Chapter 9 - Halik

91 33 5
                                    

Abala kami sa panunuod ng TV ng kapatid ko sa sala, mabuti nalang talaga hindi siya naglasing ngayon. Abala naman siya sa kakakain ng popcorn habang abala ang mga mata sa screen ng TV.

"Ate, you have boyfriend na pala? Hindi ka man lang nagsasabi sa'kin. Like duh~ we're not sisters na ba?" Basag ni Sanji Mei sa katahimikan. Salubong ang kilay akong napabaling sakanya.

"Anong boyfriend ang pinagsasabi mo dyan? Hindi naman talaga tayo magkapatid dahil ampon ka lang naman."

"Psh. Yung lalaking naghatid satin kagabi, yung masungit na gwapo." Napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naghatid samin? Kagabi?

"A-anong naghatid? Sinong naghatid?" Pinan-ikutan niya ako ng mata.

"Yung masungit na gwapo mong boyfriend duh~ kakabanggit lang eh, psh."

"W-wala akong boyfriend Sanji Mei.." Agad siyang napalingon sa'kin. Nakakagulat ba yung sinabi ko? Dahil halos lumuwa yung mata niya sa laki nun.

"Then why did you ki--- OH MY GOD!" Napatakip siya ng bunganga at parang shock na shock siya. OA siya sa part na yun. "Kung wala kang boyfriend.. Then who's the guy? Kung hindi mo siya boyfriend bakit mo siya hinalikan?!" Napalaki lalo ang mata ko sa sinabi niya. Hinalikan?! May hinalikan ako? Sino?

"S-sino? Sino ang naghatid satin kagabi? Hindi ba ako nakapagmaneho kagabi? Kung gano'n, paano ako napunta sa kwarto ko? Nakayanan ko pa namang umakyat ng kwarto ko 'di ba? Sabihin mo sa'kin Sanji, sabihin mong hindi totoo na may hinalikan ako! Sanjiii!" Mangiyak-ngiyak kong sabi habang hawak ang magkabilang balikat niya at niyuyugyog iyon. Hindi ako naniniwalang may hinalikan ako. At kung meron man sana hindi nalang ako nag inom kagabi. Nasa huli nga naman talaga ang pagsisisi. Kung may hinalikan man ako isa yung malaking NO! Dapat sa magiging the one lang yung first kiss ko. Dahil kung may hinalikan ako wala na ang first kiss para sa magiging the one ko. Sana lang ay nagbibiro lang itong Sanji Mei nato.

"I don't know him." Si Sanji at tinanggal ang pagkakahawak ko sa balikat niya. "Hwag mo nga akong yugyugin ate, yang sarili mo ang yugyugin mo nang maalala mo kung anong nangyari kagabi at anong kabaliwan ang pinaggagawa mo, mas malala ka pa nga ata sa'kin pag nalasing eh. Psh." Pinandilatan niya na naman ako bago muling tumutok sa TV at sumubo ng popcorn.

Nakanganga ako habang titig na titig kay Sanji Mei hindi makapaniwala sa sinabi niya. Agad akong napahawak ng ulo ginulo ang buhok at sinabunutan ang sarili. ARGH! Sana pala hindi nalang ako naglasing! Sana pala nagpaiwan nalang ako! Kasalanan ko 'to! Hindi. Kasalanan 'to ng beer!

Tahimik na si Sanji, mukha ngang hindi siya nagsisinungaling. Anong gagawin ko? Hindi ko kilala kung sino yung nahalikan ko dahil hindi naman din siya kilala ng kapatid ko! Lalo kong sinabunutan ang sarili.

"Tumigil ka nga sa pagsabunot ng sarili mo ate! para kang baliw! Sure ka ba talagang wala kang maalala sa nangyari kagabi?" Baling niya sa'kin ng kunot ang mukha. Napahinto ako bago sumimangot sa harapan niya at umiling iling. "Psh. Problema mo na yan ate." Nguso niya at inirapan ako.

Dahil wala naman akong mapapala sakanya umakyat na akong kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Gano'n ba talaga ang ang epekto ng beer sa utak ko? Nakaka-amnesia pala! Kainis!

Tulala akong nakatitig sa kisame habang pinipilit na alalahanin ang nangyari kagabi. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko maaalala ang mga nangyari dahil gusto kong maalala dahil mukhang malaking pagkakamali iyon dahil humalik ako ng lalaking naghatid daw samin ni Sanji pero hindi niya kilala at hindi ko din kilala. Sinong naghatid? Boyfriend ko? eh wala naman akong boyfriend! Hindi kaya si Lee? Hindi. Dahil kung si Lee yun kilala siya ni Sanji. At mas lalong isang malaking pagkakamali na halikan ko siya dahil best friend ko siya. Kahihiyan iyon kung sakali man.

Love To HatredWhere stories live. Discover now