Chapter 15 - New Student

37 12 0
                                    

Nagmamadali ako sa paglalakad habang abala sa paghahanap ng bracelet na binili ko kahapon. Linggo kahapon at naisipan namin ni Sanji na mag-mall kaya binili ko yung bracelet. ang alam ko naisilid ko pa dito yun kagabi eh. Habang hinahalungkat iyon at mabilis na naglalakad ng may nabunggo ako at sa lakas ng pagkakabunggong yun halos matumba na ako.

"Ouch! Can you please look at your way?! Argh! Kita mo nagusot tuloy itong damit ko! It's your fault. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko kay Angelo nito!" Pinapagpagan niya ang sarili na para bang alikabok yung nakabangga sakanya. Ang ganda ko namang alikabok.

At ano daw!? Narinig ko ba ang pangalan ni Angelo o guni-guni ko lang yun?

"Sorry miss.." Ako habang yumuyuko-yuko sa harap niya. Teka. Baguhan ba siya dito? Parang ngayon ko lang ata siya nakita ah?

"Your sorry isn't enough even your life bitch. Get out of my way!" Aba! Ang maldita naman ng babaeng ito ah.

Tinabig niya ako at nilagpasan lang. Nagtataka ang mga matang sinundan ko lang siya ng tingin. Kung maka-asta siya ay parang pagmamay-ari niya ang buong school eh. Ang laki naman ng daanan.

Maganda sana kaso mukhang bruha eh.

Patungo na sana akong classroom at gano'n pa din excited na makita si Angelo. Excited din na maibigay itong bracelet na binili ko para sakanya.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at buti nalang ay nahanap ko na itong bracelet para kay Angelo.

Biglang may kumalabit sa'kin at si Lovely lang pala."Miss pres. May nakasalubong ka bang babae na mahaba ang buhok, naka red lipstick at-- hay!" Dumungaw siya sa likuran ko at inangat ang dalawang mga kamay. "Avyleigh I'm here!" Agad akong napalingon sa likuran dahil kumaway si Lovely tungo doon at tumalon talon pa.

Pagkalingon ko, yung babaeng nakabunggo ko kanina ayon ang sinasambit niya.

"Maiwan na kita miss pres. nakita ko na pala ang hinahanap ko." Agad naman siyang tumakbo palapit sa babae na nag-ngangalang Avyleigh.

Iling-iling na nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. I can't believe na kaibigan yun ni Lovely. Sa pagkakaalam ko ay si Sherilyn lang ang close friend niya may iba pa pala.

"Para sa'yo." Agad kong iniabot sakanya ang bracelet na binili ko kahapon.

Kita ko ang pagliwanag ng kabuoan ng gwapo niyang mukha. Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng makita na nagustuhan niya ang munting regalo ko. Mabilis niyang hinablot yun sa kamay ko at pinantitigan iyon. "Thank you,"

"You're welcome." Ngiti ko.

"Pwede bang ikaw ang magsuot nito sa'kin?" Mabilis akong tumango tango.

"Yeah sure."

"It's my first time that someone gave me a small but a very special gift.." Nakangiting malapad ko siyang nilingon. Nakita ko siyang nakangiting tinitigan ang bracelet na kanina lang ay binigay ko.

Ewan. Pero sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti bumibilis ng tudo tudo ang tibok ng puso ko. Sumasaya ako tuwing nakikita siyang masaya. Sana laging ganito.

Masaya akong natanggal na yung kalungkutan sa gwapo niyang mga mata.

"Masaya akong nagustuhan mo, Angelo." Ngumiti siya sa'kin gano'n din ako.

"Of course. It's from you, magugustuhan ko talaga." Muli ay tumingin siya sa bracelet na suot niya habang nakangiti.

"Good morning class!" Biglang pagdating ni Prof.Mores, agad naman kaming nagtayuan lahat.

"Good morning, Prof.Mores!" Bati naming lahat at tumayo.

May kasama si Prof.Mores at kung hindi ako nagkakamali ay yung babaeng nakabunggo ko kanina iyon. Bakit siya andito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love To HatredWhere stories live. Discover now