Matapos naming mag-exam, ay nandito na kami sa canteen para mag lunch. Kompleto kaming lahat andito si Anayaleah, Lee, Vent at Angelo. Hindi ko alam pero iba na ngayon, kung kanina'y mukhang halos mabaliw ako dahil sa kakaisip na hinalikan ko si Angelo. Ngayon ay mukhang inspired na ako. Dahil ang crush ko ang nakakuha ng unang halik ko.
Mabilis lang kaming natapos na kumain, minsan ay napapansin kong napapadako ang paningin ni Angelo sa'kin. Hindi ba talaga siya maka-move on sa paghalik ko sakanya? Ang awkward tuloy.
"Kumusta naman ang exam niyo? Grabe! Ang hirap nang amin! But still nakayanan ko naman." Si Anayaleah.
"Mahirap, pero madali lang kung nakapag review ka talaga ng mabuti." Sagot ni Lee.
"Okay naman." Sagot ko. Si Vent hindi naman umimik nakatitig lang kay Anayaleah.
"Vent natutunaw na si Leah." Ani Lee at napakurap kurap naman siya at natauhan. Napansin din pala yun ni Lee. Iniwas niya ang tingin kay Anayaleah at yumuko at kung hindi ako nagkakamali ay namumula siya.
"Shut it bro!" Si Vent kay Lee. Natawa kaming lahat sa inasta niya napatingin naman ako kay Anayaleah at napansin ko din ang pamumula niya. Grabe talaga 'tong dalawang magka-MU nato!
Muling binaling ko ang paningin kay Angelo. Nakatingin lang siya sa'kin habang seryoso ang mukha. Lagi naman siyang seryoso eh.
Nagulat nalang ako ng tumayo siya. At dahil sa hilig niyang mag walk out sa hindi malamang dahilan lumabas siya ng canteen. Walang silbi ang pagsambit nila Lee dahil hindi din naman sila pinakinggan. At gaya nung una tumayo ako at sumunod na naman. Wala talaga akong hiya! Pagkatapos kong halikan siya ngayon maghahabol na naman ako. Wala na akong pake kung anong ibansag niya sa'kin mapa-annoying man yan o freak. Kahit ano pa itawag niya sa'kin okay lang. Basta hwag lang siyang mawala sa paningin ko tuwing nandito ako sa paaralang 'to.
Baliw na ako! Wala akong pake kahit magmukha akong desperada tuwing nakabuntot ako sakanya. Dahil ang goal ko ngayon ang matanggal ang kalungkutan sa mga mata niya. Hindi ko alam kong bakit tuwing nakikita ko yung malungkot niyang mga mata ay parang pinipiga ang puso ko.
Galit ako sa kung sino man ang puno't dulo nun! Kung sino man ang dahilan ng kalungkutang yun pagsisisihan niyang ginawa niya yun kay Angelo ko!
Sinundan ko nga siya hanggang sa makarating na kami dito sa rooftop. "Angelo! Bakit ba ang hilig mong mag walk out ha?!" Galit galitan ako. Agad naman siyang napalingon sa direksyon ko. Pinan-singkitan niya ako ng mga mata.
"Why are you here?" Malamig niyang tanong ng nakakunot ang noo.
"Ikaw? Bakit nandito ka?" Pabalik kong tanong.
Umirap siya. "None of your business." Malamig na naman ang tuno ng boses niya.
"Wala akong business kaya pwede ba?! Hwag kang maging cold sa'kin! Hindi ako sanay na may taong cold na makipag-usap sa'kin... It seems like I'm unimportant person.. ayaw kong may taong sobrang lamig sa'kin dahil pakiramdam ko wala akong silbi kahit meron naman.." Sumimangot ako para ipakita sakanyang apektado ako sa pagiging cold niya sa'kin. Totoo yung pinagsasabi ko.. ayaw kong may taong cold sa'kin kasi sumisikip ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
Tumalikod lang siya at naglakad patungo sa fence ng rooftop at sumandal doon nagyosi na naman. Kusa namang naglakad ang mga paa ko palapit sa tabi niya at sumandal din sa fence.
"Anong lasa mg usok? Masarap ba?" Tanong ko habang nakatingin sa umuusok niya bunganga. Tumingin naman siya sa'kin na kunot ang noo. Kita ko ang pag-awang ng labi niya. Ang labi niya....
"Can you please stop talking? Your voice is such an headache... " Napasimangot na naman ako sa sinabi niya at hindi nalang ulit na nagsalita.
Sakit ng ulo ang boses ko? OMG! I'm sorry Angelo kung napapasakit ko yang ulo mo dahil sa boses ko.
YOU ARE READING
Love To Hatred
FanfictionWhen Angelo's love of his first love turns to hatred because of infidelity, who will save him from forgetting his painful past?