Chapter 09

12.3K 587 1.2K
                                    

122021 Chapter 09 #HatemateWP

Okay naman ako for the next few hours. As much as I hate to admit, gumaan-gaan ang mood ko dahil nabawas-bawasan ang isipin ko sa midterms ng Design. Hindi naman ako magpapabuhat, 'no, pero big help 'yong hindi ko sosolohin 'yong gawain. Mukhang hindi rin naman napilitan si Deion na igrupo ako, kaya na-minus-an din 'yong atraso niya sa 'kin. Bawi na siya roon sa hindi pagre-reply.

Masuwerte na ako roon, kaya parang ang sama naman kung magrereklamo ako sa isa pang inconvenience of the day: overtime ang next class. Pasimple ko lang na tinitingnan iyong wall clock dahil noong nahuli si Ken na tumingin sa wristwatch niya, natawag siya at pinasagot para raw 'mabilis na kaming matapos at kung lunch na lunch siya.' Hindi yata good mood si Ma'am ngayon, at ayaw ko namang mapahiya sa class for the second time today if tatawagin ako, kaya siniguro kong hindi ako mahuhuli kapag nagche-check ng oras.

After kaming ma-dimiss (finally), sabay-sabay yata kaming nagtayuan para makalabas. Hindi ko na iniisip kung nandoon si Jo at naghihintay. Dahil kanina, nahuli siya ni Ma'am na nakasilip sa pinto at natanong kung bakit nandoon. For sure umalis na si Jo dahil 30 minutes yata ang OT ni Ma'am.

Nagpaalam lang ako kay Je na uuwi ako saglit, bago dali-daling nakisabay sa siksikan ng mga lalabas para mag-lunch.

"'Uy, sis, saan ka pupunta?" tanong ni Mark na tinulak 'yong pinto pabukas at pinauna akong lumabas. Naamoy ko si Deion sa tabi niya.

"Uuwi ako," sagot ko. Sinabayan ako ng dalawa sa paglalakad. Parehas lang naman ang way, kung pupunta man sila ng canteen. Wala si Ate Maggie, himala. Hindi na rin siguro nahintay na matapos ang class namin.

"Ha? Sa bahay ninyo? Bakit?"

Umiling ako. Nagmamadali akong maglakad, pero pakiramdam ko nahuhuli pa rin ako dahil sa laki ng hakbang ng dalawang lalaki sa gilid ko. "Sa apartment lang. Maglilinis saglit, 'tapos magpapalit akong damit," paliwanag ko.

Dahil malamig sa room, ang lamig din ng ulo ko dahil basang-basa ang buhok ko nang pumasok. Hindi na natuyo nang tuyong-tuyo. 'Yong basang spot sa likod ko, hindi rin gaanong natuyo kaya malamig din sa pakiramdam.

"Bakit may pa-change outfit, sasayaw ka?" Sinamaan ko ng tingin si Mark. Tinawanan lang niya ako. "Baka ma-late ka ulit, sure kang uuwi kla?"

Napabuntonghininga ako. Bakit kasi nausuhan na nga ng OT si Ma'am, sinagad-sagad niya pa? "Kaya nga e. Bibilisan ko na lang."

"Graphics 'yong class na kasunod, gusto mo bang ma-late ka ulit sa major?"

Napatigil ako sa paglalakad dahil doon. Naitikom ko ang bibig dahil natakot ako roon sa sinabi niya.

"Okay, tama," tumatango kong sabi. May grace period naman pero baka nga hindi ko matantiya ang oras. Medyo nakakadala 'yong nangyari kanina sa Design.

Pumihit na ako pabalik. "'Balik na 'ko." Tinapik ko si Mark sa braso para magpaalam.

"Basang-basa 'yung likod mo," puna ni Mark. "Pawis ba 'yan?"

"Basa kasi 'yung buhok ko kanina pa."

"'Di ka ba lalamigin niyan?"

Nagkibit-balikat lang ako. Keri naman 'yung lamig. Kaso sure ako mamaya after ng last period, sobrang init na sa labas. Baka ubuhin ako 'pag gano'n.

"May t-shirt naman ako, 'yon na lang isuot mo."

"Sure ka?"

Tumango siya. Nilingon niya si Deion na halos malimutan kong kasama namin. Kung hindi dahil sa pabango niya, hindi ko talaga mararamdaman ang presence niya e.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon