Margot did not stop crying habang hinihimas ni Jace ang likod niya. Nandito na kami sa isang kwarto sa hotel at kasama na namin sila Phoenix at Hailey. Tapos na ang party at walang nakakaalam kung nasaan sina Dylan at Maggie. Sinubukan ko silang sundan pero nawala sila bigla sa paningin ko.
"Margot, we're clueless, is there something wrong with Maggie?" Dane asked.
"Oo nga Margot, parang baliw ang kapatid mo kanina," Jace said.
"What happened, Margot? Share with us. We are now like a family. Mahalaga na kayo sa amin," Dane tried to convince her pero hindi siya nagsalita. Hailey come and hold her hand. Napatingin siya dito at ngumiti naman ito sa kanya.
"I grew up alone at wala akong kakampi kasi mailap ako sa lahat. Kaya sabi ko sa sarili ko, kapag nagkaroon ako ng mga kaibigan na totoo sa akin. I will share with them my life. My happiness and my sadness. Isasama ko sila sa hinaharap ko, pero bago 'yon, dadalhin ko muna sila sa nakaraan ko para makilala nila ako." Saka inayos ang buhok ni Margot ang buhok niya.
"I am thankful kasi pinakilala ako ng asawa ko sa inyo. Kahit bihira ko lang kayong makasama ay alam kong nandiyan kayo para sa amin . . . para sa akin. At ngayon na magkakasama na tayo sa loob ng friendship na ito, asahan mo na kasama mo kami sa lahat ng problema mo."
"Hailey..."
"Hindi ka namin aagawin sa kapatid mo. Nandito kami para damayan ka at kasama mo kaming iintindi at magmamahal sa kaniya." Margot looked at us one by one. Hinigpitan niya rin ang hawak sa kamay ni Hailey.
"When mom dies, Maggie suffered from depression and became suicidal. She tired to kill herself many times." umpisa niya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Hailey.
"What?" sabay-sabay nilang tanong habang ako tahimik lang na nakikinig.
"When she recovered, everything was back to normal, kaya nga siya nagkaroon ng kasintahan. Si Khairo. Pero nang maghiwalay sila, it turns into a psychiatrict problem. Para siyang nawawala sa katinuan, but not in a way na nagiging hopeless or lonely. It's in a way na nagiging aggressive siya. Nagiging warfreak. She fights everyone. There was this one student na tinawag siyang baliw tapos binasagan niya ng baso sa ulo."
"Alam mo na, Jace?" Phoenix teased him.
"Hindi na siya baliw, psycho na lang," Jace responded.
"Naging okay siya, pero ang naging kapalit noon ay naging competitive siya. Attention seeker. Gusto niyang siya ang bida at napupuri. It was like doon siya bumabawi. Feeling niya, sa ganoong paraan niya nasasabi na someone needs her . . . that she's someone special. Though, andoon pa rin ang ugali niyang warfreak, pero kung ipi-praise mo siya, you mean a lot to her. Sa 'yo na iikot ang mundo niya. But now, she turned to what she was. Mas lumama pa dahil nagti-take na siya ng drugs."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakaramdam ako bigla ng guilt dahil sa narinig ko. Minsan ko nang nakasama si Maggie at totoo ang sinabi niya na kapag pinahalagahan mo si Maggie ay sa 'yo na iikot ang mundo niya.
"Margot," tawag ko.
"Wala kang kasalanan, Blaze. Walang may kasalanan nito. The doctor said maybe a genetic or hereditary na nakuha niya sa mom namin."
"Maggie, I hope you don't mind, anong kinamatay ng mommy niyo?" Dane asked. Gusto ko rin itanong sa kanila 'yan, but I have no guts to asks.
"She committed suicide."
Lahat kami ay iisa ang reaksyon. Speechless.
"The night before she dies, Maggie called her useless, shame, dahil sinisisi siya ni Maggie bakit kami iniwan ni dad. Nalulong si mom sa alak at 'yon ang iniisip na dahilan ni Maggie kaya lumayas si daddy dahil lagi silang nag-aaway kakainom ni mommy. At school, the teacher told them to reminisce about their relationship with their family and she realised everything. She bought flowers to reconcile with mom, but when she enters the room, she saw mom hangs herself. Siya ang unang nakatuklas sa nangyari kay mom."
