TWENTY NINE

3.8K 103 12
                                    

Nagpipigil ako ng sakit habang nakatingin kay Maggie na dahan-dahang tinutuklap ang isang kuko ko sa paa. Sumirit ang dugo kaya mabilis niya itong tinakpan ng bulak at nilagay sa isang batya na maraming yelo. Mabisa raw kasing pampaampat ng dugo ang malamig.

"Kung hindi ka ba naman isanlibo't isandaan tanga. Iniisip mo na magpapakamatay ako. Ayan, nasaktan ka tuloy."

"Natakot lang ako."

"Bakit ba kasi pumasok sa isip mo na magpapakamatay ako?"

"I saw you with a rope. Anong iisipin ko?"

"Magsu-swing sabay kanta ng chandelier. Suicide agad-agad? Ganoon ba ako ka suicidal sa paningin mo?"

"You can't blame me."

"Sabagay, I was once a suicidal pero bata pa ako noon 'no! That was the time that I never met Dylan." So, she changed because of Dylan? "Oh masyadong nag-o-overthink. I changed because Dylan taught me a lot of things."

"'Yon na naman pala, bakit binangga mo kotse mo noong birthday ni Daze?"

"Huh? Pinagsasabi mo?"

"'Yong nadisgrasya ka? Dylan said binangga mo kotse mo."

"Ah! Kotse ni Dylan 'yon at hindi akin. And for the record...hindi ko binangga. Nawalan ng preno at hindi ko nakontrol." Saka siya umupo sa tabi ko. "And please, alam ni Dylan ang rason bakit ako nabangga."

Gago pala 'yon tarantadong 'yon at siniraan pa si Maggie sa akin.

"But don't get mad at him. Hindi niya rin kasi alam ang totoo at 'yon din ang akala niya. He mad at me dahil akala niya ay ginawa ko talaga 'yon. So, I said I did not do those stupid shit at nawalan lang ako ng kontrol. So, he investigated and we found out that someone removed the brake of his car."

"What?" Ibig sabihin may nagtangka sa buhay niya?

"Someone wants to kill Dylan, not me."

Ah sa gago pala. Pero teka...

"And since I used his car ako...ang muntik nang mamatay."

"Did you report it? I mean, did Dylan report it to the police?" Wala naman akong paki-alam sa gago. Pero tangina dapat mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya lalo na at putangina nadamay ang baby namin.

"Well, he's in hell. May he rest in peace."

"You mean?"

"What do you think? Dylan is a Dy and someone tried to kill him but it happened na hindi siya ang nasaktan but a person that important to him at nadamay pa ang baby ko. Ano sa tingin mo gagawin niya? Ipapaubaya sa mga pulis ang nangyari, e sa kanya na man may kasalanan."

"Sana pinakilala niya sa akin para ako na pumatay."

"Honestly his planning to tell you but I stopped him."

"Why?"

"Kay Dylan siya may atraso."

"May atraso rin siya sa akin dahil sa nangyari sa baby ko."

"Ok na rin yon."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ok lang sa kanya na namatay ang baby namin?

"Don't get me wrong, please. I am sad when I knew that I am pregnant and the baby fell. Pero naisip ko na ano ang magiging buhay o kalalabasan niya kung mabubuhay siya? Kung habang nabubuo siya ay wala akong ibang ginawa kundi maglasing, mag-drugs, magalit at puno ako ng hatred? Eh di nagmukhang nakainom ng isang galon na suka ang anak ko sa sama ng mukha dahil pinaglihi sa sama ng loob." Napatawa ako ng konti dahil sa sinabi niya.

Brother's Code - Denial 2: Blaze's Psycho LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon