Chapter 4 - Parang temang

147 43 24
                                    

"Ate!! Pahingi akong 1k, I think naubos ang pera ko kagabi kasi eh." Si Sanji Mei habang subo ng subo ng noodles at hinihigop ang sabaw nun. Ang bilis niya lang yung naubos dahil isa din siyang matakaw.  "Ate, akin na din ito, I think wala kang balak na kainin ito kasi kanina ka pa nakatulala dyan eh. Like duh~ the soup is getting cold." Sabay kuha niya sa cup noodles ko at agad na nilantakan iyon.

Malamang hindi ko maalis sa isip ko yung nangyari kagabi. Lalo na sa poging lalaking iyon na tumulong sa'kin. Aaaa! Bakit ba hindi ka maalis sa isip ko? Jusko naman ano bang nangyayari sa'kin. Halos nga hindi ako makatulog kagabi kakaisip sa prince charming ko eh. Aaaaaaa! I think I'm in love! Ito na ba yung tinatawag nilang love at first sight? Is that what I feel?

"Ate, I'm almost done~"

Napalaki ang mata ko habang nakatingin lang sa kay Sanji Mei na with feelings na kumakain. Mas lalo akong nainis dahil inubos niya iyon at wala ng natira para sa'kin.

"SANJI MEI!!!!" Halos lumabas na ata lahat ng usok sa aking ilong sa inis. Ngumiti lang siya sa'kin ng pagka-lapad lapad.

"Woah! Amazing! Busog na ako! Thanks for the breakfast ate!" Nag thumbs up siya sa'kin bago kinuha ang bag niya sa katabing upuan na inupuan niya at tumayo na. "I gotta go ate, my girls is waiting!" Umikot siya sa dinning table na pinagkakainan namin patungo sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.

"Argh! Sanji Mei wala ka man lang na tinira para sa'kin!" Umuusok ilong kong sigaw.

"Sa school ka nalang kumain ate I bought you foods nalang at ipapahatid ko sa school niyo, okay? Mag uutos nalang ako ng maghahatid doon. Pahingi muna akong 1k natatamad kasi akong gamitin itong atm ko dahil kailangan ko pang pumunta ng bank like yes nakakatamad talaga yun." Kita niyo na hindi lang matakaw at matigas ang ulo, tamad pa.

Pinandilatan ko siya ng mata. Kumuha ako ng 1k sa wallet ko at inabot yun sakanya. "Ayan! Umalis ka na sa harapan ko!" Hindi kasi yan matatahimik pag hindi ko yan binigyan. Malapad lang siyang ngumiti sa'kin at hinalikan ulit ako sa pisngi.

"Thank you ate! You're the best!" Humalik na naman siya sa pisngi ko. Nakakailan ka na Sanji Mei ha! "Byebye!" Kumaway siya papalayo. Lumabas na siyang bahay at maya maya pa ay umandar na ang kotseng maghahatid sakanya at umalis na, bawal pa siyang mag drive she's a minor kaya iyong driver naming si mang peter yung nagmamaneho sakanya patungong school. Huminga ako ng malalim. Kahit kailan talaga yung babaeng yun oh.

She's 4th year high school and she's 17 magkaiba kami ng pinapasukang university dahil gusto niyang makasama ang mga kaibigan niyang sina Vehatti, Linsey at Hara. Hindi mapaghiwalay yang apat na yan eh. The Lasinggera Girls. Kampante naman ako kahit mag iinom yang si Sanji Mei dahil kasama niya naman ang mga kaibigan niya pero ang hindi ko lang matanggap palagi nalang.

Ako naman, hihintayin ko pa ang kaibigan kong si Anayaleah, she said she'll pick me up kaya naghihintay nalang akong dumating siya. May kotse naman ako na gift ng mom at dad pero sabi ni Anayaleah ayaw niyang hindi kami nagsasabay na pumasok, Lalo na dahil kinwento ko din sakanya ang nangyari kagabi, tumawag ako sakanya nang makarating ako ng penthouse, kinilig din siya dahil may dumating na pogi para iligtas ako, okay din dahil tipid gasolina. Hindi muna magagamit si baby Porsche ko.

I'm second year college a BA student and I'm 19.

Maya maya lang ay may bumusina ng sasakyan mula sa labas alam kong si Anayaleah na iyon. Dali akong akong tumakbo palabas. Ako na ang magsasarado ng bahay dahil mukhang mamaya pa ang dating ni mama nelly she's our yaya sa penthouse na'to but Sanji and I don't like to treat her like a yaya we treated mama nelly like she is our mom also umuwi kasi siyang probinsya nila para dalawin ang pamilya niya.

Love To HatredWhere stories live. Discover now