Kinabukasan, matamlay kong hinahanda ang kagamitan na dadalhin ko sa paaralan. Nakapag review nga ako kagabi pero hindi naman lahat pumapasok sa utak ko dahil yung halik ang laging pumapasok sa isip ko. Wala din akong tulog dahil din do'n.
"ARGHH!" Agad akong nakarinig ng patakbong yapak paakyat ng kwarto ko dahil sa lakas ng sigaw ko.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok doon si Sanji na mukhang nini-nerbyos. "Ate! Are you okay? What happened?" Hingal niyang tanong.
Mabilis akong umiling. "Wala." Wala sa sarili kong sagot at inabala ulit ang sarili sa pagligpit ng mga gamit.
"Eh? Bakit ka sumigaw?"
"May ipis kasi eh, pero nakalipad na naman siya palabas ng bintana." Palusot ko. Nagulat pa siya nang mabanggit ko ang salitang ipis pero nawala din ang gulat na yun ng pagkasabi kong lumipad palabas ng bintana.
"Bakit sobrang tamlay mo? Okay ka lang? May lagnat ka ba?" Nag aalala siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang noo ko.
"Wala ka namang lagnat pero bakit sobrang tamlay mo?"
"Wala naman talaga akong lagnat, okay lang ako.. kumain ka na ba?" Sa totoo lang masakit ang ulo ko dahil sa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. "Tara sa na sa baba, ipagluluto kita?"
"Nakapagluto na ako. Like duh~ wala ka bang tiwala sa'kin?" Sa gulat ay mabilis akong napatakbo nilagpasan siya at tinungo ang kusina.
Napahinga naman ako ng maluwag ng mapansin malinis ang kusina. Walang sumabog walang hugasin. All fine.
"It seems like wala kang tiwala sa'kin ate.. you know, lumipat ako sa cookery class sa TLE namin and yeah I know now how to cook yummy and delicious food." Sulpot niya sa likuran ko.
"Sure ka ba dyan? Asan ang niluto mo?"
"At the dinning table?" Tumalikod siya at naglakad papuntang dinning area sumunod naman ako.
"Tsaran!"
Naamoy ko ang mabangong amoy ng chicken adobo. Amoy pa lang mukhang masarap na.
"Eat up! Masarap yan!"
"Wait, I'll just call mom and dad.. ibabalita natin sakanilang marunong ka na sa pagluluto, Sanji.. sigurado akong magiging proud sila sa'yo lalo na si kuya Saveon." Nagliwanag ang kanyang mukha at ngumiti ng pagka-lapad lapad.
Nag video call kami nina dad, mom, and our big brother kuya Saveon Moon Arevalo.
"Oh? Savi, Sanji? Why do you call? May kailangan ba kayong dalawa?" Si dad, napapagitnaan nila si mom ni kuya.
"May ibabalita lang kami, dad."
"Kumusta na kayo dyan?!" Singit ni kuya, kita ang pag-ngiti niya.
"We're okay here kuya. Kayo ba dyan? Mom? Dad? Ginagalingan ba ni kuya sa training?" Tanong ko sakanila.
"He's doing a good job Savi anak at kunting tiis nalang maaabot niya na ang pangarap niya. Maayos naman kami dito." Pareho kaming napangiti ni Sanji. We're so proud. Naiiyak tuloy ako dahil grabe talaga yung paghihirap na dinanas ng kuya para lang maabot ang pangarap niya. Well deserved yun ni kuya.
"Galingan mo pa lalo sa training kuya! We're so proud of you!"
"Of course Savi, you should be proud of me.. I really did well.. at isang buwan nalang CEO na ang kuya mo!" Sobrang saya ni kuya at masaya din kami para sakanya.
"Good to know kuya!" Si Sanji. "How's life there in California, kuya?" Sumimangot si kuya.
"Tiring, but I know magbubunga din ang lahat ng ito my lil sis, Sanji.." tumango tango sina mom at dad sa sinabi ni kuya.
YOU ARE READING
Love To Hatred
FanfictionWhen Angelo's love of his first love turns to hatred because of infidelity, who will save him from forgetting his painful past?