saklolo! ako'y naghihingalo! kinakapos na ang aking hininga sa walang humpay kong pagtakas mula sa aking manunugis, ang katotohanan.parang awa! ako'y pagkublii't huwag hayaang pinsalain; yaong punyal ng salita niyang puspos ng laso'y harangan ng kalasag at lupigin.
parang awa! siya'y inyong dakpin at ilayo sa akin. sapagkat, nais ko pang linlangin ang aking sarili mula sa ilusyon at guni-guning ang aking irog ay pagmamay-ari ko pa rin.
BINABASA MO ANG
salitang pinagtagpi-tagpi
Poesíamalugod na pagdayo rito sa aking hardin, panauhin. Paalala, ang hardin ay hitik sa pait ng karanasan at kalungkutan.