5:30 madilim-dilim na din. Andito na kami sa harap ng Selvano De Bar. Mula sa labas ay rinig ko na ang tugtog galing sa loob ng bar.
"I'm so excited to drink lalo na ngayong kasama natin si ate Savi!" Hiyaw ni Linsey sabay taas ng kamay.
"Yes yes yes!" Si Vehatti naman ngayon, ang ama niya ang may-ari ng Selvano De Bar.
"I'm thankful ate dahil pumayag kang sumama. Alam mo bang marami kang makikilalang hotties dito?" Si Sanji naman ngayon. Inungusan ko siya. Ito ba ang dahilan kung bakit pabalik balik siya dito? Jusko naman talagang batang 'to.
"Tama si Sanji, ate, siguradong madali ka lang makakapang-akit ng mga hot guy dahil sa ang ganda mo just like me~." Si Hara naman. Napamaang ako. Nambola pa eh.
"Hara is right." Sanji.
"Sanji Mei ha! Kung ito lang pala ang dahilan mo mas mabuti pang hindi na kita payagan na pumunta dito! Better to tell this to mom and dad right away. By that, you will be grounded forever." Pananakot ko sakanya.
"It's not like that ate! Like duh~ we're too young to that. Hindi ba girls?" Tumango tango ang tatlo pagsang-ayon kay Sanji Mei. Sus, ayaw mo lang isumbong eh. "Pumupunta kami dito para magsaya ate hindi para maghanap ng hot guy, hindi ba girls?" Gaya ng kanina ay tumango lang din silang tatlo. Sa tuno ng boses niya parang yun talaga yung pakay niya, psh.
"What about that Wendell Drex, Sanji? Yung naghatid ng breakfast ko. Sino 'yon?"
"Like duh~ he's my number one fan. One of my puppets." Tinalikuran niya ako. "Hwag ka na ngang magtanong ate. Nakakagigil ka, alam mo yun?" Nanggigil ba siya dahil sa tinanong ko ang tungkol sa Wendell, who the hell is Wendell?! Ngumiwi ako at sumunod nalang sakanya. At ano daw? One of her puppet? Jusko naman talaga.
Naglalakad na kami patungo sa loob ng bar at ng makapasok na kami ay malayo pa lang tanaw na tanaw ko na si Lee na abala sa paghahalo ng kung anu-ano sa back bar, alak ba yan? napangiti ko at kumaway ng magtama ang paningin namin gano'n din siya. nagpaalam muna ako sa mga kasama at pumayag naman sila. Agad na tumakbo palapit sa front bar at umupo sa long chair na nakalaan doon.
"Hey miss.. want a drink?" Ngumingising tanong niya. Grabe talaga ang sarap sa feeling na may kaibigan kang bartender. Baka mafeel ko na ang paglalasing at baka gustuhin ko pang magpabalik balik dito.
"Yes please, Yung hindi nakakalasing.." Tama bang gusto kong malasing tapos manghihingi ako ng inuming hindi nakakalasing.
"Here." Nilapag niya ang isang baso na kakulay ng tubig ang laman.
"Hindi ba ako malalasing dito, Lee?" Kinuha ko ang basong may laman at tinitigan ito mula sa kamay ko.
"Paano ka malalasing eh tubig lang naman yan." Natawa siya. "Kakasabi mo pa lang, yung hindi nakakalasing, ayan na nga." Napangiwi ako.
"Asan na yung nakakalasing na inumin? Gusto kong malasing, I wanna try that feeling, na malasing." Napangisi siya sa sinabi ko, sarap niya tuloy kutusan.
"Walang hindi nakakalasing na inumin dito maliban sa tubig. Ang sabihin mo, gusto mo lang mag move on kay Herv, HA HA HA!" sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong mag move on ka dyan?! Sarap mo talagang ipatapon sa jupiter eh!"
"Sa susunod kasi hwag kang padalos-dalos Savinna.." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ayaw ni Herv na hinahawakan siya." Napalaki ang mata ko. "Babae ka at ayaw niyang hawakan mo siya." Nawalan ako ng imik sa sinabi ni Lee.
"Big sis! Dito ka nalang muna ha doon lan muna kami ng mga girls sa couch na yun." Pagsulpot ni Sanji at umakbay sa'kin at bumaling sa bartender na si Lee. "Lee Elinor, Dalhan mo nalang kami ng maiinom doon sa couch na'yon, tulad ng nakasanayan, okay?" Tinuro niya ang couch kung saan nakaupo si Vehatti, Linsey at Hara. Tumungo naman si Lee. Napalaki ang mata ko. Seryoso ba 'tong Sanji na'to?
YOU ARE READING
Love To Hatred
Hayran KurguWhen Angelo's love of his first love turns to hatred because of infidelity, who will save him from forgetting his painful past?