Savinna Mia's POV
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ng tumama ang maliwanag sinag ng araw sa mukha ko galing sa bukas na bintana ng kwarto ko. Inikot ko ang buong paningin. Oh my god! Sa pagkakaalam ko ay nag inom ako kagabi sa Selvano De Bar at.. at .. at oh my god! Ibig sabihin nakayanan ko pang magdrive at nakayanan ko pang umakyat pa sa kwarto ko ng mag-isa? Wala akong maalala pero I know na yun ang nangyari. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa may pasok pa pala ako. Tatayo na sana ako ng biglang maramdaman ang kirot ng sentido ko. Jusko naman. Ito na ba ang epekto ng paglalasing ko kagabi? Halos hindi ko na nga maalala kung paano ako nakarating dito sa penthouse.
Bakit parang may tumutusok sa sentido ko? Ganito ba talaga pag nalasing ka? Haay. Hindi na ako uulit!
Inihanda ko na ang sarili ko. Pagkatapos ay bumaba na. Nakita kong may sticky note sa dinning table.
Ako na bahala sa breakfast mo, ate, ipapahatid ko nalang sa school mo.. pagkagising mo pasok ka na agad, okay? Love you! Mwa<3
Gandang Nilalang
Pumasok na pala si Sanji Mei. At lagi naman niyang tinutupad ang mga sinabi niya hindi na ako nag abala pang ipagluto ang sarili. Lumabas na akong bahay.
Abala na kaming lahat na mga mag-aaral ngayon dahil midterm na at naalala ko pa ay bukas na ang exam namin. Pero kakayanin naman.
Kakasarado ko palang ng pinto ay may bumusina na mula sa labas. Dali akong tumakbo at baka si Anayaleah na iyon.
Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng gate ay may isang mahangin na lalaking nakasandal sakanyang sasakyan at nakapamulsa pa. Bakit nandito yan?
"Hey, beautiful." Bati niya agad ng makita ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong.
"Waiting for you? Did you know that I've waited 30 minutes long? Leah, told me to pick you up. So I did. I swear nakakapagod maghintay pero okay lang Sav, worth it naman ang paghihintay ko dahil nandito ka na nasilayan ko na ang kagandahan ng babaeng may crush sa'kin." He smirks at ngumisi pa ng nakakaloko bago binuksan ang pinto ng front seat.
"Crush mo mukha mo!" Humalakhak siya na ikinainis ko pa lalo! "Asan si Anayaleah?"
"May lalaking sumundo sakanya kanina kaya inutusan niya akong sunduin ka."
"Talaga? Eh? I can drive on my own. May sariling sasakyan ako kaya..." Iminwestra ko pa ang kamay na para bang pinipigilan siya. "No need." Dugtong ko at tumalikod na sakanya, hindi palang ako nakakahakbang ay nagsalita siyang muli.
"Seriously, Sav? Tinatanggihan mo ang isang Ace Brenton Zaparta?" Mayabang talaga yan. Kung hindi ko lang yan kaibigan pinadakip ko na yan. Humarap ako sakanya at pinansingkitan ng mata.
"Hindi kita tatanggihan pero sa isang kondisiyon."
"What?"
"Hwag kang magsalita. Hwag magdadadaldal. Hwag mo akong kausapin dahil ako ay talagang naiinis sa'yo!"
"Deal!" Bago yan binuksan niyang muli ang front seat. "Hop in, Sav." Padabog kong sinunod ang utos niya isinuot ko na din ang seat belt para safety.
Umikot siya papuntang driver seat at sumakay na din at pinaandar ang sasakyan at pinaharurot na ito. Mabilis siya kung magpatakbo. Para bang maiiwan yung kaluluwa mo sa bilis nun.
"Dahan dahan ka nga sa pagpatakbo Brent!" Reklamo ko. Pero binilisan niya pa din ang pagpapatakbo. Pake ko kung isa siyang racer ang akin lang ay hwag mauna yung kaluluwa ko sa langit dahil sa lakas ng pagpapatakbo niya.
YOU ARE READING
Love To Hatred
FanfictionWhen Angelo's love of his first love turns to hatred because of infidelity, who will save him from forgetting his painful past?