EIGHTEEN

3.4K 116 2
                                    

Dandelion Daze Dy's 18th birthday...the youngest of Dy siblings. She's next to Dwayne Dale who's five years older than her. Tapos ang mga sumunod ay isang taon na lang ang gap . . . which means Dane is already 26...two years older with the Brother's Code.

"They spend millions for their youngest debut," Phoenix said at tumingin sa kabuohan ng hall. Hindi mo alam kung party hall ba talaga o palasyo na. Hailey is with him who is now seven months pregnant. "Are you ok, Hail?"

"Oo, ok lang ako. Sabi ko kasi sa'yo wag na ako sumama dito," Hailey answered.

"Para naman makapaglibang ka."

Hailey is aloof. Hindi siya sanay sa socialite. Mas gusto niya sa hacienda kasama ang mga kabayo.

"Hi," bati ni Margot kasama si Jace. Nagkilala na rin sila ni Hailey at mukhang kagaya namin ay gusto rin niya si Hailey. Madali kasing makapagpalagayan ng loob si Hailey. She's really innocent na minsan ay nagiging witty na.

"Hi, Hailey." We look at Dylan na biglag sumulpot kasama si Maggie at magkahawak kamay sila. Nagkabalikan na ba sila?

"Hi, Dylan. Hi, Maggie." Nakangiting bati ni Hailey sa kanila pero tumingin sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Laki na ah! Balita ko triplets daw yan?" Dylan asked.

"Oo, puro babae."

Dylan laughed saka tumingin kay Phoenix. "Shooter, kaso mukhang may tatay na sasakit ang ulo. Tatlong Maria agad. Anyway, enjoy kayo sa party." Dylan go with Maggie. Hawak niya sa beywang si Maggie at dikit na dikit sila. Tangina niya ang sarap niyang sapakin.

"Blaze..." Napatingin ako kay Hailey nang tawagin niya ako.

"Yes?"

"It's not too late. Kaming mga babae mabilis kami masaktan pero mabilis din lumambot ang puso kapag mahal na namin ang kaharap namin." Hindi ako nakasagot sa kanya at napatingin lang kay Maggie. "Sana maging ok kayo," she added.

Napailing na lang ako. Hindi ko alam paano uumpisahan. Aminado akong nagseselos ako pero naiinis din akong isipin na sinisira niya nag buhay niya ng ganyan.

Sabay na dumating sina Dane at Zeus. Binati lang kami ni Dane at dumiretso na siya sa table nilang magpapamilya. Pero sa kanilang lahat si Dylan ang hindi nila kasama dahil ang kasama niya ay ang dalawa niyang kaibigan at si Maggie.

Maggie and Dylan talked habang magkatabi sa upuan. They laughed and talked habang nakahawak si Dylan sa likod ni Maggie. Yong hawak niya ay halatang haplos kamanyakan. Minsan ay hinahalikan niya si Maggie sa balikat. Napapahilamos na lang ako gusto ko tumayo at hilahin si Maggie.

The party started at wala akong masyadong maintindihan. Ang alam ko lang ay maraming beses na nagpalit ng damit si Daze. Ang sabi sa amin ni Margot ay 18 times daw nagpapalit ang debutant. 18 roses started, at dahil isinama kami ni Dane sa listahan ay kasama kami sa magsasayaw kay Daze. Phoenix first, then Jace, me, last si Zeus. When its my turn I greeted Daze and wished her goodluck to her legality. Nag thank you lang siya at nag thank you rin sa pagpunta namin. She's really beautiful. No wonder na isa siyang Dy.

After the 18 roses ay napansin ko si Dylan na bumubulong kay Maggie. Tapos tumango si Maggie at tumayo sila. May dala silang tig-isang baso habang may bitbit na isang bote ng alak si Dylan. Lumabas sila ng party hall kaya tumayo rin ako para sundan sila. Sa lagay ba tutunganga ako dito at hihintayin ang pagbalik nila?

"Saan ka pupunta?" Jace asked pero hindi ko pinansin. Lumabas ako ng hall at narinig ko silang nagtatawan at naglalakad papunta sa dulo. Meaning sa open pool sa may terrace ang punta nila. Sinundan ko sila doon na nakatayo at nakasandal sa railings at nagtatawanan. Walang ibang tao maliban sa kanila.

Brother's Code - Denial 2: Blaze's Psycho LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon