DAHIL sabado ngayon, ito ang araw na pupunta si Angelo at ang kanyang ina sa grocery store mago-grocery sila ng magkasama bonding na din iyon ng mag-ina.
"Son, let's go!" Handang handa na ang ina simple lang ang suot nitong kulay pulang dress hanggang tuhod iyon at simpleng make up lang din hindi halatang nasa 42 na ang edad nito. He smiled. hindi na siya magugulat sa kagwapo-han niyang tinataglay dahil alam niyang sakanyang ina siya mismo nagmana. Puting t-shirt at kulay itim na pantalon lang ang suot niya dahil mago-grocery lang naman sila ng ina.
He already texted Avy at niyaya niya itong magdate sila pagkatapos mag-grocery sila ng ina. Pumayag naman ito.
"Wow mom! You're so gorgeous!" Manghang mangha niyang papuri sa ina.
"I know son, I know." Usal ng ina at tinapik tapik kanyang balikat. "And you.. you are pretty handsome even a simple white t-shirt and that black jeans only. Hindi mapagkakailang sa akin ka nagmana." Puri sakanya ng ina.
Nginisihan niya ang ina, "And I also know, mom. By the way, let's go?" Inakbayan niya ang ina palabas ng bahay at ng makarating sila sa garahe ay pinagbuksan niya ito ng pintuan ng sasakyan at inginiya niya ang ina papasok sa loob ng front seat ng Lamborghini nila.
"Thanks, son. You're such a gentleman too." Ang ina bago inayos ang pagkakaupo at isunuot ang seat belt. Umikot siya patungong driver seat at iginaya ang sarili papasok doon.
"You are very welcome mom." Isinuot niya din ang seat belt bago pinaandar ang sasakyan.
"Let's ride son!" Hiyaw ng ina habang nakataas pa ang kaliwang kamay nito. Napatawa naman siya at nagsimula ng magmaneho.
Gustong gusto ng ina ang ipagmaneho niya ito kaya gano'n nalang ito ka excited na mag-grocery sila tuwing sabado. Tuwing linggo ay nagba-bonding lahat ng mga kaibigan niya at kailangan kasali siya doon bukod kay Brandon marami pa siyang ibang kaibigan. Kailangan din nilang magbonding dahil madalas lang silang magkakasama-sama sa isang buwan kaya tuwing linggo ang naisip nila upang magkikita-kita at mag inuman.
Speaking of Brandon, hindi pa niya nakakausap ito simula nang muntik na silang magsakitan sa birthday party ni avy at kung bakit ay galit na galit ito sakanya. May gusto ba ito sa girlfriend niya?
Ilang minuto bago sila makarating sa grocery store ngunit sarado iyon kaya tumuloy sila sa pangalawang grocery store na mismong pagmamay-ari ng isa mga kaibigan niya.
Maaga sila kasi ayaw ng ina pag marami ng tao sa grocery store at pag tanghali na dutdutan lahat ng costumers kaya kailangang maaga sila palagi tuwing sabado.
Nakarating na nga sila sa grocery store, Ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot doon at lumabas na, tumigil ang sasakyan at agad naman siyang bumaba umikot patungong front seat at pinagbuksan niya muli ang ina at lumabas na din ito.
"Thanks son."
"You're welcome mom."
HABANG masayang nagkukwentuham ang mag ina at tulak tulak naman ni Angelo ang cart na may lamang mga grocery, tumigil siya dahil kukuha siya ng cup noodles na paborito niya nakatalikod siya habang kumukuha. 10 cup noodles is enough.
"A-anak hwag kang lilingon.." tila nanginginig ang boses ng ina. At dahil nagtataka siya kung bakit ito tila nanginginig nilingon niya ang ina habang gulat na gulat na nakatingin sa ibang direksyon. Nilingon niya kung saan ito nakatingin pati siya gulat dahil may magkahalikan na magkasintahan iniwas niya ang tingin at bumaling muli sa ina. Natawa naman siya sa reaksiyon ng ina dahil halos lumuwa ang mata ng ina habang nakatitig sa naghahalikang magkasintahan.
"Oh come on mom. Matagal tagal na din bang hindi ka nakakatikim ng halik ni dad?" Tawang aniya at bumaling sa ina.
Umiling ang ina, "D-don't you know the girl?" Hindi niya makilala iyon dahil bahagyang nakatalikod sakanila ang lalaki at ang babae naman ay natatabunan. "Alam kong si Brandon iyong lalaki anak." Malayo layo sila sa magkasintahan kaya hindi sila naririnig ng mga ito. "And the girl was Avy... Oh God!" Nasapo ng ina ang bandang dibdib.
YOU ARE READING
Love To Hatred
FanfictionWhen Angelo's love of his first love turns to hatred because of infidelity, who will save him from forgetting his painful past?