Chapter 14 - Matang may binabalak.

47 17 6
                                    

Pagkatapos ng halikang naganap sa C.R ng mga lalaki andito na ulit kami sa classroom namin. Para akong nakalutang sa langit. Inspired na inspired ako dahil sa ginawa niya. Hindi lang 'to paghanga lang, alam kong mahal ko na siya. Hindi na mahalaga kung kakakilala pa lang namin sa isa't isa ang mahalaga sa'kin ngayon ay itong nararamdaman ko para kay Angelo. Wala ng makakapigil sa'kin do'n. Parang sa isang iglap lang nawala yung tampo ko sakanya. Dahil sa ginawa niya sa'king paghalik burado na agad ang sakit dahil binawi niya naman ang sinabing hindi daw niya nagustuhan pero pati pala siya nagustuhan niya din. Aaaaaaa!

Normal ba sa isang tao ang gano'n lang kadaling ma-inlove?

Binaliw niya ako lalo at kasalanan niya 'to!

Hanggang natapos ang morning exam. Inspired na inspired ako pakiramdam ko ay nasagot ko lahat ng tama ang exam.

"Are you okay, Savinna?" Nagtatakang tanong ni Lee ng mapansin akong nakahalumbaba at nakangiti habang nakatingin sa ibabaw. "Ang lapad ng ngiti mo ngayon ah?" Tumungo siya sa white board at binura ang nakasulat doon. Ngayon ko lang napansin na ang nakasulat pala do'n ay.. OMG!

Brent + Savinna = Brevinna

Napalaki ang mata ko sa nabasa, napalingon ako sa katabi ko at kita ko ngayong nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa nakasulat sa white board na kunti nalang ay mabubura na ni Lee ng tuluyan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what.

Lunch break kasi ngayon at nasa canteen na ang iilan sa mga kaklase namin. Kakaunti lang kaming nandito sa classroom ngayon.

"Sinong sumulat nito?" Tanong ni Lee sa lahat.

"Nakita ko kanina si Lovely, siya ang sumulat niyan." Sagot ng isa sa mga kaklase namin. Wala si Lovely dito dahil ando'n siya sa canteen.

"Talaga ba?"

"Oo Lee." Umiling iling si Lee at pinadpad ang paningin saming dalawa ni Angelo.

"Tara na bro, Savinna? Naghihintay na sina Vent sa canteen." Baling ni Lee samin. Oo nga pala, kakain pa pala kami ng lunch.

Hinawakan ni Angelo ang kamay ko. "Let's go?" Ngumiti siya sa'kin, ngumiti din ako ng pagka-lapad lapad at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya at sabay na tumayo.

"Eeeeeeeee!" Panunuya ng mga kaklase kong nakakita samin na magka-holding hands palabas.

"OMG! Bagay kayo!" May tumili niyan. At dahil dyan uminit na naman ang pisngi ko. Nangangamatis na naman siguro ako.

Bagay talaga kami!

"Why are you so red?" Gulat na tanong niyang baling sa'kin. Nakayuko ako habang hinihila niya pero napansin niya pa din.

Umiling ako habang nakayuko pa din. Nahihiya ako. Yes, Oo meron akong hiya kahit kunti.

Naramdaman ko ang pagdampi ng isang palad niya sa noo ko naramdaman ko din ang kuryente. Lalo na ngayong magkahawak kamay kami habang tinutungo ang canteen. Maraming napatingin at napapatili dahil nakikita kaming magkahawak kamay ni Angelo.

"Hindi ka naman nilalagnat? Maayos ba ang pakiramdam mo?" Ngumiti lang ako at tumango-tango lamang sakanya. Maayos na maayos, Angelo. May halo kasing pag-aalala yung boses niya habang tinatanong niya yan na mas lalong nagpakilig sa'kin ng tudo-tudo. "Baka nagugutom ka lang, don't worry I'll buy a lot of foods when we're there." My god! Bakit siya ganito?! Makalaglag panty! Bakit ang sweet niya?

"Oh my god! Si Angelo! Bumalik na pala siya dito sa Zaparta University!?" Napatakip pa ng bibig ang tumili niyan.

"Hala! Oo nga! Siya nga yan! OMG! Siya ngaaaa!" Huli ata sila sa balita.

Love To HatredWhere stories live. Discover now