Chapter 12 - The feeling isn't mutual.

98 31 19
                                    

"It's your fault.. Savinna..."

Taka akong napalingon sakanya. Hawak niya ang manobela at nakayuko siya ngayon na para bang ang lalim ng iniisip. Kinakabahan na ako.

Hindi ako umimik dahil hindi ko naman alam kung anong kasalanan ko.

"Kasalanan mo 'to, Savinna.." Ulit niya. Hindi naman mapakali ang puso ko. Sobrang lakas ng pintig nun. Nanginginig na din ako dahil sa basag ang boses niyang sinabi niya ang salitang yun. Say it, Angelo! Anong kasalanan ko!?

Nanatili akong walang imik.

Ano ba ang kasalanan ko? Wala akong ideya. Wala kasi siyang clue.

"A-anong k-kasalanan k-ko?" Wala talaga akong matandaan kung may ginawa ba ako sakanya na makakasakit sakanya o ano.

Hindi kaya tungkol do'n sa paghalik ko?

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. "Alalahanin mo ang nangyari ng maggawa ko na ang gusto ko.." Naalala ko na Angelo, nahihiya lang akong aminin sa'yo.. Kita ko ang pagsarado ng bintana.

Maggawa ang gusto? Anong gusto?

"Naalala mo na, hindi ba?" Ngayon ay nakaharap na siya sa'kin at kita ko na yung mga mata niya.. matang parang may binabalak. Hindi ko ma-explain. May lungkot pa din yung mga mata niya pero may twist.

Tuyo na ang lalamunan ko. Shemay!

"Answer me.." Malumanay pa niyang saad na mas lalong nagpakaba sa'kin. "You are so damn talkative, but why can't you talk back now?!" Napayuko ako. It's just that nakikita ko ang kabuoan ng gwapo mong mukha, Angelo. Hindi ko kayang tignan ng diretso ang mga mata mo dahil naaalala ko yung ginawang paghalik ko sa'yo. Lalong uminit ang mukha ko habang nakayuko. Ayaw kong makita niyang namumula ako.

Nagulat naman ako ng bigla niya hawakan ang panga ko at inangat bago inilapit ang mukha niya at nilapat ang labi niya sa labi ko. Napalaki ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya.

Sabihin niyong panaginip lang ito! Pakiusap!  Kung panaginip man 'to.. lord hwag niyo na akong gisingin!

"Naalala mo na?" Sinabi niya sa gitna ng paghalik niya sa'kin. His husky voice gives me butterflies in my stomach. Nakahawak ang kanang kamay niya sa likod ng leeg ko habang hinahalikan ako samantalang ang kaliwang kamay niya naman ay nakaalalay sa likod ko. Ang mga palad ko naman ay nakalapat sakanyang dibdib at damang dama ko ang katigasan nun. Hindi ko man lang siya magawang maitulak. Hindi din ako makagalaw. He's kissing me passionately napasandal naman ako sa pinto ng front seat. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng mga labi niya sa labi ko. Sinisiil niya ako ng halik ang I can't help it anymore!

I opened my mouth as I responded his kisses. The hell! He's such a good kisser! I can't help but to kiss him back..

"A-angelo.." Banggit ko sa ngalan niya sa gitna ng halikan namin. Naghahabol na kami pareho ng hinanga ng magbitiw ang aming mga labi.

Pinantitigan niya ako ng diretso sa mga mata. "Sabihin mo Savinna.. naalala mo na, hindi ba?" Tumango ako..

Hindi ko na kailangang magsinungaling.

Muli ay inilapat niya na naman ang labi niya sa labi ko.

Nakakailan ka na Angelo ha!?

Bakit ba agad akong bumigay sa mga halik niya.

Tumigil siya sa paghalik at tumitig na naman sa mga mata ko. May saya na sakanyang mga mata! Assuming na kung assuming! Pero ako ba ang dahilan ng sayang iyon?  "I'm sorry.." Agad niyang iniwas ang tingin sa'kin at inayos ang pagkakaupo sa driver seat gano'n din ako inayos ang sarili dahil mukhang gumulo ata ang buhok ko sa ginawa niya. Kita ko ding sinapo niya ang ulo na para bang ang problemado niya. "I-i just wanted to taste your lips again, I don't know why. Fuck! You're making me crazy! I can't even sleep because of what you did. Damn you!" Lalong nag-init ang pisngi ko, yumuko na din ako. Kung pwede lang utusan itong inuupuan ko na lamunin ako ngayon din ay kanina ko pa ginawa kaso hindi eh. Nagwawala na ang puso ko. Gusto na niyang kumawala sa hawla. Ang lakas ng pintig nun at parang kunti nalang tuluyan na siyang makawala. Sinampal ko din ang sarili. Napaaray naman ako dahil juskooooo! Hindi talaga ako nananaginip! Totoo ito. "Are you crazy?!" Galit ang mga mata siyang bumaling sa'kin at hinawakan ang kamay ko na ginamit kong pansampal sa sarili. "Why are you hurting yourself?!" Dagdag niya habang hawak ang kamay ko at binaba iyon. Nakita niya pala ako. Ayan na naman ang kuryente! "Damn! Look at you! You're so red! Bakit mo kasi sinampal ang sarili mo? Dahil sa ginawa mong pagsampal sa pisngi mo, pati kabilang side ng pisngi mo, namula!" Malumanay na parang nag-aalala ang tuno ng boses niya. Mas lalong uminit ang pisngi ko! Nangangamatis na ata ako sa sobrang pula eh. Sasabihin ko sanang hindi ang pagsampal ko ang dahilan ng pamumula ko dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit namumula ako sa sobrang kilig.

Love To HatredWhere stories live. Discover now