Chapter 5 - Iyak

139 43 3
                                    

Savinna Mia's POV

"Hey!" Abala ako sa pakikipag-usap kay Anayaleah ng bigla akong napalingon sa kay Angelo dahil sa pagtawag niya sa'kin.

"Ano 'yon pogi?" Malapad na ngiti kong tinuon ang paningin ko sakanya. Kumunot ang noo niya na para bang sinusuri ako. "Hmm?" Tanong ko ulit ng hindi siya magsalita.

"Naks! May pa walk out walk out ka pang nalalaman kanina sa tanong ko Savi ha, eh kasali ka naman pala napo-pogi-an dito sa kaibigan ko, ngayon alam ko ng interesado ka nga talaga sa kaibigan ko hahahah." Si Lee at tinapik si Angelo sa balikat.

"Heh! Manahimik ka nga! Ipatapon kita sa jupiter eh!" Nguso ko pa sakanya bago binaling ulit ang tingin kay Angelo.

"Pogi naman talaga eh.. eh ano naman sa'yo kung interesado ako sakanya?!" Sabi ko na ang mga mata ay nakatuon pa din kay Angelo. Kita ko na napanganga lang si Angelo sa'kin. Kasi yung pakakasabi kong yun ay may pang-aakit na tuno.

Natawa lang si Lee at Vent nakikitawa din si Anayaleah. Alam kong kinikilig din yan. Kaso ganyan talaga yan pagkaharap na si Vent parang nawawalan ng dila. Hindi nagsasalita. Nahihiya eh sa pagkakaalam ko kagaya ko yang makapal din ang mukha. Matagal na kaya yang may paghanga sa kay Vent. May gusto din naman si Vent sakanya kaso ayaw ni Vent na sabihin ko sa kay Anayaleah dahil gusto niyang siya mismo ang umamin dito. Kaya ngayon wala silang alam na gusto pala nila ang isa't isa. Jusko naman.

"Eeeee!" Panunuya ng dalawang kaibigan ni Angelo at pinagpapalo siya panay iwas naman si Angelo na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. Bakit nila pinagpapalo ang Angelo ko?!

"Hoy! Hoy! Hoy!" Tumayo ako at lumapit sa kay Lee at Vent tumayo talaga ako sa pagkakaupo para ipag untog silang dalawa dahilan para magtigil sila at busangot na bumaling sa'kin. "Bakit niyo pinagpapalo si Angelo?" Duro ko sakanila. Sempre kailangan kong ipagtanggol si Angelo para dagdag points ako sakanya.

"Ano ba?! Ang sakit nun ah!" Angal ni Lee na ngayo'y nakahawak sa ulo niya. Nginiwian ko lang sila at sinamaan ng tingin.

"Masakit yun ah! Aray! Awts!" Si Vent na gaya ni Lee ay nakahawak sakanyang ulo.

"Eh yung ginawa niyong paghampas kay Angelo, sa tingin niyo hindi yun masakit?! Ha?! Ha?! Buti nga sa inyo! Psh."

"Angelo, okay ka lang ba?" Baling ko sa kay Angelo sa masuyong boses. Nilingon niya lang ako as in lingon lang walang kung ano, walang emosiyon wala. wala. Nag expect akong ngingiti siya pero wala.

"I'm fine. I gotta go." Sa malamig nitong boses na sabi tumayo na.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko naman.

"It's none of your business." Hindi niya man lang ako nilingon at iniwan nalang ako ng bastahan. Kumirot ang aking bandang dibdib. Gano'n ba talaga siya kasungit para magtipid ng sasabihin sa'kin? Para saktan ako ng ganito?! Hehe. Habang papalayo siya ay tinatanaw ko lang ang kanyang makisig na likuran. Hindi niya alam ang pasikot sikot nitong university dahil baguhan pa lamang siya dito at baka maligaw pa siya. Nakakainis kasi itong dalawa eh! Hindi ko alam kung bakit nila pinapalo si Angelo sa likod nito. Kung kinikilig sila pwede namang tumili lang eh hindi yung namamalo. Sarap pag untugin ulit! Argh!

Masamang tingin na  binalingan ko ang dalawa. "Kayong dalawa! kasalanan niyo kung bakit nag walk out si Angelo! Dyan na nga kayo!" Nakita kong napakamot silang dalawa ng batok. "Best friend, I have to go, dito ka na muna kasama ng dalawang ito. Kailangan kong sundan si Angelo." Napakunot lang ang noo ni Anayaleah pero kalaunan din ay tumango din siya.

Dali akong tumakbo palabas ng canteen at sinundan si Angelo. Saan kaya pupunta yun?

Nakita kong patungo siya sa likod ng canteen. Maganda ang likuran ng canteen dahil may garden doon at may malaking puno ng narra na may bermuda grass na nakatanim sa ilalim na pwedeng upuan at pwedeng tumambay doon anytime. Favorite ko din na tambayan yung lugar na yun eh.

Love To HatredWhere stories live. Discover now