Savinna Mia's POV
Abala ako sa panunuod ng tom and jerry sa may sala ng biglang bumukas ang pintuan ng penthouse namin ngunit wala namang pumasok na tao. Narinig ko din ang malakas na kalabog galing sa labas malapit sa may pintuan at dahil sa takot mabilis na napatakbo ako sa likod ng sofa kung saan ako nakaupo at nagtago doon.
Magnanakaw ba yan?
Oh God! help me for pity sake... Sanji Mei bakit mo ako iniwang mag-isa dito? Mumultuhin talaga kita pag isang magnanakaw iyang nasa labas at patayin ako. Sisiguraduhin kong susunod ka talaga sa'kin pag tigok na ako dito, mumultuhin talaga kita!
"Ate! Uhu! Uhu!" Napalaki ang mata ko sa gulat sa sigaw ng bruhang si Sanji Mei galing sa labas ng penthouse na tinitirhan namin.
"Ikaw lang pala yan?! Mapapatay na talaga kitang bruha ka!" Sigaw ko at tumayo na at tumakbo patungo sa pintuan para sugurin at sakalin sana siya kaso laking gulat ko ng makita ang suka niya sa harap ng pintuan nakita ko ding nakahandusay siya katabi ng nakakadiring suka niya. Yuck!
"Oh my God, Sanji Mei, what you have done?!!" Galit na galit kong sigaw sakanya. Napaubo-ubo naman siya at akmang susuka na naman. "Hoy! Itigil mo yan! Letse kang bruha ka!" Napatakip na ako ng bibig sa sobrang pandidiri. "Nakakadiri ka!" Nandidiri kong sigaw nasusuka na din ako. At humakbang paatras.
"Ate naman eh para namang *hek* hindi tayo *hek* magkapatid kung makapandiri ka sa'kin diyan *hek* wagas." Letseng bata talaga.
"Hindi tayo magkapatid dahil ampon ka lang!" Pang-aasar na sigaw ko sakanya.
"Okay fine. *Hek* ampon na ako *hek* kaya nga help me here na." Sa paawang boses nitong usal. Napamaang labi ako.
"No! Tulungan mo ang sarili mong mag-isa mo! Maglalasing ka dun at ngayon hihingi ka ng tulong sa'kin? Ano ka sini-swerte?!" Nanatiling nakahandusay pa din siya at ngayo'y nakapikit na ang mga mata.
"Hoy babae! Hwag mong sasabihing diyan ka matutulog katabi ng nakakadiri mong suka?! Ay naku! Pag hindi ka pa talaga nagtino Sanji Mei! Isusumbong na talaga kita kay dad!" Sabi ko pa sa pagbabantang boses.
"Yan ang hwag na hwag mong *hek* gagawin ate.." bigla siyang tumagilid ng pagkakahiga.
"Ilang beses ka na ding laging late na umuuwi dito at laging lasing sa tingin mo hinding hindi ko gagawin yun? Isusumbong kita sa ayaw at sa gusto mo!" Napabuntong hininga ako at nanatiling nakatingin lang sakanya. Umiling iling siya.
"For how many times do I have to tell you Sanji Mei na magtigil ka na sa pag-iinom ayaw mo sa akin makinig!" Sermon ko sa kapatid ko pero alam ko namang walang makakapantay sa katigasan ng ulo ng babaeng yan kaya hinding hindi yan makikinig sa'kin.
"Please help me here *hek* ang lamig lamig na dito sa labas *hek*." Kita niyo naman parang wala lang sakanya ang mga pinagsasabi ko sarap talaga kutusan ng bruhildang 'to.
"Oh hala! Tumayo ka dyan at linisin mo iyang nakakadiring suka mo diyan! Tulungan mo ang sarili mong mag-isa! Yuck! Ang dungis dungis mo na! Ew Sanji Mei kapatid ba talaga kita?"
At gaya ng dating gawi hindi ito nakinig at tuluyan ng umidlip sa hinihigaang sahig na katabi ng suka niya. Sa inis ay padabog akong lumapit sakanya at hinawakan ang magkabilang braso niya ay hinila siya na parang wala ng buhay dahil sa kalasingan niya. Dahil makintab naman ang sahig namin hinila ko lang siya papuntang sofa at doon pinahiga. Wala akong pake kahit magmukhang lampaso siya sa ginawa ko basta ba kumintab pa lalo ang sahig at madala ko lang siya sa sofa at doon pahigain.
"Hoo!" Pagkawala ko ng malakas na hininga dahil sa bigat niya. "Ang bigat bigat mo alam mo yun?!" Sigaw ko sa wala ng buhay kong kapatid ah este natutulog kong kapatid.
YOU ARE READING
Love To Hatred
FanfictionWhen Angelo's love of his first love turns to hatred because of infidelity, who will save him from forgetting his painful past?