"What the fuck."
"Holy shit."
"Fuck."
"Shit."
"Margot, sorry to hear that."
"No, Dane, okay na ako. I already accepted my mother's fate. But not Maggie. She blamed herself dahil sa mga nasabi niya kay Mom. She thought na kaya 'yon ginawa ni Mommy dahil sa mga sinabi niya. Tapos hindi pa siya nakahingi ng sorry. Hindi niya nabigay ang flowers at card na ginawa niya. Doon nagsimula ang guilt niya . . . at ang regrets. At alam n'yo ba kung ano talaga ang dahilan kung bakit siya naging ganiyan ngayon?" Everyone looked at her and waited for her next story. "The night that you left her, Blaze, that day she met Dad and she discover something."
'Tangina, nasabi nga niya sa akin 'yon. Sinabi ko pa sa kaniya na deserve niya ang nangyayari sa kaniya at ang dami kong masasakit na sinabi sa kaniya. Pero hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila dahil hindi ko na inintindi ang mga sinabi niya.
"It turns out na kaya naglalasing si Mom noon kasi may pamilya na palang iba si Dad. That Dad never loved her kaya nagkaganoon si Mom. Dad said na hindi na niya kami kailangan. He even said that he doesn't want to have a child with Mom at si Mom lang may gusto na magkaanak kaya kami nabuo. All we know was all lies. Akala namin kaya umalis si Dad ay dahil sa paglalasing ni Mom pero kaya pala nagkaganoon si mom ay dahil sa kaniya. Lahat pala ng masasayang alaala namin sa Paloma noong kabataan namin ay puro kasinungalingan lang."
"Margot..." Hinimas ni Jace ang likod niya.
"Ngayon, ang tanga ko dahil isinumbat ko sa kaniya na kasalanan niya ang nangyari kay Mom. The doctor told me to never give her any reason to blame herself . . . pero ano'ng ginawa ko? The doctor said that not anyone can manage themselves when it comes to regrets and guilt. And Maggie is one of those persons who can't handle her guilt."
"Margot, I am sorry. I don't know anything. Nagsimula lahat ng ito dahil sa nangyari sa amin." Pero anong magagawa ng sorry ko? Mababawi ko ba ang mga nasabi ko sa kanya.
"Ayokong sisihin ka dahil walang may gusto nito."
Ginulo ko ang sariling buhok dahil sa narinig ko mula kay Margot. Should I blame myself? Tama ba si Dane nang sabihin niya na sana hindi ko pinalala ang sitwasyon? Sana inayos ko at nagdamayan muna kami? Sana bago ako nag-react ay nag-usap muna kami?
Aminin ko man o hindi pero hindi ito lumala ng ganito kung pinakinggan ko siya nang gabing iyon at inayos namin ang problema. Maibabalik pa ba kami sa dati? Mababawi ko pa ba si Maggie kay Dylan? Putangina, wala akong pakialam sa Khairo o kay Dylan o kung ano pa ginawa nila. Gusto ko siyang mabawi pero paano? Anong gagawin ko?
Dane cellphone rang at napakunot ang noo niya bago sumagot.
"Yes, Dylan? What?! Saang hospital? Ok, papunta na kami." She ended the call and looked at us.
"Sino yon?" Zeus asked.
"It's Dylan. He brought Maggie to Happy Smile Hospital."
"Anong nangyari?" Margot asked at pati ako ay kinabahan.
"Binangga niya ang kotse niya sa poste."
![](https://img.wattpad.com/cover/288842023-288-k752379.jpg)
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 2: Blaze's Psycho Lover
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 2 Dahil natalo si Blaze sa pustahan, napilitan siyang pakasalan si Maggie. Pareho silang nangakong hindi mahuhulog ang loob sa isa't isa at nagmatigasan kung sino ang unang magfa-file ng annulment. Madalas na tinut...