Chapter 34

11.1K 475 1.2K
                                    

100322 Chapter 34 #HatemateWP

Isang buwan pa lang naman ang nakalipas mula no'ng bumalik kami sa school, pero parang one year na akong inaalipin ng requirements. Isinubsob ko ang ulo ko sa armchair, not minding kung masáyang ang manipis na layer ng make-up na nilagay ko kaninang umaga para naman magmukha akong fresh sa harap ng bebe ko kahit papaano. Antok na antok talaga ako! Parang 'pag na-late si Architect sa first period, makakatulog na ako at around lunch na magigising.

Ang pampalubag loob ko ay after ng pagod na 'to at ng weekend na paparating, may jowa na ako.

Itinukod ko ang babâ sa armchair nang maramadaman ang palad ni Deion sa buhok ko. Nando'n lang ang tingin niya, unaware na after ng ilang tulog, may girlfriend na siya.

Nag-decide akong ayaw ko nang patagalin ang buhay single ko. Maghihintay lang ako ng kaunting araw para cute ang anniversary date namin.

Lalo lang akong inantok sa gaan ng pag-brush ng daliri niya sa bangs ko. "Anong oras ka na ba natulog?" tanong niya, nakatayo sa tapat ko. Di ko na siya na-reply-an kagabi sa sobrang pagod. Nag-time management something-something naman ako pero bumaha talaga agad ng gawain kaya parang naging useless lang. Lugi talaga kapag slow learner.

"Di ko alam," sagot ko. Bumaba ang kamay niya sa pisngi ko at magaan na pumisil. "Inaantok pa ako." Imposible namang makakuha ako ng tulog ngayong umaga unless may a-absent na prof. Uuwi na lang ako nang maaga mamaya tapos iidlip bago mag-dinner para makabawi-bawi.

"Natapos mo naman 'yung ginagawa mo?" tanong ni Deion. Bumalik ang kamay niya sa buhok ko na lalo lang nagpaantok sa 'kin. Tumango ako at umupo nang ayos para itsek 'yung tinutukoy niya sa bag ko.

Umupo si Deion sa seat sa tabi ko at itinukod ang siko sa sandalan ng armchair ko.

Inisa-isa ko ang lamang mga papel ng dalawang file cases na dala ko. Napatigil ako nang mapansing di ko makita ang isa sa mga pinagpuyatan ko kagabi. Tinapik-tapik ko ang pisngi para magising dahil baka nawawalan lang ako ng focus bago naghanap ulit.

Parang bigla akong binuhusan ng isang timbang nagyeyelong tubig nang mapansing kulang talaga ang dala ko. Inisa-isa ko ulit ang laman ng cases ko at binukod ang mga ipapasa ngayon. At, shit, wala nga! Nasa'n 'yon?! Wala namang aso sa apartment para kumain n'un kaya biglang nawala. Kinain ng bag ko?!

"Bakit?" tanong ni Deion nang bigla akong humarap sa kaniya. Umiling ako bago huminga nang malalim at umulit sa paghahanap for the third time. Baka pinagti-trip-an lang ako ng mga mata ko, so 'wag munang magpa-panic.

Sus, nandito lang 'yon e, nagtatago kasi alam na kinakabahan ako. Mayamaya magpapakita rin 'yon.

Siniguro kong hindi nagdodoble ang fini-flip kong pages. Napakurap-kurap ako nang mapansing wala talaga 'yon sa cases ko. Binuksan ko ang backpack at tsinek ang laptop compartment dahil baka sa sobrang antok ko kagabi, do'n ko 'yon siningit. Napatayo ako nang makitang walang kahit na anong papel ang nakasingit do'n bukod sa resibo ng binili namin ni Je na pang-stock sa mini ref last week.

Ayos.

Puwede na 'kong mag-panic.

"Pota." Napaupo ako sa sahig. Hinalukay ko ulit ang backpack ko at nabalewala na nang tuluyan ang antok na ramdam na ramdam ko kanina—sinipa na ng kaba paalis sa sistema ko. Naman! Kung alam ko lang na maiiwan ko 'yung pinagpuyatan ko, sana di na lang ako gumawa talaga! Kung male-late din naman ako ng submit, at least late nang may tulog. Di 'yung late nanga, puyat pa.

"Bakit?" tanong ulit ni Deion sa 'kin, tinatapik ang mga kamay kong naghahanap. Inangat ko ang tingin sa kaniya pero di nakapagsalita. Di rin na-relieve ng cute na concerned niyang mukha ang stress ko.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon