120121 Chapter 07 #HatemateWP
Ano'ng probability na masasagasaan ng truck si Deion pauwi? Maho-holdap? Maisasakay sa van at maitatakbo somewhere?
Hindi naman siguro siya bobo sa kalsada. Sa laki niyang 'yon, imposible ring hindi siya makita ng mga saskayan. Marunong naman siyang tumawid. 'Yung sa holdap . . . mukha namang magko-comply si Deion kung hingiin ang wallet niya. Maisasakay sa van? Mabigat siya, kaya ba siyang buhatin nang basta-basta?
Sabi naman niya, tatawagan niya si Mark. Magpapasundo ba siya? Mas mataas ba ang probability na dalawa silang mapahamak sa daan?
"Billie!"
Napatigil ako sa paglalakad. Inangatan ko ng dalawang kilay si Jerica na busy sa drafting table niya. "Bakit?"
"Kanina ka pa lakad nang lakad," puna niya. Napasandal ako sa frame ng pinto ng kuwarto. Talaga ba?
"May hinihintay lang ako," palusot ko. Ano'ng hihintayin ko e b-in-lock ko nga 'yon sa Messenger? Hindi niya rin naman alam ang number ko kaya paano niya ako maite-text? Saka, gusto ba niya akong i-text in the first place?! "Sorry."
Nagbuntonghininga si Je. Binalik niya ang tingin sa ginagawa. Na-distract ko yata siya. Kanina pa ba ako palakad-lakad? Hindi ako mapakali e.
"Umupo ka muna. Ano ba'ng hinihintay mo?"
Hindi mapang-asar si Je kagaya ni Mark, pero hindi kaya ng pride kong sabihin na naghihintay ako ng update kay Deion. Mas kaya ko pang ipaglandakan 'yong 77 ko sa plate kaysa sabihin 'yon. "Si Mommy. Naghihintay akong transfer ng pera."
"Magkano? Wala ka pa bang allowance?" Nilingon niya ako at tinamaan naman ako ng guilt. Hindi ko alam kung magaling lang talaga akong umarte o masyadong tiwala sa 'kin 'tong si Je e. "Pahiramin muna kita."
"'Uy, hindi na," kontra ko. Hindi ko naman kasi talaga kailangan ng pera. Sana nga allowance na lang ang pinoproblema ko ngayon. "Uupo na lang ako. Go ka na diyan sa ginagawa mo. Pipirmi na ako."
"No, seriously," umiiling niyang sabi. Dinampot niya ang phone niyang nasa gilid ng table niya. "Magkano nga? Kailangang-kailangan mo na ba?"
"Hindi talaga, promise." Paulit-ulit ko siyang inilingan. "Hinihintay ko lang mag-reply si Mommy. Gumawa ka na diyan, 'wag mo 'kong intindihihn."
Nagtagal ang tingin niya sa akin bago ilapag ulit ang phone niya. "Sure ka?"
Tumango ako. Sinenyas ko 'yong ginagawa niya. "'Tuloy mo na 'yan." Kapag gumagawa ng requirement si Je, kahit naman noon pa, ayaw niya talagang naaabala. Dere-deretso siya hanggang sa matapos.
"Mukha ka kasing problemadong-problemado diyan," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"Hindi naman 'uy," kontra ko sabay tayo. "Grabe ka, ha?" Maka-problemadong-problemado naman 'tong si Je! Ano 'ko, super duper concerned? Problemado lang, 'no. Saktong concern lang. Pumasok na ako sa kuwaro at dumapa sa kama para hindi na ako makontra ni Je.
Kanina pang 7 PM umalis si Deion. Alas-diez na. Hindi ko alam kung naiuwi ba siya ni Mark nang kumpleto ang buto at walang gasgas ang tuhod.
Nakailang repeat na ako sa utak ko na nakauwi siya nang ayos, at hindi dapat ako bothered. Pero sabi rin ng isang small voice sa ulo ko, ma-bother ako kasi ako ang huling kasama. Wala naman akong way para alamin kung safe siya dahil wala akong contact sa kaniya. Kay Mark, mayroon pa . . . pero aasarin ako no'n nang malala. Mamaya magtanong pa 'yon bakit ko hinahanap si Deion sa kaniya, ano'ng isasagot ko? Malisyoso pa naman 'yun.
Itinago ko ang phone sa drawer ko. Out of sight, out of mind, 'di ba? Iisipin ko na lang na wala akong cellphone. Iisipin ko na lang din na nakauwi nang ayos si Deion.
BINABASA MO ANG
Hatemate Part Two (Lovestruck Series)
RomanceAfter two years of not hearing anything from each other, Billie and Deion unexpectedly meet at a college orientation. Not ending up on good terms in high school, both of them knew that they are never going to be friends again-not when they could onl...