako sa kain at tulog.
"Ano 'yan?"
"Pagkain."
Okay, so I wasn't imagining things pa. "Ano'ng gagawin ko?"
Hindi ulit siya nagsalita. Napailing na lang ako. Literal na nahihilo na 'ko kaya wala ako sa mood na makipag-mind games sa kaniya.
Tinanggalan ko ng takip 'yong lalagyan ng pagkain. "Ayan na. Bukas na."
Tiningnan lang ni Deion 'yon. Akala ko kukuhain na niya at aalis sa harap ko pero hindi. Nakatayo lang siya na parang may kulang sa ginawa ko. Ano ba'ng gusto nito? Subuan pa?
BINABASA MO ANG
Hatemate Part Two (Lovestruck Series)
RomanceAfter two years of not hearing anything from each other, Billie and Deion unexpectedly meet at a college orientation. Not ending up on good terms in high school, both of them knew that they are never going to be friends again-not when they could onl...