THIRTY TWO

3.7K 93 5
                                    

kadarating ko lang galing trabaho para dito mananghalian nang maabutan ko si Maggie na may kinakabit sa dingding. Maggie told me she would make food for lunch kaya umuwi ako. She lived here after our vacation in Baguio. I already told her about this house. She said na mabuti na lang at hindi ko pa naibigay sa kaniya ang bahay na ito dahil baka ito ang sinunog niya.

"Hi." I greeted her and approached her to kiss. Napatingin ako sa painting na regalo ni Hailey sa amin. Nakalagay ito sa bakanteng pwesto sa gitna ng dalawang tiger na painting. Akala ko talaga ay sinunog niya 'yan.

Para riyan ka talaga.

"Ganda 'no?" tanong niya.

"Mas maganda ka."

"Alam ko matagal na. By the way, dumating na pala ang mga isusuot natin sa kasal. Kaso wala na dito kasi ang gown ay tinangay ni Margot. Ang sa'yo naman ay kinuha ni Dane."

"Huh, paanong tinangay?"

"Sabi ko kasi isusukat ko. Sabi nila, pamahiin daw na wag isusukat ng bride at groom ang kahit anong isusuot sa kasal. Kaso alam nilang baliw ako at pag nasa kamay ko 'yon ay imposibleng hindi ko isukat." Saka siya yumakap sa akin. "Valid pa ba ang ganoong pamahiin samantalang nag-sex na tayo?"

I smiled and hugged her. Three days na lang ay kasal na namin. I can't explained at super excited na ako. "Hayaan mo na sila dahil mas marami silang alam sa lumang pamahiin."

"Oo, pareho kasing luma mga mukha at utak nila. Let's go, kain na tayo at babalik ka pa sa opisina."

I am holding her hands habang bumaba kami. Nang makarating kami ay pinaupo na niya ako habang naghahanda siya. Ilang buwan na simula nang lumipat siya rito at lagi niya itong ginagawa sa akin. Pero ang pakiramdam ko ay laging bago.

Seeing her preparing our meals makes me happy. I thought it would never happen again. Isipin ko pa lang na muntik na siyang mawala sa akin ay sobrang pagsisi na ang nararamdaman ko.

She stopped using drugs. Maliban sa ayaw na niya ay hindi na rin siya binibigyan ni Dylan. Minsan na lang din siyang uminom ng alak at hindi na naglalasing. Focus siya sa pag-aasikaso sa akin at sa gawaing bahay gaya nang una namin pagsasama. May kinuha akong katulong para may kasama siya at katuwang sa mga mabibigat na gawain. Pero pagdating sa pagluluto at pagpaplantsa ng damit ko ay siya ang gumagawa.

"Ang bango ah!" puri ko.

"Sinigang na hipon." Nilapag niya ang ulam sa harap ko. "Wala na akong ginawang dessert dahil mahaba naman ang oras mo ngayon sa break...kaya ako na lang dessert mo."

"Sabi mo 'yan ha?"

"Pag usapang sex talaga ang bilis mo. Minsan tuloy hindi ako naniniwala sa kanila na bihira ka lang magkama ng babae noon."

"Maniwala ka na, love, sa'yo lang talaga ako hindi makatanggi at nanginginig pa."

"Oo na, at baka magbago pa isip ko sa dessert mo."

We ate together. Ang sarap sa pakiramdam na may nag-aasikaso sa'yo at hindi lang basta kung sino kundi babaeng mahal mo. Ang babaeng gusto mo makasama habangbuhay.

After eating ay hinayaan na namin sa kasambahay ang naiwanan sa kusina. As Maggie promised, she was my dessert. We just took some rest and then we made love.

"Anong oras ka babalik sa office?" We're both naked while she's playing by chest.

"Later, wala akong meeting ngayon kaya pwede pa natin sundan ng round two."

"Walang problema...pero wala na mamayang gabi."

