Nakasimangot ako habang tinatahak ang daan pabalik sa classroom. Gano'n ba talaga siya ka sungit para bastahan lang akong ipagtabuhayan. Atsaka, bakit nga ba siya concern sa nangyari kagabi? Sa pagkaka-alam ko ay wala siya doon ng nag-iinom ako kagabi. Nakita ko pa ang pag-aalala niya kanina kung makatanong siya sa'kin. Napasapo ako ng ulo. Sana pala ay hindi nalang ako nag-inom. Apat na bote pa naman yun ng beer.
Pagkarating ko ng classroom ay mayroon na namang paper bag na nakapatong sa desk ko. Agad akong naupo at tinitigan ang paper bag. Amoy palang alam ko ng pagkain ang nakasilid.
'Ubusin mo yan ate, Galing pa yan sa Jollibee, eat well! Love yah! Mwa! <3'
_Gandang nilalang
Kinuha ko ang sticky note. Wala akong gana kaya binigay ko nalang sa kaklase ko yung pagkain.
"OMG! Salamat miss pres!" Si Karla matapos matanggap ang binigay ko.
"You're welcome." Pilit akong ngumiti sakanya.
'Forget it. Just leave. You are annoying.'
Paulit ulit yang tumatatak sa isip ko.
Isa akong annoying para sakanya. Haha, ngayon lang ako sinabihan ng ganyan. I am approachable to somebody. Sa pagkakaalam ko pagiging friendly ang pang-aaproach, naa-annoy pala siya sa'kin.
Uwian na. Uwian na pero busangot ko pa ding tinatahak ang daan patungong parking space.
Kailangan kong makita si Anayaleah. Kailangan dahil pakiramdam ko bibigay na naman ako.
"What happened? Bakit nakamugtok iyang mukha mo?" Si Anayaleah at sinalubong ako ng yakap.
"Annoying ba ako?" Nahihikbi kong tanong sakanya.
"No. You're just friendly Savi.. you are not annoying.. sinong nagsabi sa'yo na annoying ka? Hahambalusin ko.." hinagod-hagod niya ang likuran ko. "Don't cry just because of that.. hwag mong paniwalaan kung sino man ang nagsabi niyan sa'yo." Pagpapagaan niya ng loob ko.
"Psh, parang salitang annoying lang eh." Nagulat ako ng may biglang magsalita sa likuran ko.
"Manahimik ka nga depungal naiiyak na nga yung tao eh!" Kumalas si Anayaleah sa pagyakap sa'kin. Narinig kong napatawa si Brent. Tama nga naman si Brent salitang annoying lang naman yun pero bakit ganito? Nung si Angelo ang nagsabi niyan mismo sa'kin sumisikip yung bandang dibdib ko.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong akbayan agad ko namang inalis ang pagkakaakbay niya. Sinuntok ko nga sa sikmura.
"Ouch! My abs!" Sinapo niya ang sikmura sa dalawang palad. Kunot naman ang kanyang mukha. Bumalik tuloy sa isip ko yung six packs abs na pinakita niya.
"Don't you ever try to put those arms on my shoulder again or else you're dead meat!" Sigaw ko at tinalikuran siya.
"Best friend! Where are you going?!" Sambit ni Anayaleah sa'kin.
"Going home, let's go?"
"Sasabay ako dito kay Brent, Savi."
Naalala ko yung sinabi ni Brent sa'kin kanina na may sumundo sakanyang lalaki. Ngayon ko lang naalala. Bumalik ako sa kinaruruonan. Walang maghahatid sa'kin kaya magpapahatid nalang ako kay Brent.
"Savinna!" Napalingon ako sa sumambit sa pangalan ko. Si Lee pala nakatayo sa gilid ng motorsiklo niya.
"Why?"
May tinuro siyang kotse. "Doon ka sumakay at magpahatid sainyo!" Napalingon naman ako sa tinuro niyang kotse. Kumunot naman ang nuo ko at bumaling ulit sakanya. Hindi ko kilala ang may-ari niyan. At lalong hindi ako sasakay dyan.
YOU ARE READING
Love To Hatred
FanfictionWhen Angelo's love of his first love turns to hatred because of infidelity, who will save him from forgetting his painful past?