"I changed my mind. Mamayang gabi na lang pala ulit."

"Blaze..."

"Hmp?"

"Our wedding is three days from now. I will be a real Gonzales." Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya hinalikan ko siya. "Thank you for loving me, Blaze. For not giving up on me. For taking me back."

"And thank you for coming back."

"Honestly, I can't see myself with someone else after I fell in love with you." She pushed herself to me. "After my first heartbreak, I promised, I wouldn't fall for anyone. I am just planning to give my purity to someone else who deserves to have my virginity but no strings attached. Para lang ma-enjoy ko ang pagiging liberated after. But falling in love, tsk, was not on my plan."

"Not until you met me," I said.

"Not until I fell in love with you. When I married you, I was planning to give you myself as a payment sa pagkakakuha ko sa Paloma. But everything changed and I learned to love you. Since then, I promised to myself na never ko nang ibibigay sa iba ang sarili ko. It will be you and only you. Kahit tuluyan pa tayong maghiwalay ay gagapangin pa rin kita. Kahit may iba ka na, aahasin pa rin kita. Pakialam ko, at least, ikaw lang ang lalaki ko."

"Me too, I thought the same, Magg. Nang gabing iuwi kita rito at may nangyari sa atin. Kahit iniisip ko noon na kayo ni Dylan ay sinabi ko sa sarili ko na ok lang kung makikisabit ako sa'yo. Wala akong pakialam kay Dylan at sa kung anong meron sa inyo basta akin ka rin. Tangina, ang babaw ko, pero kahit sa kama lang kita makasama ok na ako. But more than that, I want to protect to silently kahit may kayo pa Dylan."

"Talagang iniisip mo na may relasyon kami ni Dylan?"

"Oo, sinabi niya sa doktor tapos naghalikan pa kayo sa hotel noong birthday ni Daze."

"We just teased you. Napapansin kasi namin na hindi maalis ang tingin mo sa amin kaya lumabas kami. Expected na talaga namin na susunod ka kaya pinagtripan ka ni Dylan."

"Gago talaga ang isang 'yon."

"Sobra, kasing gago mo."

"Magg."

"Hmp?"

"I hope you don't mind. But can I ask what Dylan whispered to you that night before you left?"

"Hindi ka pa rin tapos doon?"

"Yup."

"Hmp, sinabi ko na, 'di ba? Na hindi ko puwedeng sabihin?"

"Bakit?"

"Well, friendship code nga. So, it's between me and Dylan. Dylan shares those quotes, sayings, or I don't know what to call it, to someone special to him. It's his version, as he said, so I can't share it with you."

"So you're special to him. Well, I am jealous before, but now I know that you are mine alone, I can't feel anything for him, except for being proud. Kasi akala ko paputok lang nang paputok ang alam ng gago pero marunong din pala mag-isip."

"Don't get jealous of him. He maybe my first boyfriend, but I never loved him the way that I loved you. Even Khairo before, I loved him but not the same as I love you." She cupped my face and face it to her. "Walang-wala ang pagmamahal ko sa kanila noon sa pagmamahal ko sa sa'yo ngayon. Kinaya ko nang mawala sila, pero muntik na akong matuluyan mabaliw nang ikaw na ang muntik ng mawala. Kung hindi ka pa bumalik ay tinuluyan ko na ang sarili ko."

"I believe you, not because that's what you said but, because that's what I feel. At gusto ko ipa-alam sa'yo na hindi ako nagsisi na ikaw ang unang babaeng minahal ko. Ang tagal kong pinigilan ang sarili kong magmahal sa isang babae dahil ayaw kong sumugal but it's worth the wait dahil ikaw ang minahal ko."

"Blaze..."

"Hmp?"

"Round two tayo." Hindi na ako nakasagot nang siya na ang nasa ibabaw at hinahalikan ako. "Iba naman ang mamayang gabi."

Brother's Code - Denial 2: Blaze's Psycho LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon